PART 10: SAME GROUND

1.4K 17 0
                                    

Maagang pumasok si Elmo sa office. Pumasok siya sa building na diretso ang tingin at walang ekspresyon ang mukha katulad ng nakagawian niya na. Lahat ng nakakasalubong niya ay binabati siya at nagbibigay-galang sa kanya.

EMPLOYEE1: (bulong) Ang gwapo ni Sir Elmo noh?

EMPLOYEE2: (bulong) Ay grabe! Sana lang ngumiti siya kahit minsan. Sigurado mas gwapo siya pag ngumiti! (day dream)

EMPLOYEE3: (bulong) Ang damot naman kasi sa ngiti nyan eh. Palagi na lang seryoso.

EMPLOYEE1: Sabi ni Sandy ngumingiti naman daw si Sir kaya lang once in a blue moon daw.

EMPLOYEE2/3: (natawa)

EMPLOYEE2: Grabe naman yun!

EMPLOYEE1: Ngumungiti lang daw si Sir pag kaharap yung mga kliyente, at kapag kasama ang family nya. Pero pag nandito sa office, bihira lang daw. Pwera na lang siguro kung may nakakatawa talaga. Pero ang gwapo daw talaga ni Sir pag ngumiti! (kilig)

EMPLOYEE3: Pero sabi Mang Berto, yung hardinero dito na matagal ng nagtatrabaho sa mga Magalona, hindi naman daw ganyan dati si Sir eh. Masayahin daw yan nung bata pa.

EMPLOYEE1: Eh ano daw nangyari kay Sir? Bakit naging ganyan?

EMPLOYEE3: Ayaw sabihin eh.

EMPLOYEE2: Di ba naaksidente siya dati? Baka may kinalaman yun?

EMPLOYEE3: Baka nga…

EMPLOYEE1: (napansin ang babaeng pumasok sa entrance) Sino kaya siya?

EMPOLYEE2/3: (napatingin sa tiitingnan ni Employee1)

EMPLOYEE3: Ang ganda niya! Baka may business dito.

EMPLOYEE2: Sya yata yung anak ni Mr. San Jose, yung may-ari ng SJC. Nandito yung office nila sa building pero I heard nagpapatayo sila ng bagong building kasi mag-eexpand yung business nila.

EMPLOYEE1: Ibig sabihin masosolo na ng FMC ang building na ito.

EMPLOYEE2: Yup. At ang FMC din ang may hawak sa new building project ng SJC.

EMPLOYEE3: Matagal ng ka-business partner ni Sir Francis ang SJC kaya hindi na nakakapagtaka yun.

Nasa kotse si Julie at papunta sa opisina.

JULIE: (naglalakad)

EMPLOYEE1: Good morning, Ma’am! (smile)

JULIE: Good morning din po!  (smile)

NATHAN: (nakita si Julie) My princess!

JULIE: (nakita ang Dad at ngumiti) Dad! (beso then hug)

NATHAN: I’m so glad you’re here! Come in, I’ll just finish some papers then we’ll have grab some lunch! (masayang binuksan ang pinto ng opisina)

JULIE: It’s ok, Dad. Take your time, I’ll wait for you. Maaga pa naman po eh.

NATHAN: (napangiti lalo) Ibang iba ka talaga sa Mommy mo. Kung nandito yun malamang hindi na pinatapos sa akin ang mga papeles na ito at nagyaya ng umalis!

JULIE: (natawa) Haha! Daddy talaga!

NATHAN: (tawa) Hahaha! Wag mo sabihing sinabi ko yun ha?

JuliElmo: Sweet MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon