Chapter 20

1.8K 43 0
                                    

Chapter 20

Nanlaki ang mga mata ni Idelberto, bumalik siya sa kinatatayuan ng kanyang minamahal kung saan niya ito huling nakita.

Idelberto: Mary! Mary! Mary..!!!!

Nang wala ng sumagot ay nagdesisyon siyang bumalik sa mansyon para humingi ng tulong pero laking gulat niya nang sa kanyang pagtalikod ay sumalubong sa kanya ang isang bangkay na lalaki.

Idelberto: Aaaaaahhhh....!!!

Sigaw na lamang ang tanging natira sa binata.

Habang sa loob ay wala silang kaalam-alam. Nakatulog ang natitirang magkakaibigan sa sala hanggang sa hindi na nila namalayan na palubog na pala ang haring araw.

Mimi: Mary!

Ang unang lumabas sa bibig ng dalaga pagkagising nito.

Val: Oi, nanaginip ka. Relax.

Mimi: Sina Mary at Idelberto bumalik na ba?

Val: Kakagising ko lang rin dahil sa sigaw mo. Bakit ba?

Mimi: Gisingin mo ang mga lalaki, lalabas na muna ako.

Val: Hoi wait. Kuya, Chris, RJ magsigising na nga kayo.

Agad namang gumising ang tatlo at si Val naman ay hinabol ang kaibigan.

Sa paglabas ni Val ay nagulat siya nang tumambad sa kanya ang kapaligirang medyo nababalutan na ng kadiliman at ang kaibigang sigaw nang sigaw sa may main entrance ng bahay.

Mimi: Mary...!!! Idelberto...!!! Nasaan na kayo, mag gagabi na...!!! Hoi...!!!

Adrian: Bakit ba kasi, anong nangyayari dito.

Val: Can't you see we're incomplete kuya.

Chris: Oo nga noh, si Idelberto at Mary nasaan?

RJ: Shocks!

Hindi nagdalawang isip ang magbarkada na hanapin ang dalawa. Lumabas sila ng bahay, iniwan ang mga gamit sa loob at naglibot sa hardin. Sama-sama sila sa paghahanap gamit ang mga flashlights na dala nila.

Sigaw sila nang sigaw.

Mary...!!! Idelberto...!!!

Pero wala silang natanggap na sagot kahit na isa o katiting man lang. Lumayo nang konti si Mimi sa kanyang mga kasamahan para maghanap sa isang parte ng lugar na hindi pa nila na hahalughog. Habang lumalapit siya rito ay biglang unti-unting nabubuo ang kaba sa kanyang dibdib at hindi niya alam kung bakit. Lumunok siya nang laway bago hinawi ang malaking dahon na nakaharang sa kanyang dinaraanan.

Isang hindi kanai-nais na bagay ang nakita ng dalaga sa likuran ng naturang halaman. Ang dalawang kaibigan niya na sina Idelberto at Mary ay wala ng buhay na nakahiga sa lupa butas ang mga dibdib at wala ng mga puso.

Hindi kaagad nakasigaw ang dalaga, walang tunog ang lumalabas sa kanyang bigbig na parang walang hangin ang pumapasok rito hanggang sa nakabuwelo siya nang tuluyan.

Mimi: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh....................!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Agad namang nagsitakbuhan ang apat at nang unang nakarating si Chris sa lugar at nakita ang pangyayari ay agad siyang tumakbo kay RJ at pilit na pinipigilan ang kaibigan para hindi niya ito makita.

Chris: Pare huwag, pare... huwag ka na lang tumuloy.

RJ: Ano ba pare, paraanin mo ako. Ano ba?!

Sa sobrang galit at gustong makalapit ng binata sa lugar kung nasaan si Mimi at iba pa niyang kaibigan ay nasuntok niya bigla si Chris sa mukha. Tumilapon naman ang binata pero pilit niya pa rin itong pinipigilan sa likod.

Pero sa sobrang lakas at kagustuhang lumapit ay hindi pa rin napigilan ni Chris si RJ. Pagdating niya sa lugar at makita ang karumaldumal na pagkamatay ng kasintahan ay napaupo na lamang ang binata sa lupa at nawalan bigla ng lakas. Napayakap naman si Val sa kanyang kuya at ganun rin si Adrian sa kanyang kapatid habang si Chris ay wala nang nagawa at nagpaiwan na lamang sa likod na tulala at hindi alam ang gagawin.

Sa pagdadalamhati ng magbabarkada ay bigla silang nakarinig ng malakas na ungol na hindi nila naiintindihan. Hindi siya pangkarinawang ungol na tulad ng sa aso o lobo. Hindi pangkaraniwan ang ingay na parang naggagaling sa ilalim ng lupa, nakakatakot, nakakakilabot. Nang marinig ito nang magkakaibigan ay nanlaki nalang bigla ang kanilang mga mata at nagdesisyong umalis sa lugar. Tuluyan nang lumubog ang haring araw at tanging ang liwanag na nanggagaling sa kabilugan ng buwan ang nagbibigay ilaw sa kanila. Hindi na nila binalikan ang kanilang mga gamit sa loob ng bahay at masakit man sa kanilang kalooban ay iniwan na lang nila ang mga katawan ng dalawang kaibigan.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon