PART 9: HARD HABBIT TO BREAK

1.4K 18 0
                                    

Nilibot nila ang construction site at pinaliwanag ni Elmo ang mga gagawin. Pagkatapos maglibot, nagpahinga muna sila sa isang part ng site at nagkwentuhan. Madami silang napag-usapan tungkol sa trabaho at pati na rin sa personal na buhay nila. Hindi nila namalayan ang oras dahil sa sarap ng kwentuhan nila.

WORKER: Uhm, Ma’am, Sir, excuse me po. Natapos na po namin yung mga kailangang gawin ngayong araw. Magpapaalam na po kami.

JULIELMO: (napatingin sa worker)

ELMO: Uh, ok sige, salamat po. (tingin sa relo) 5 na pala.

WORKER: O sige po, maiwan na po namin kayo.

ELMO: O sige po.

WORKER: (umalis na)

 JULIE: 5 na pala. (natawa) Hindi natin napansin.

ELMO: (natawa) Oo nga eh. (tumayo) Let’s go, hatid na kita.

JULIE: (sumunod kay Elmo) No, wag na, nakakahiya naman sayo. I’ll just take a cab.

ELMO: (tiningnan si Julie) No, I won’t let you do that. Baka kung ano pa mangyari sayo, lagot ako sa parents mo. Delikado na ang panahon ngayon. Ihahatid na kita para sigurado ako na makakauwi ka ng maayos.

JULIE: (nakatingin kay Elmo at napangiti) Ok.

ELMO: (naglakad na papunta sa kotse) (POV: I guess I over reacted. What’s happening to me?) (pinagbuksan ng pinto si Julie)

JULIE: (tiningnan si Elmo at ngumiti bago sumakay)

ELMO: (sumakay na rin) Uhm, I’m sorry for what I did. I over reacted. (nahihiya)

Credits to the owner …  :D

JULIE: (POV: Ang cute mo pagnahihiya!) (smile) It’s ok, don’t worry about it.

ELMO: (tiningnan si Julie at napangiti) Thank you. I just wanna make sure you’re safe.

JULIE: (tiningnan si Elmo) I know.

ELMO: Ok, saan kita ihahatid?

JULIE: Sa Shangrila.

ELMO: Ok. (nagdrive na)

ELMO’S PLACE:

Nakahiga si Elmo at nag-iisip bago matulog.

ELMO POV: I never thought doing business with SJC would be this fun. (smile) Julie… She’s so easy to talk to. She’s so fun to be with. (nailing) Ngayon ko lang siya nakilala pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. (naalala ang naalala niya sa conference room) Or maybe, matagal ko na talaga siyang kilala…

GIRL: (napansin ang sun set) Sun set na!

ELMO: (napatingin sa relo) Oo nga noh!

GIRL: (natawa) Hahaha! Hindi natin namalayan ang oras!

ELMO: (natawa din) Haha! Teka, baka hinahanap ka na sa inyo, hatid na kita.

GIRL: Maya na, panuorin muna natin ang sun set.

ELMO: Baka pagalitan ka ni Tito.

GIRL: Ok lang yan. Kung pagagalitan ako, lubusin na natin para sulit. Ganun din naman kung uuwi na ako ngayon at kung uuwi ako mamaya eh. Pareho lang na pagagalitan ako.

ELMO: (natawa) Haha! Sira ka talaga. Pero ikaw bahala, kung yan ang gusto mo. Ihahatid na lang kita.

GIRL: Wag na.  Baka ikaw naman ang pagalitan nila Tita pag gabi ka na umuwi. Magta-taxi na lang ako or magpapasundo kay Manong.

ELMO: (tiningnan si Julie) NO. Ihahatid kita.

GIRL: Pero Elmo…

ELMO: Ihahatid kita sa inyo. Don’t worry about my Mom, alam naman niya na magkasama tayo eh. Ihahatid kita para sigurado ako na safe kang makakauwi. Delikado na ang panahon ngayon baka ano pa mangyari sayo pag nagtaxi ka. Ayoko din pagalitan ka nila Tito kaya ako na lang magpapaliwanag sa kanila kung kung bakit late ka na umuwi.

GIRL: (napangiti) Ikaw sasalo ng sermon sa akin?

ELMO: Oo, sasaluhin ko ang sermon para sayo.

GIRL: Naks! Hahaha!

ELMO: Hahaha! Ayan na ang sun set!

SA KOTSE:

GIRL: Alam mo, ang sarap mo talagang kasama. Hindi ko namamalayan ang oras pag kasama kita eh.

ELMO: Masarap ka din kasi kasama, kahit ako hindi din namalayan ang oras eh.

GIRL: Ang daldal mo kasi eh kaya hindi natin namalayan ang oras! Hahaha!

ELMO: Ikaw kaya ang madaldal!

GIRL/ELMO: (natawa) hahaha!

ELMO: Ako na ang bahala kay Tito, magpapaliwanag na lang ako para hindi ka pagalitan. (smile)

GIRL: Thank you. (hug)

ELMO: (hug) You’re always welcome, my princess! 

JuliElmo: Sweet MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon