F.L.G.(Chapter81-Bla BlaBla.. Fla Fla Fla.. Joke Joke Joke)

153 9 12
                                        

Barbie's POV

"Miss na kita." napatigil ako nang sabihin ni joshua yon.Grabe rin talaga to mag paasa no?

Tumuloy parin ako sa pag lalakad.

"Hindi mo ba ko tatanungin kung bakit kita namimiss?" dagdag niya.Sumagot naman ako.

"Katulad nga ng sinabi sa'yo kanina, bat ako mag tatanong kung alam ko naman ang sagot?"Pag uulit ko sa sagot ko kanina sa tanong niya.

"Sabagay" sabi niya.

"O' san ka pupunta?" dagdag niya nang papunta na sana ako sa hagdan kung saan papasok na ko sa kwarto.

"Aakyat na ko sa taas, at ayoko ng ma trip"ma trip I mean, masaktan.Kasi para saakin ang ibig sabihin ng trip niya e masaktan.

"Akala ko ba alam mo yung sagot sa tanong ko? bat mo koiiwan dito?" napa baling naman ako sa kanya.

"Oo alam ko. Kaya nga ako aakyat sa kwarto ko dahil—"

"Ano ba sagot mo sa tanong ko? "

"Alam mo joshua, isa lang naman ang sagot sa tanong e' na joke lang yon kasi trip mo ko!" imbyerna kong sagot.

"Hindi kita trip kaya kita namimiss." matipid niyang sagot.

"Aba. Miss mo ko dahil gusto mo ng masasakta—"

"Hindi ba pwedeng miss kita kase mahal kita?!" sigaw niya na napatayo pa sa pinag kakaupuan niya.

"Kase' mahal parin kita?" dagdag niya pa.

Kumunot nalang ang noo ko.

"P—pag katapos mong kumain umalis ka na.Tawagin mo nalang ako sa taas para masara ko yung pinto." sabi ko sabay talikod sa kanya pero nagulat naman ako sa ginawa niya.

Niyakap niya ko.Niyakap niya ko pa talikod.Sa madaling salita.Back Hug.

"Mahal kita.Mahal na mahal.Minahal kita.Please give me another chance to prove and show you that I really really love you." sabi nito na naiiyak iyak.

Ang higpit ng yakap niya.

Naiiyak nalang din ako.

"Joshua tama n—"

"Bie! Ano ba?! Let me.Please.Hinding hindi na talaga kita sasaktan" pag mamakaawa nito.

"Joshua! Pano ako makakasigurado na hindi mo na talaga ako sasaktan kung sira na yung tiwala ko sayo!" sigaw ko na, talaga na ang tulo ng luha.

"Edi ibabalik ko yung tiawala mo na yan saakin." Simple niyang sagot at iniharap niya ko sa kanya.

"Joshua.Wag na nating ipilit.Once na pinilit pa natin yung gusto mo, mag kakasakitan lang tayo."sagot ko.

"Hindi naman natin pipilitin barbie.Kahit naman saan mong side tignan, mahal parin natin yung isa't isa.It's now our second chance.Siguro kaya nasayang at nabalewala yung sa unang beses natin dahil tama ka, hindi pa tayo handa talaga.Hindi pa talaga tayo matured.But now bie, second chance is now on us.Please, let me.. let us use this chance.Kung hindi talaga mag work sige.Papayag na ko.Mag paparaya nako." yun ang ayoko talagang mang yari saamin noon.Ang magparaya ang isa saamin.

"Joshua, itigil mo na to.Mapapagod lang ulit ako.Mapapagod lang ako sa pag aaway natin bawat oras.Chance? Gustuhin ko man pero takot na kong mag paka tanga.Ayoko ng mag mukang tanga ulit."sabi ko.

"Ayoko ng masaktan.Ayoko ng masaktan ng patalikod, at the same time ng harapan akong sinasaktan.Joshua' chance? Sigurado ka ba diyan? Bakit? Gusto ko yung lalaking ako lang talaga yung mahal, hindi yung may iba pa na makikita sa coffee shop? Ang rami kong gusto sa lalaki, pero ano? ni isa nga ata wala ka ng mga yon?" sabi ko na sobrang iyak dahil first time ko siyang makitang umiiyak.

Foreign Love GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon