Kabanata 30

17 1 0
                                    


Kabanata 30

Ready








Kinagat ko na ang pang-ibabang labi. I don't know how to do this. Pero gusto ko rin talagang matuto.

"Still good?" si Malcom na kanina pa ako pinapanuod.

Mukhang siya pa itong nahihirapan para sa'kin. I glanced at him. Nakahalukipkip siya at patalikod na nakahilig sa counter bar. Nakaputing t-shirt at pants.

"Shut up, please. I am trying to concentrate," sabi ko kahit hirap na akong magluto rito.

Humigpit na ang hawak ko sa sandok. Marunong naman ako nito dati, e. Hindi ko lang alam anong nangyari at parang kahit simpleng luto hindi ko na alam gawin!

Halos nakanguso na ako nang bumaling ulit kay Malcom. Nadatnan siya ng tingin kong sumisimsim sa kape niya. He looks like enjoying his coffee. Mabuti naman! At least may nagawa akong nagustuhan niya.

"Okay, I need your help," lahad ko ng sandok sa harap niya. "You flip the pork. Tumatalsik ang mantika."

He smiled and downed his cup of coffee. Lumapit sa akin at kinuha ang sandok. Bahagya akong tumabi sa kanya, sa may bandang likod na tila nakatago, nang biglang tumalsik ng malakas ang mantika. I envy Malcom who seems not bothered by the event.

"Malakas ang talsik ng mantika kapag ganitong luto," he said and flipped the pork cutlet with ease.

"There are two things you have to remember when cooking something like this. First, listen to the sound of the boiling oil. Pati na rin kung gaano pa kalakas ang talsik ng mantika. Kapag mahina na, that means it's good. You can flip it. Second, you have to turn down the heat when you're gonna flip the pork cutlet. Para hindi masyadong tumalsik."

"Where did you learn that?" I asked him.

"Kay Mama."

I nodded. Tahimik na sinasaulo ang sinabi niya habang pinagmamasdan siyang tapusin ang niluluto ko.

"I know how to cook but not Filipino dish," sabi ko at sumunod sa kanya sa mesa nang ihain niya na ang pork cutlets.

Mas sanay akong magluto ng Spanish dish. Lalo na kapag soup and stew. Back in Spain, I was forced to learn how the kitchen works, so I could cook for me and Mamita. Pero madalas na pagkaing Español ang niluluto ko. Salad at pasta minsan kapag nasa mood.

"Well, I'm not sure, though. Medjo matagal na rin kasi akong hindi nakakapagluto," dagdag ko nang naisip ang ilang taon naming pagsasama ni Pavino.

Right. He didn't allow me to do any household chores. Ni ang pagluluto hindi ko na nagawa dahil maliban sa wala naman akong paglulutuan, umasa nalang din ako sa mga delivered foods. Kaming dalawa ni Davi.

"I know how motivated you are to learn how to cook. If you want, we can enroll you to cooking classes. Or if you prefer, I can teach you instead," balik niya sa akin.

"Really? I'd love that!" ngiti ngiti ko sa asawang niyayakap na ako.

Hm... Malcom is really affectionate especially when it's morning. Niyakap ko na rin pabalik.

"Okay. Tuturuan kita."

"Sure! Filipino food, please? Habang inaaral ko pa kung paano magluto ng pagkaing Pinoy, I'll serve you pastas and salads for the time being. Mas sanay akong magluto ng gano'n."

"No doubt," he kissed my forehead. "And believe me when I say I'll eat anything you cook for me."

Anything? All right. Madali akong kausap. Kahit ano, sabi niya. Hindi niya naman sinabi kung masarap o hindi. For as long as it is served and cooked by me, he'll take it.

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now