Post Credit

2.7K 77 28
                                    

Post Credit

Labing-limang taon na ang nakakaraan sa isang maliit na nayon ay may isang dalagang ina na nagngangalang Juana ang mag-isang tinataguyod ang kanyang mga anak na sina Alexandra ang panganay, si Josefina ang gitna at ang pinakabunso, si Elmundo o kilala sa tawag na Ellie, limang taong gulang.

Malayo sa kanilang mga kapitbahay ang kubo nina Juana dahil nga sa bundok. Kaya naman walang ibang kalaro si Ellie kundi ang kanyang mga ate na minsan ay hindi niya nakakasundo dahil nga sa mga babae ang mga ito. Kaya naman naging libangan na ng bata ang pag-akyat sa puno ng mangga na nakatanim sa harap mismo ng kanilang bahay sa loob ng kanilang bakuran. Lalong-lalo na nang may nakilala siyang batang lalaki na nagpakilala sa kanyang si Butsoy. Ginawang sikreto ng dalawa ang kanilang pagkikita at pagkakaibigan.

Butsoy: Huwag mong ipagsasabi kahit kanino ha ang tungkol sa akin.

Ellie: Bakit naman?

Butsoy: Dahil sa oras na malaman nila ang tungkol sa akin mapuputol na rin ang ating pagkakaibigan.

Ellie: Ganun ba? O sige, pangako.

Naging totoo ang batang si Ellie sa kanyang pangako kay Butsoy ang misteryosong kaibigan niya na nakatira sa puno ng mangga na tanging siya lamang ang nakakakita. Pero ang masayang samahan ng dalawa ay hindi nagtagal nang nakita nina Alexandra at Josefina na nakikipag-usap, nakikipagtawanan at naglalaro ang bunso nilang kapatid sa hindi nila nakikita. Mahal ng dalawa ang kapatid nila kaya hindi sila nagdalawang isip na magsumbong sa kanilang ina dahil sa pag-aalala at baka kung ano na ang nangyayari sa kanilang nag-iisang lalaki. Nang isang araw ay tinanong ng diretso ni Juana ang bunso niya.

Juana: Ellie may itatanong ako sa'yo at magsabi ka sa akin ng totoo. Sino ang kausap mo sa puno ng mangga?

Hindi nakasagot ang bata dahil sa sobrang kaba sa kanyang seryosong ina at takot na rin para sa kanyang nag-iisang kaibigan. Baka kasi kung ano ang gawin nila sa kanya.

Juana: Sige iibahin ko ang tanong, ano ang kausap mo sa puno ng mangga?

Wala pa rin silang makuhang sagot kay Ellie.

Juana: Elmundo tinatanong kita.

Panay lunok lamang ng laway ang kawawang bata.

Hindi na pinilit pa ni Juana ang kanyang anak sa halip ay lumabas na lamang siya ng bahay at umalis. Tiningnan lang ng tatlo ang kanilang ina ni hindi nila alam kung saan ito pupunta. 

Pagkatapos ng isang oras ay bumalik si Juana na may kasamang limang lalaki. Ang apat ay may mga dalang itak at lagare habang ang isa naman ay isang albularyo. Nang nakita ni Ellie ang kanyang ina at mga kasama nito mula sa malayo dahil nga sa patag lamang ang nakapaligid sa kanila ay agad na tumakbo ang bata sa ibabaw ng puno ng mangga.

Ellie!

Tawag ng mga kapatid niya sa kanya. Pero nagbingi-bingihan lamang si Ellie at nagpatuloy sa pag-akyat habang ang mga kapatid niya ay tumakbo papunta sa kanilang ina.

Pagdating ni Ellie sa ibabaw ng puno ay nagtagpo sila ni Butsoy.

Ellie: Butsoy ang inay may mga kasamang lalaki at albularyo mula sa kabilang bayan. Puputulin ata nila ang mangga at baka may gagawin silang masama sa'yo.

Butsoy: Maraming salamat sa'yong malasakit Ellie. Alam kong ayaw ka nilang makipagkaibigan sa akin at naiitindihan ko ang 'yong pamilya. Mahal ka nila at pinoprotektahan ka lang nila kaya nila ginagawa ito.

Ellie: Pinoprotekta mula sa ano?

Butsoy: Mula sa mga nilalang na tulad ko.

Biglang nagbago ng anyo ang kaibigan ni Ellie, mula sa mala-anghel na mukha at kutis ay tinubuan ng mga kaliskis si Butsoy na siyang pumalit sa kanyang balat, mga tinik sa likuran, malalaking mata na parang sa kwago, mga mahahabang tenga at dalawang pangil. Naging kasing kulay ni Butsoy ang puno ng mangga.

Hindi na nakapagsalita pa si Ellie sa kanyang natuklasan.

Butsoy: Ito ang tunay na ako. Isa akong engkanto. Isa akong prinsipe sa aming mundo. Aalis na ako Ellie para sa ikakatahimik ng iyong pamilya. Ang punong manggang ito ay isa lamang sa mga pintuan patungo sa amin kaya kung sisirain ito ng 'yong ina ay walang problema at ako na mismo ang magpapaliwanag sa aking amang hari para hindi na siya mapaparusahan. Pero bago ako umalis kaibigan bilang pasasalamat ay  bibigyan kita ng regalo na siyang magbibigay suwerte sa'yo at sa buong pamilya mo.

Lumapit si Butsoy kay Ellie at inilapat ang hintuturo sa noo ng bata na siyang nagpawala ng malay sa kanyang kaibigan. Nalaglag mula sa ibabaw ng puno si Ellie na labis na ikinagulat ng lahat ng nakakita.

Tumakbo sila papunta sa nakahigang katawan ni Ellie sa lupa nang biglang sa pinakaunang pagkakataon ay bumukas ang kanyang pangatlong mata.


                                                                                                      " WAKAS "


Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon