Chapter 4

2.7K 59 0
                                    

Chapter 4

"Kaluluwa"

Sa isang call center sa Makati.... 10 PM.

Angelica: Hi thank you for calling PLDT my name is Angelica. How can I help you?

Customer 1: Oh yes hi, oh thank goodness finally I've reached a specialist. You have a very long wait time, but anyway I am just calling in because my internet is working very slow, this is my first time here in the Philippines and I just want to Skype my family in the US....

Tonette: O Angelica mauna na kami sa'yo mag-lunch ha. Sunod ka na lang sa cafeteria.

Nilagay ang telepono sa mute.

Angelica: Sige susunod na ako.

Tonette: O sige. Hoi bakla halika ka na may isang oras lang ta'yo.

Meribeth: Oo na. Sige Anj una na kami.

Bumalik sa customer na kausap.

Angelica: O ma'am I am so sorry for the inconvenience. No worries let me help you with your concern. Let's see what's going on and see what we can do. All right?

Customer: Okay thank you.

Sa cafeteria....

Tonette: O ayan na pala siya. Ba't ang tagal mo?

Angelica: Nagsubmit pa kasi ako ng ticket, nasiraan ang customer ng net.

Meribeth: O bumili ka na ng pagkain.

Angelica: Hindi na muna ako kakain. Magyoyosi na lang ako sa baba. Sama ka'yo?

Tonette: Ai hindi sige na gora ka na, dito na lang kami.

Meribeth: Oo friend sige na, okay na kami rito.

Angelica: Okay sige. See you na lang sa prod.

Sabay alis.

Tonette: Nag-away na naman ata, sa tingin mo?

Meribeth: Sa tingin ko... masyado kang pakilamera.

Tonette: Che!

Si Tonette at Meribeth ang mga close friends ni Angelica sa kanyang trabaho. Takbuhan niya sa tuwing may problema siya sa love life at pera. Nang nakarating na sa baba si Angelica ay agad siyang nagsindi ng isang stick at nagsimulang magpausok ng kanyang bibig para mawala ang stress. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag, ang nakalagay na pangalan ay Chuck, boyfriend niya. Nag-atubili siyang sagutin ito pero nang hindi ito tumigil sa pagriring ay tsaka niya ito sinagot.

Angelica: Hello.

Hello babe?

Wika sa kabilang linya.

Hello babe? Babe sorry na, promise hindi na talaga mauulit. Nalasing lang talaga ako babe. Babe....

Angelica: Ayoko na Chuck, I'm sorry.

Sagot ng dalaga sa kasintahan habang pinipigilan ang pagluha, pilit na pinapatigas ang sarili sa kanyang nararamdaman.

Angelica: Sige na, naka-lunch lang ako. Kailangan ko nang pumasok.

Babe, babe wait lang....

At tinapos na nga nang tuluyan ni Angelica ang tawag at tsaka binuhos ang nararamdaman sa pamamagitan ng paghagulhol.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon