Chapter 26

1.7K 37 0
                                    

Chapter 26

Kinaumagahan ay naligo ang magkasintahan na parang walang nangyari. Suot ang kanilang mga swimwear ay nagtampisaw ang dalawa sa malamig na tubig ng resort sa ilalim ng napakagandang sikat ng araw. Napakasarap ng simoy ng hangin sa paligid, talagang mararamdaman mo at mamamasdan mo ang pagiging birhen ng isla. Malinis, hindi gaanong matao, tahimik, malapulbos ang buhangin at napakalinaw ng tubig sa dagat.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ng magkasintahan ay biglang nagring ang cellphone ng binata.

Faye: Cellphone mo 'yon?

Kenneth: Wait lang ha.

Faye: Akala ko ba alam ng mga kaibigan mo na magkasama tayo at nagbabakasyon ka.

Pero walang natanggap na sagot ang dalaga sa kanyang kausap. Tumalikod na lamang ito at naglakad patungo sa buhanginan kung saan nila iniwan ang kanilang mga gamit.

Mula sa malayo ay napansin ni Faye na parang seryoso ang pinag-uusapan ng kanyang nobyo at ng tao sa kabilang linya. Para bang pilit na nagpapaliwanag ang binata sa kanyang kausap. Napakabigat ng kanyang mukha na punong-puno ng pag-aalala.

Nang napansin ni Kenneth na nakatitig sa kanya si Faye ay biglang nagbago ang kanyang mukha. Ngumiti siya at kinawayan ang kasintahan sabay talikod.

Samantala, habang pilit na nagtitimpi sa galit ang dalaga ay napansin niya ang isang magandang lalaki na naliligo rin hindi kalayuan sa kanilang pinagpuwestuhan. Tingin ito nang tingin sa kanya. Pilipinong-pilino ang balat, matipuno, maganda ang tindig, malinis tingnan at kahit sa malayo ay kita mo at mararamdaman mo ang pagiging anak mayaman niya.

Pagkatapos ni Kenneth na makipag-usap sa telepono ay agad niyang binalikan ang kasinatahan na iniwan niya sa dagat at sa kanyang paglalakad patungo kay Faye ay napansin niyang nagtitigan ang dalawa sa isa't isa.

Nang tuluyan na niyang naabot ang kapareha ay bigla niya itong binasa ng tubig.

Faye: Oi, ano ba?

Kenneth: Sino 'yon?

Faye: Sino?

Kenneth: 'Yong lalaking 'yon?

Nang itinuro ito ni Kenneth ay naabutan na nila itong naglalakad patungo sa buhanginan na parang tapos nang maligo. Hindi na ito lumingon pang muli sa kanilang dalawa.

Faye: Wala, ni hindi ko nga kilala 'yon eh.

Kenneth: Pero kung makatitig wagas, ganun?

Faye: Eh ikaw sino 'yung kausap mo kanina, ha?

Kenneth: Oh so this is about me now? I'm asking you.

Faye: Kapag ako may malisya, kapag ikaw walang isyu, ganun?

Kenneth: How sure are you na babae ang kausap ko kanina at naglalandian kami sa phone, ha?

Faye: This is nonsense, babalik na ako sa room.

Biglang nagwalk-out ang dalaga at kinuha ang mga gamit at naglakad pabalik sa kanilang kwarto.

Kenneth: So ganun na lang, ha?! You will just walk away and leave me here?! Faye!

Habang sa malayo ay pinagmamasdan lamang sila ng lalaki kanina.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon