27. Bodyguard

5.1K 8 4
                                    

B × G
🔞

Matalim ang tingin ko sa lalaking diretsong nakatayo sa labas ng klase ko. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng estudyante na nadadaanan siya. Umirap ako. Hindi ko alam kung matutuwa akong hindi niya pinapansin ang mga kumakausap sa kanya o maiinis kasi lalo lang siyang nagiging type ng mga babae sa pagiging suplado niya.

Kahit ang mga babaeng nasa klase ko ay pinagtitilian siya. Hindi makapag-focus sa pagtuturo ang prof namin dahil sa ingay ng mga bwisit na babaeng nandito.

Nagkatinginan kami. Umismid ako at masungit siyang inirapan. Nakakabwisit! Simula noong nagkaroon ako ng personal bodyguard, hindi na naging tahimik ang buhay ko sa eskwelahang ito. Lagi akong pinagkakaguluhan ng mga babae at kinaiinggitan.

Anong kainggit-inggit sa pagkakaroon ng bodyguard na pakialamero? Ni hindi ako makagamit ng banyo nang payapa kasi kahit sa CR ay sinusundan niya ako! It’s almost too embarrassing to even take a poop because I’m bothered that he might smell my shit.

Ilang beses ko nang pinakiusapan sila Daddy na tanggalin na ang bodyguard na bumubuntot sa akin ngunit kahit anong gawin kong pamimilit ay hindi umeepekto. Ayos lang daw na magalit ako sa kanila, ’wag lang akong mahaguran ng kahit anong sugat sa katawan.

My Father is a Presidential candidate and he’s quite strong. May sumubok na kumidnap sa akin noon para panakot na kapag hindi umalis sa pagiging kandidato si Daddy ay hinding-hindi ako makakauwi. Fortunately, a young man happened to be nearby and he saved me. And that man is him—Alec—my bodyguard that was hired by my Father.

I was traumatized, alright, pero bakit siya? I feel so uncomfortable around him. Sobrang conscious ko sa katawan at sa mga galaw kapag tumitingin siya. Kung makatingin kasi ay parang hinuhusgahan ka, at sa isang maling galaw lamang ay mamaliitin ka na. That’s the vibe he’s giving. And besides that, hindi siya nakikinig sa mga sinasabi at inuutos ko. Kahit maglupasay na ako sa sahig at umiyak na parang bata, wala siyang pakialam.

Siguro kung medyo mas matanda ang bodyguard ko, pwede kong utus-utusan. Pero siya, sobrang labo.

Habang nakikinig sa lecture ay hindi ko mapigilang isipin kung ayos lang ba siya sa labas. Kaninang umaga pa siya nakatayo. Hindi pa ba siya nangangawit at napapagod? Lalo ngayong may 6pm class ako…

“Nephele, may kagrupo ka na ba para sa mini research?”

Tumingin ako sa tatlong kaklase kong pinalibutan ako nang palabas na ako sa silid matapos ang klase. “Wala,” tipid kong sagot.

“That’s great! Kulang kami ng isa, pwede kang sumali,” sabi noong mahaba ang buhok at hipster ang datingan.

“Ayos lang, kaya ko namang gawin mag-isa.”

“Ah… How about lunch? Sabay ka sa amin mag-lunch bukas!”

“Uhm, no. I have other plans,” malamig kong tugon sa kanila.

“Sige na. Isang beses lang. Isama mo bodyguard mo!”

One more thing I hate is that I can’t even find genuine friends kasi lahat sila nilalapitan lang ako dahil gustong makalapit kay Alec. No one really wants to make friends with me because of course, sino bang gustong lumapit sa isang katulad kong anytime ay pwedeng matagusan ng bala sa ulo?

I sighed and raised an eyebrow. “My bodyguard? Bakit?”

“You do realize he’s hot, right? Look at him. Gosh, look at that biceps. Matigas siguro iyan. Ang gwapo pa! Sa magazine ko lang nakikita ang mga ganyang tipo ng lalaki. Ang swerte mo, lagi mong kasama!”

Umismid ako. “Swerte? Yeah, right,” I said sarcastically. “Kung makatingin ay parang manyakis.” Sa sarili ko lang dapat sasabihin iyon ngunit napalakas pala kaya narinig nila.

One-shot SmutsWhere stories live. Discover now