F.L.G.(Chapter 80-And lived happily ever after? Happily?)

108 10 5
                                        

Joshua's POV

Nagising ako.Nagising ako na wala ng nakahigang barbie sa kama.Wala ng babaeng umiiyak sa kama.

Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil, nakokonsensya ako sa mga sinabi ko.Oo nakokonsensya ako.Dahil, hindi ko naman talaga gustong sabihin ang lahat ng iyon.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo.Yung totoo.

Pero, wala na.Sinayang ko na yung chance ko.Second chance ko na sana kagabi pero, sinayang ko pa.

F*CK! Ang tanga m Joshua! Pinaiyak mo yung pinaka mamahal mong babae?! Tanga mo!

Nangako ka! Nangako ka na kahit kailan hindi ka mananakit ng babae katulad ng ginawa ng dadi mo noon sa mami mo?!

Pero, wala.Wala na.

Ang sakit. Pano pa yung kanya? Gaano pa kasakit yung naramdaman niya kagabi sa mga sinabi ko?

Peste.Ang tanga ko!

Nang mapakamot ako sa ulo ay ang sabay naman ng pag kakakita ko ng isang paper sa table.

Paper na may kasamang pera.

Ito na yung share ko sa bayad sa hotel.

Itinabi ko ang papel at inipit ito sa wallet ko.Malay ko ba kung bakit ko ito ginawa pero, hindi ko alam kung bakit nag kusa yung kamay ko na itago yung papel na ginawa niya.

Nakatiklop ng maayos yung damit na ipinahiram saamin nung babae kagabi.Nakapatong ito ng maayos sa kama.

Pinuntahan ko yung damit.

Ganon parin.Tss.Natatawa nalang ako.Ayaw niya talagang magpalit ng cologne.Stick to one talaga siya, swerte ng Desire Kiss.Yan yung favorite niyang cologne.

Ang bango.Nakakamiss.

Isinuot ko yung damit na suot suot ko kahapon.Uuwi nalang muna ko sa bahay, para makapag palit, at makaligo.

Hindi naman ako na traffic.Pag kaligo ko ay agad naman na akong pumunta sa Clinford's University.Ako kasi ang may ari ng school.

"Sir, nasa labas na po yung dalawang students"sabi nung assistant ko.

"Let them in." sabi ko.

At maya maya ay pumasok na yung dalawang estudyante.

"Ten times' na kayong na PPDA, and both of you don't care ? Grabe.Gaano niyo ba kamahal ang isa't isa at wala kayong pakielam kahit ilang beses na kayong na guguidance?" Sabi ko.

Tahimik lang sila.

"At kahapon lang, gumawa pa kayo ng sarili niyong event sa campus?" dagdag ko.

"Akala niyo ba sweet yung ginawa niyong yon? Porket ba, nag titilian yung mga schoolmates niyo e' tama na yung ginawa niyo?Kailangan bang ipangalandakan niyo sa lahat ng estudyante na first anniversary niyo?" pangagaral ko.Hind ako bitter, pinapangunahan ko na kayo.

"Hijo' Hija.Please.I hope na ito na yung magiging pinaka last na guidance niyo, na PDA niyo.P - ni PDA namin kayo not because there is no forever.Were' just teaching you the right thing.Things that are good for the both of you."

"Your too young for a serious relationship guys.Ang babata niyo pa para sa mga ganyang bagay.E' aso't pusa pa kayo pag nag aaway." naalala ko nanaman siya.

"Kailangan niyo munang mag matured as a man and as a lady.Hindi magandang tignan na sa ganyang edad e' pag may nakakakita sa inyo e' nako. Ano na bang nangyayari sa henerasyon natin ngayon?"

"Galing ako sa ganyan.Pero, hindi naging maganda ang ending namin.. and that's because were not really really not that mature.Oo masayang pumasok sa relasyon, dahil nandyaan yung kilig , sweetness at love.Pero, dadating din kayo sa tamang edad"

"Puberty is not enough para pumasok ka sa isang relasyon."

"I hope that this would be our last meeting." Sabi ko at tumango naman sila. umuna ng lumabas yung lalaki.Malay ko ba kung bat' nagpaiwan yung babae.

"Sinong tumapos sa relasyon niyo? siya? o ikaw?" tanong iya at napatingin ako.

"Siya." sagot ko at nangisi siya.

"Sabi na nga ba.Ang bitter niyo po kasi." sabi naman nito.

"Hindi ako bitt-"

"Sir, you still love her right?" hindi ako sumagot.

"Silence means yes.Sir, if you love someone, go and fight! Don't loose the chance na nasa harap niyo na, ayaw niyo pang pansinin o patulan.I'm not teaching you sir.Mas marami kayong alam tungkol sa ganyang bagay sir, kesa saakin.Nasasabi ko lang po to kasi nakikita ko pong .. mahal niyo parin yung babae.And I know that boh of you deserve a second chance kahit hindi ko po alam ang buong kwento niyo.Everyone deserves a second chance right?" sabi nito at nag paalam na siya.

Hapon na at napag desisyunan ko ng umuw- mang gulo.

Bumili ako sa McDo ng BFF Fries ,dalawang McFloat, dalawang chicken sandwich, at dalawang sundae.

At dumiretso sa bahay ng taong iinisin ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong saakin ng isang babaeng napakaputi na medyo maliit.

Itinaas ko yung pag kain na binili ko.

"So? anong gagawin ko diyan?" mataray na tanong saakin ni Barbie.

"Kumain tayo."sabi ko na nakangiti.

"Pumunta ka dito para kainin lang yang binili mo??" tanong niya.

"Kakain tayo." matipid kong sagot.

Isasarado na niya sana yung pinto ng pigilan ko ito at pumasok na sa loob ng bahay nila ng basta basta.

"Wow ha.Feel at home?!" bwisit na bwisit niyang sabi .

"Ofcourse" sabi ko at inilabas sa plastic yung mga binili ko sa McDo.

Pumunta ako sa kusina nila at kumuha ng malaking lalagyan para sa fries.

"Ikaw lang mag isa dito? Wala sila mama at papa mo? pati sila yaya tere?" sabi ko at nakatayo parin siya sa pinto at nakapamewang.

Ano kayang iniisip nito?

"Trip mo nanaman ako?" sabi niya.

"Oo." sagot ko at naupo sa sofa sabay patong ng paa sa isang table.

"Kung pwede lang iba nalang ang pag tripan mo?? Nasasaktan ako sa mga trip mong yan?!" sigaw niya.

"Hindi mo ba itatanong ulit saakin kung mahal parin kita?" sabi ko habang cool na cool na kumakain ng fries at hawak yung Mcfloat at habang nanunuod.

"Bat naman ako mag tatanong kung alam ko naman ang sagot?" sabi niya.

"Buti naman " Sabi ko at siya naman ay ang lakad papunta sa taas sa kwarto niya pero nag salita kaagad ako dahilan para mapatigil siya.

"-

-----
Ano naman kaya yung sinabi ni joshua?

Chapter80DONE.
-----

Foreign Love GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon