F.L.G.(Chapter 90-Wag ka ng papakita saakin)

42 4 0
                                    

[Kath's POV]

Nasa mall kami ni Dj ngayon. HHWW. All caps! Sweet kasi ng nilalang na to! Ang nakaka asar lang. Ang raming tumitingin na babae sa kanya. Aba. Hindi ko naman sila masisisi, gwapo boyfriend ko e. Kaso wag naman silang sobra sobra! Nakakaimberna e. Nakakapanira ng araw.

"Hindi ka ba naiinggit kay barbie?" singit niya mula sa kanina pa naming pag kwekwentuhan.

"Naiinggit saan?" tanong ko.

"Na-Na sila.. kasal na. Napatunayan na talaga nila sa isa't isa na sila na talaga. Na mahal talaga yung isa't isa. " napangisi ako.

"And what do you mean by that uhmn?" sabi ko sakanya habang nag pipigil ng kilig.

"K-Kasal? ayaw mo pa ba?" tanong niya at natigil kami sa pag lalakad.

"Uhmn.. Alam mo- Ikaw lang naman an-" napatigil ako ng may biglang sumingit.

"Oh my ghad! What a co insidence? Nandito rin kayo?" naptingin kami sa nag salita. Ang bruhildang Coleen.

Napunta agad ang kamay ni Dj sa waist ko.

"Ah... Sorry? pero hindi ba halata?" pamimilosopo ko.

"Sorry for my question dear. So saan na kayo pupunta?" pamlamlastik niya.

"Sa lugar kung saan , wala ka. Maganda kasi yon. Hindi kami mangangati ng future husband ko." sabi ko with matching haplos sa chest ni Dj.

"Future husband?" tanong ni Coleen na hindi makapaniwala.

"Oo.. Kaso sa kinasamaang palad hindi ka na namin maiimbitahan kasi ang usapan naming dalawa bisita lang pwede naming imbitahin, hindi bwisita." sabi ko at kita kong umuusok na ang ilong niya

"O come on! Yan ba ang nagagawa ng selos sayo? Nagiging author ka ng di oras?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Author? ako? Haha. Poor Coleen. Can't you just acxept the truth na hindi ikaw ang mahal ng mahal ko. Kung hindi ako ang mahal ng mahal mo na mahal na mahal ko?" sabi ko at sa sobrang inis ay humarap ako kay Dj at hinalikan siya.

"So pano? Una na kami ha? May meeting pa kami with our wedding planner." sabi ko at iniwan na namin siya ng tuluyan.

"H-hoy! Chandaria!" nauutal na sabi ni Dj.

"What? Halika na sa inyo!" sabi ko at hinitak siya.

"Saamin?" tanong niya.

"Oo? Kasi ikakasal na tayo."'simple kong sagot habang hawak ang kamay niya at patuloy siyang hinahatak.

"Si-siryoso ka ba don?" Nauutal niyang tanong at hinarap ko siya habang nag lalakad parin.

"Oo. Ganun talaga pag mahal mo na talaga ang isang tao. Hindi mo na hahayang maagaw pa siya sa'yo ng iba? Pag mahal mo na talaga ang isang tao, hindi mo na dapat siya pakawalan pa." sabi ko at gulat ko ng hilahin niya ako ng biglaan papunta sa kanya.

He just kissed me.

"Let's go? May pupuntahan muna tayo." sabi niya at tumuloy na kami.

"Saan???" tanong ko.

"Somewhere out there." sabi niya dahilan para mapaisip ako

Habang tinitignan ang dinadaanan ay nalaman ko na agad kung saan kami pupunta.

"Bat naman tayo nandito sa condo mo?" tanong ko ng makaakyat na kami sa condo niya.

"Well. Ready ka na ba sa surprise ko?" tanong niya, kumot ang noo ko.

"Silent means yes?" sabi niya at binuksan na niya ang pinto.

Yung kwarto niya punong puno ng baloons na bawat pisi nung lobo ay may picture namin since nung high school kami. Mga naka uniform pa.

"Dj.. Ang ganda." sabi ko at hinanap hanap si Dj na nawala sa likod ko.

"Kath." napalingon ako sa kabilang likod ko.

Naka luhod siya.

"Will you? Marry me?" sabi niya at mangiyak ngiyak ako. Hindi ko akalain na ngayon pala mismo niya balak mag propose. Hindi ko akalain yon. Hindi ko akalain ito.

"Dj!" inis kong sabi at ngumiti lang siya.

"Tumayo ka na nga diyan!!" inis na inis na inis kong sabi na medyo may halong arte at kasabay ang pag pupunas ko ng luha.

"Yes na ba yung sagot mo?" tanong niya and I nod.

"I love you kath!" sabi niya kasabay ang isang napaka higpit na yakap.

"I love you Dj! More than yours." sagot ko sakanya at isinuot na niya yung sing sing sa kamay ko. He face me .

"Thank you." sabi niya at hinalikan ako sa kaliwang pisngi.

"Sorry." sabi niya at hinalikan ako sa kanang pisngi.

"I love you." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"So much." sabi niya and he deeply kiss me on my lips.

-----
DONE!
-----

Foreign Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon