SA CAR
Pabalik na si Julie sa office.
May naalala si Maqui pag-alis ni Julie.
JULIE: (nakaupo sa ilalim ng isang puno sa school at nag-iisip)
MAQUI: (lumapit kay Julie) Bes? (umupo sa tabi)
JULIE: (tiningnan si Maqui) Bes…
MAQUI: (worried) May problema ba?
JULIE: Wala naman… May iniisip lang ako. (yumuko)
MAQUI: Come on, Julie. Kilala kita, may gumugulo sa utak mo eh. I’m your BFF remember? You can tell me anything. Try me, baka makatulong ako.
JULIE: (tiningnan si Maqui at huminga ng malalim) Ok. I guess you can help me…
MAQUI: So, what is it?
JULIE: (tumingin sa malayo) Kanina kasi, I heard the guys talking sa room. I heard him say that he likes me.
MAQUI: Who? (naguluhan)
JULIE: (tiningnan si Maqui) You know who’s I’m talking about, Maq. Him!
MAQUI: (nagulat) You mean him? As in?
JULIE: Yes. (tingin ulit sa malayo)
MAQUI: So? What happened? (na-excite) He noticed you? He knew you heard him?
JULIE: Yeah.
MAQUI: What did he do? What did you do?
JULIE: I ran away.
MAQUI: You did?! How about him?
JULIE: He followed me. He t-talked to me… (yumuko)
MAQUI: He did?! (shocked) So… You two talked?
JULIE: (tumango)
MAQUI: Ano sabi nya? Ano sinabi mo?
JULIE: He said he was serious about how he feels. He said sorry na sa iba ko pa narinig at hindi nya agad sinabi sa akin… (tingin sa malayo)
MAQUI: Then? (pinipigilan ang kilig)
JULIE: I said… prove it.
MAQUI: (todo ngiti) You did?! (kilig much) Ansabe nya?
JULIE: He will daw… (tiningnan si Maqui)
MAQUI: AYIEEE!!! (di na napigilan ang kilig) Ang bestfriend ko dalaga na! May suitor na sya!
JULIE: Maq, tama ba ang ginawa ko? (seryoso)
MAQUI: (tiningnan si Julie at sumeryoso) Ok, serious mode tayo. (nag-isip) How did you feel about it ba? Nung pumayag ka na ligawan ka nya.
JULIE: (nag-isip) Uhm, I don’t know…
MAQUI: Eh nung nalaman mo na gusto ka nya?
JULIE: Uhm, syempre nagulat…
MAQUI: Nung sinabi nya yung feelings nya for you?
JULIE: (nag-isip) Eh! Maqui naman eh! Ang hirap naman ng tinatanong mo eh!
MAQUI: Anong mahirap dun? Sasabihin mo lang naman kung ano naramdaman mo eh.
JULIE: Ok fine. He was nearly crying when he talked to me kaya natouch ako… (tingin kay Maqui) Pero…
MAQUI: Pero???
JULIE: (yuko) Nalungkot ako nung nakita ko na malungkot sya. Ramdam ko na totoo yung mga sinabi nya.
MAQUI: I see… Ok, now. Bakit ka pumayag na ligawan ka nya?
JULIE: (tingin kay Maqui) Maqiu…
MAQUI: Ok, ganito na lang. Ano ba nararamdaman mo para sa kanya?
JULIE: (sigh) Masaya ako pag kasama ko sya. (tingin sa malayo at may maliit na smile) Gusto kong nakikita syang Masaya. Parang hindi kumpleto araw ko pag hindi ko sya nakikita o nakakausap…
MAQUI: (pigil ang kilig kasi seryoso usapan nila) Ok, so ngayon, bakit ka pumayag na ligawan ka nya?
JULIE: (tiningnan si Maqui at yumuko) Hindi ko kasi kayang Makita siyang malungkot at nasasaktan lalo na kung ako ang dahilan.
MAQUI: Oh, eh ano problema ngayon?
JULIE: Maq, (tingin kay Maq) hindi kasi ako sigurado kung tama yung ginawa ko eh.
MAQUI: Ganito lng yan eh. Masaya ka ba sa desisyon mo?
JULIE: Oo.
MAQUI: Yun naman pala eh!
JULIE: Maqui!
MAQUI: (tiningnan si Julie sa mata) Walang tama o maling desisyon. As long as Masaya ka sa desisyon mo at sinunod mo ang puso mo at wala kang nasasaktan, tama ang desisyon mo.
JULIE: (smile) Thank you, Bes. The best ka talaga!
MAQUI: (smile) You’re always welcome! Sabi ko naman sayo eh sabihin mo lang kung may problema ka at tutulungan kita.
JULIE: I know. Now, I can say tama ang naging desisyon ko. (smile)
MAQUI: So, ok ka na ngayon?
JULIE: Very ok! Thanks talaga, Bes. (hug)
MAQUI: (hug) Basta ikaw! Kahit ano pa problema mo, I’m always here for you!
JULIE: And I’m always here for you too!
MAQUI: Best friends forever!
JULIE: Best friends forever! (apir)
CAR STOPPED…
JULIE: (opens her eyes) Maqui… (POV: Naaalala ko na… Naaalala na kita… I’m sorry… Bes…) (sad)