Chapter 9

2.3K 56 3
                                    

Chapter 9

Noong gabing ding 'yun ay dinala si Angelica ng mga pulis sa crime scene at nakumpirma nga na totoo ang kanyang sinabi.

Napakaraming tao sa labas ng bahay ng mag-asawa. May ambulansya, mga pulisya at syempre ang hindi mawala-walang mga chismoso't chismosa.

Pinasok ng mga pulis ang bahay. Wala agad silang nakitang katawan, sa halip ay mga gamit lamang na nagkagulo ang tumambad sa kanila sa may sala. Hinanap nila ang switch ng mga ilaw at nakita naman nila ito. Binuksan nila ito at hinalughog ang buong kabahayan. Hanggang sa narinig na lang nila ang isang pulis.

Pulis: Sir, dito po sir!

Nagsitakbuhan ang lahat papuntang kusina at halos manghina sila sa kanilang nakita.

Si Robert at si Grace ay nakaupo sa may hapagkainan habang may nakahandang mga pagkain. Si Grace nakayuko at kitang bugbog sarado dahil sa mga pasa sa kanyang katawan habang si Robert naman ay nasa kabilang mesa. Tuwid na nakaupo nakatingin sa asawa dilat ang mga mata at nakabukaka ang bibig.

Balik sa kasalukuyan:

Si Ellie nakaupo pa rin sa kanyang kinauupuan sa kung saan siya unang pumwesto.

Ellie: Nakakagulat naman po pala ang nangyari sa inyo. Sige po huwag po kayong mag-alala, isusulat po ko ito.

Aling Grace: Salamat Ellie.

Ellie: Walang anuman po. Sige po at magluluto pa po ako.

Tumayo ang binata sa kanyang kinauupuan at naglakad patungong kusina.

Ellie: Ai, syanga po pala....

Pero paglingon ni Ellie ay wala na ang kanyang kausap.

Sa halip ay nagpatuloy na lamang siya sa kanyang paglalakad papuntang kusina para magluto ng hapunan.

Kinaumagahan ay nag-impake ang binata, magbabakasyon siya pagkatapos ng ilang araw niyang pagkulong sa kanyang sarili sa loob ng kanyang apartment matapos lang ang librong kakapasa niya lang sa publishing house.

Kinarga niya ang kanyang napakalaking backpack sa kanyang kotse at umalis patungo sa isa sa mga probinsya sa Luzon. Ilang oras din ang kanyang binyahe hanggang sa narating niya ito magtatanghali na.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon