Kabanata 31

11 1 0
                                    


Kabanata 31

Galit



Sinugod ako ni Mamita sa sobrang galit at gigil sa naging sagot ko. Ramdam na ramdam ko ang tindi ng galit niya sa kamay niyang lumapat sa pisngi ko. The slap stings. Hindi pa nawawala ang sakit, naramdaman ko ulit iyon sa kabilang pisngi ko.

"Ma!" dagundong ng boses ni Papa sa awat sa sariling ina.

But Mamita is unstoppable. Umangat ang kamay para sampalin ulit ako. Hindi nga lang nangyari nang sinangga ko na ang kamay niya. The tension immediately whirled in the atmosphere in a crazy intensity at my action.

My gaze became intent and dark. Unang bumaling ang tingin ko kay Kuya na halatang tensyonado na rin mula sa lahat.

"Please do me a favor, Kuya. Malcom will be back in any minute. Salubungin mo sa labas at ayain mong uminom. Go somewhere far from here. Sa bar. Maglasing kayo, but no girls. Just take him away from here," utos kong binabalot na ng galit at pagtitimpi.

It took a while for Kuya to answer. Pinag-isipan pa ata. Sumang-ayon lang nang natantong hindi ako tatanggap ng pagtanggi sa pagkakataong 'to. He knows better than to defy my rage.

"What a wife you are. Pinoprotektahan ang asawa mo?!" balik ulit ng galit ni Mamita nang nakaalis si Kuya.

He's just in time. Narinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Malcom. I know he's there outside. Kaya hindi ko muna ginatungan ang usapan at pilit ang sarili na huwag tablahin ang galit ng abuela. Baka kapag nagkasagutan ulit kami, marinig na nila sa labas.

Kalaunan, narinig ko ang pag-alis ng dalawa. When it faded, my ringtone resonated at Malcom's call. Hindi ko man tingnan, alam kong siya ang tumatawag ngayon. Nawala ang ingay na mabilis sinundan ng beep para sa text na pumasok.

"What is it this time, Mamita?" may diin kong tanong.

I felt my father alerted this time. Para bang naghahanda nang umawat kung sakali mang lumala ang sagutan namin ni Mamita.

Mamita let out a sarcastic laugh. "You poor and naive little thing, huh? I thought you're better than this, Trivina?"

"What's your issue about? Ano bang ikinagagalit mo?" I said as calm as I can.

"Ang katangahan mo. I thought you're smart enough to lure them. I thought you would just let them take you back here, and then that's it. Hindi ko inaasahang magpapakasal ka pa talaga sa isang Zalderial!"

Pero kahit gaano ko pa kagustong magtimpi, sinusubok talaga ako ng galit ni Mamita.

"Because that's the point of coming back here. God knows how much I hate to say this but I need a Zalderial in my name-"

"Oh, need it my face!" she was so sarcastic. "You married a Zalderial because you wanted it and not just because his name could give you security!"

"Hindi ba't maganda 'yon. I'm marrying for love. Unlike my marriage with Pavino which was by your insistence."

She glared at me at the offence my words gave her. Pero dahil galit din ako, hindi ako natinag sa matalim niyang tingin.

"Watch your mouth!" she warned. "Let me just remind you what their family has done to us! Nakalimutan mo na ata kung paano tayo tinalikuran ni Hodavia Zalderial no'ng nangangailangan tayo ng tulong niya!"

Madramang umikot ang mga mata ko.

"I still remember what happened between you and Hodavia, Mamita. Pero labas na kami ni Malcom do'n. Our marriage is apart from whatever issue you have with any of the Zalderials."

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now