F.L.G.(Chapter60-Karma serves what you deserve)

129 4 0
                                    

Nadine's POV

"Bakit?! ha? Bakit? Ako na nga tong iniwan mo non! Ako na nga tong iniwan mong naka tanga noon! Ako na nga tong niloko mo?! Tapos ano? dadagdagan mo nanaman? At this time hindi lang buhay ko ang sinira mo? pati buhay ng taong pinakamamahal ko?! Apaka sama mo.Wala kang katulad.Lumayo ka na saakin! wag na wag ka ng mag papakita saakin, dahil kahit kailan man hindi na kita mapapatawad!!" sigaw ni barbie. Pano ba naman kase naikwento ko na sakinalang girls ang lahat lahat.Kung bakit ako nakipag balikan kay Joseph,at kung bakit ako nakipag break kay James.

At mas affected sila, kaysa saakin.

"Gaga! apaka hard naman nung mga yon.Dapat medyo madrama.Parang ganito.." sabi ni Kath.

"Joseph? bakit? Bakit ha? Nung una hindi ko alam kung bakit mo ko iniwan.. iniwan mo ko dito ng luhaan.Ang tagal, apaka tagal bago ako maka pag move on sayo.Ang sakit..Ang sakit dito o' (turo sa puso.) kasi ano? bumalik ka.. bumalik ka at niloko mo nanaman ako. Pinaiyak mo nanaman ak-"

"Teka! apaka drama!!!!!!" sigaw ni bea.

"Dapat yung hindi madrama.. at hindi rin yung napaka hard.Yung tama lang.Yung may galit pero, may saya.. parang ganito.."

"Joseph, nakakainis.nakakabwisit.Bakit? Kasi nag pakatanga nanaman ako, at ang talagang nag pasakit saakin ay yung sayo nanaman ako naging tanga!! sayo nanaman ako nag pakatanga!! Nakakainis.Pero nakakafeel ako ng saya dito sa puso kong to.Alam mo kung bakit? kasi nung bumalik ka, hindi na talaga ikaw yung tinitibok nito.Ang saya kasi, talagang hindi ikaw ang nakatadhana saakin.Joseph,kung pwede lang..Wag ka na sanang mag papakita pa muli saakin,dahil hindi ko kayang makakita ng taong manloloko..." sabi ni bea.

"Sus! dapat ipamuka mo sa kanya yung mga kasinungalingan na ginawa niya sayo! yung mga panloloko niya! para makonsensya siya! parang ganito... watch.."sabi naman ni Joyce na nag *ehem* pa para sa pag reready niyang umacting.

"*slap* Ano ba talagang ginawa ko sayo ha?! Ano ba ang ginawa ko sayo para lokohin mo ko? Ako na nga tong iniwan mo noon tapos ngayong babalik balik ka magagawa mo pa kong lokohin! Sana! Sana! mag katotoo yung sakit mo sa puso! Sana! mag katotoo yan! Sana mag katotoo yung lukemia mo!! Sh*t! makonsensya ka sana! Pati si James ? pati yung grades niya na walang kamuang muang idadamay mo? How dare you?! Alam mo! babalik din sayo lahat ng sakit at panloloko na ibinigay! at ipinaramdam mo saakin! At titriple pa yon! Tandaan mo yan!"

"Alam niyo guys! Ang O-OA niyo! Tama na nga yan! Hindi kayo nakakatulong." Awat ni Julia

"Bakit? ikaw ba? ano ba ang acting mo?" sabay sabay na tanong nung apat.

"Anong acting? Stop it. Advice lang tama na yon." sabi ni Julia And she face me.

"Uhmn.. Nadine, hindi talaga ako magaling sa pag bibigay ng advie but I'll try.Tomorrow.Mag memeet na kayo ni Joseph.And wala siyang idea na alam mo na ang totoo.Isa lang ang mag paparaya sayo.Ang sabihin mo sakanya yung totoo na alam mo na yung mga kasinungalingan na ginagawa niya.At lahat ng bigat na dala dala ng puso mo, ilabas mo.Ang mabigat gumagaan pag binibitiwan, pag nilabas mo na lahat ng bigat na nararamdaman mo..nang feelings mo.I swear, everything will back to normal.Even those pains." naiyak ako sa advice ni Julia, dahil parang sa kanilang lahat.Yung kanya ang nakatulong.

"These pains?" sabi ko.

"Pains changes people, but.. it makes them stronger.Best definition diyan.. mas magiging matatag ka kasi, natuto ka.. you learned your leasson that's why you're now strong after those." niyakap ko siya.

"Panigurado mag sosorry yon!! Kasi mag sisisi siya." inis na sabi ni Bie.

"Syempre.. Hindi naman porket nag sorry na siya mawawala na lahat ng kasalanan." sabi ni Julia.

Foreign Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon