Bie's POV
Tahimik kami sa loob ng kotse.Buong byahe.Wala pa ko sa bahay kasi apaka traffic tapos isabaypa yung kanina pa palang pag ulan nung 3daw ng hapon.
2hours na kaming nandito sa highway na to.At hanggang ngayon, hindi parin umuusad ang mga sasakyan.Badtrip! kasalanan talaga ni Pnoy ang lahat!
Kung bakit walang poreber!
Kung bakit ako nasasaktan!
Kung bakit hindi na virgin ang lips ko!
Kung bakit traffic!
At higit sa lahat, kung bakit kasama ko ngayon yung lalaking pinag momove-on-nan ko! Letse. Ni-hindi ko ngatalaga alam kung makakamove on ba talaga ako!
Si PNOY naman kasi e! Nakakabwisit! Sarap taniman ng buhok sa ulo!
"M-May payong ka ba diyan?" tanong ko kay joshua na hindi lumilingon sa kanya. Bat ba? Walang basagan ng trip.
"Meron, pero hindi ko ipapahiram sa'yo." sagot nito at napaharap tuloy ako sa kanya naumuusok nanaman ang ilong.
"Bat' ba apaka damot mo ha?!!" sigaw ko sa kanya na akmang manununtok.Syempre para makita niyang naiinis ako.
"Madamot talaga ako pag dating sa ex ko." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Talaga bang kailangan niyang ipangalandakan saakin na 'ex' na niya ko? Na wala na talaga kami? Na talagang hindi na niya ko mahal? Sakit ha.
"A—ah ganon?! K—kung madamot ka sa ex mo?! aba bat ka nag suggest na ihahatid mo ko ha?!!!!! Ha?! Ha?!" sigaw ko na talagang nilakasan ko para marinde siya.Bwisit lang.Sakit kaya nung sinabi niya. Gusto ko na ngang umiyak e.
"Edi bumaba ka na ngayon." mahinahon niyang sabi. Tumingin ako sa paligid.Ang lakas ng ulan.Nag lakas loob na ko na lumusong at patulan ang hamon ng bwisit na lalaking to ng may makita akong mga tao na nag sisibabaan na rin ng sasakyan na handa ng mag lakad at lumusong sa malakas na ulan.
"T—talaga?!" sigaw ko at bubuksan ko na sana yung pintoat bumalik ako ng tingin sa kanya.
"P—pahiram ng payong?!" sigaw ko
"Sabi ko nga sa'yo madamot ako sa ex k—" pinutol ko na kaagad yung sasabihin niya.
Ang sakit na nga e.Uulitin pa ba niya?
"Oo na sa ex mo?! Peste! Kailangan bang ipangalandakan mo pa saakin na ex mo na ko ngayon?! Na hindi na talaga tayo?! Na hindi mo na talaga ako gusto?! Joshua naman! Oo na sige na! Ex mo na ko! Bahala ka na diyan mag isa sa buhay mo! Sana may baha na biglang dumating para kainin ka kasama nang sasakyan mo!!!!" sigaw ko at lumabas na talaga ako ng sasakyan.
Pinatong ko yung bag ko sa ulo ko.Para hindi ako mag ka sakit pero, balewala rin.Nabasa rin yung ulo ko.Lalo na yung damit ko.
Hindi na ko nag taklob pa ng ulo.Nag lakad nalang akk sa ilalim ng malakas na ulan.Muka man akong nag dradrama dito at gumagawa ng isang music vedio.Aber' wala na kong pake. Wag ko lang makasama yung lalaking yon!
Oo! Miss ko siya?! E' ano naman?!
"HOY BABAE!" Napalingon ako sa likod kung saan galing yung boses na tumawag saakin. Si Joshua.
Nilinon ko siya pero agad ko rin siyang iniwasan.Pag iwas ko, letse yung luha ko nakisabay sa ulan.
Badtrip.Bat naman kayo ganito?!
"HOY BABAE?! BAT BA ANG KULIT KULIT MO HA?! MAY SUGAT KA SA BINTI DIBA?! WAG KANG LUMUSONG SA BAHA DIYAAN?!" sigaw niya. Papunta kasi ako sa hotel na malapit dito.
Oo tyempo naman at malapit kami sa hotel.
Hindi ko siya pinansin.Nag patuloy parin ako sa pag lalakad.
BINABASA MO ANG
Foreign Love Game
Teen FictionBat ba pag dating sa LOVE eh hindi maiiwasan ang ma broken? Bat ba ang hirap alamin kung talaga bang destiny kayo? Sa istoryang ito ay may anim na masasabing prinsesa. Saan naman kasi kayo? Apaka perfect nila. Magaganda.Mayaman.Simple.Mababait. Bas...
