Chapter 18

1.8K 40 0
                                    

Chapter 18

Pagkatapos ng 30 minutong paglalakad ay biglang napahinto si Adrian na siyang nauuna sa kanila at dahil rito ay nabangga ang magkasintahan sa kanya sa kanyang likuran.

Mary: Adrian are you okay?

Adrian: Wooooowwww.....

Hindi sinasadyang iniwan ni Adrian ang barkada niya at medyo tulalang nagpatuloy sa paglalakad. Nang tiningnan ng anim ang nakita ng kanilang kasama ay nagulat din sila at nabighani.

Tumambad sa kanila ang mansyon ng mga Lorenzo. Sa disensyo at istraktura nito ay malalaman mo na kaagad na luma na ang naturang bahay. Pero makikita mo rin na may mataas na kalidad ang pagkakagawa rito.

Dumiretso ng gate si Adrian at nakita niyang hindi ito nakalock. Bigla siyang tinawag ng mga kaibigan at pilit na pinapalabas.

Adrian: What? Ano ba kayo, wala namang tao o.

Mimi: And what made you say that?

Adrian: Hello obvious ba it's an abandoned place.

Mimi: Kahit na, private property pa rin yan.

Adrian: We are here to have an adventure Mimi.

RJ: Yah, Adrian's right. Kaya pasok na tayo, tama na yang pagiging KJ.

Wika ng binata sabay hila sa kasintahan papasok ng bakuran ng mansyon.

Sumunod na rin si Chris at Idelberto . Nasa labas pa rin ng gate si Mimi at ayaw talagang pumasok hanggang ang kaibigan na niyang si Val ang nagkumbinsi sa kanya.

Val: Everything's gonna be okay. Tonight lang naman to eh, aalis din tayo sa lugar na ito, remember lilibutin pa natin ang buong place? Kaya for sure hindi tayo mananatili rito okay? Let's go?

Ngumiti na lamang ang dalaga sa kasamahan niya at pumayag na lamang na pumasok sa loob.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon