Chapter 8

2.3K 59 0
                                    

Chapter 8        

Habang wala pang tawag na pumapasok ay umiidlip muna ang dalaga. Hindi kasi siya gaanong nakatulog kaninang hapon. Nang biglang may naramdaman siyang kamay sa kanyang buhok. Napaalis siya bigla sa kanyang posisyon at napatingin sa kanyang likuran. Hinawakan niya ang kanyang buhok at nagulat siya nang biglang nagring ang telepono at may pumasok na tawag.

Angelica: Hi, thank you for calling PL....

Isang kakaibang boses na parang galing sa ilalim ng lupa ang sumagot sa kabilang linya.

Bakit? Bakit hindi mo ako tinulungan?

Angelica: Ahm, pasensya na po, but you're calling right now PLDT. Is there something that I can help you with regarding our service?

Bakit? Bakit hindi mo ako tinulungan?

Ang tanging sagot na natatanggap niya.

Angelica: Pasensya na po but I need to provide service to other customers too, if you don't have any concern about PLDT services then I need to disconnect the call now.

Bakit? Bakit? Eh di sana buhay pa ako ngayon.

Nanlaki bigla ang mga mata ng dalaga.

Angelica: I am so sorry but customer service center is now disconnecting the call. Thank you for calling PLDT.

Agad na sinara ni Angelica ang tawag at pilit na hinahabol ang kanyang hininga.

Babalik na sana si Angelica sa kanyang ginagawa nang biglang namatay ang kanyang computer at hindi niya namamalayan na unti-unti na rin palang namamatay ang mga ilaw papunta sa kanyang puwesto. Check siya ng check ng kanyang computer. Baka natanggal lang ang plug o baka may nahila lang siya sa baba at laking gulat na nga lang niya nang tuluyan nang mawala ang mga ilaw sa buong floor. Bumukas ang mga emergency lights na nakalagay sa mga dingding. Hindi ito gaanong marami, tamang-tama lang na magbibigay liwanag sa iilang bahagi ng naturang kwarto.

Tuluyan na ring hinubad ni Angelica ang kanyang headset at nagdesisyong lumabas. Pero sa kanyang paglalakad palabas ng production ay biglang may imaheng nakita siya na nakaharang sa may pintuan. Nakatayo, hindi gumagalaw.

Angelica: May tao ba diyan? Manong? Manong kayo po ba yan?

Nang bigla itong nagsalita.

Bakit? Bakit hindi ka tumawag ng pulis? Bakit hindi mo ako tinulungan? Bakit?

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan at tumakbo. Meron pang isang daan papunta sa kabilang floor na may sarili namang pintuan palabas. Agad siyang kumaripas sa pagtakbo habang nakatingin sa imahe. Hindi pa rin ito umaalis. Nang malapit na niyang marating ang kabilang floor ay nalipat niya ang kanyang atensyon dito. Nang tiningnan niyang muli ay wala na ang imahe. Mas lalo siyang kinabahan at mas lalo niyang binilisan ang kanyang pagtakbo. Nang narating na niya ang kabilang floor ay agad siyang dumiretso sa pintuan. Pero sa kasamaang palad ay sinalubong siyang muli ng imahe at dahil sa malapit na siya rito ay mas lalong lumiwanag sa kanyang paningin ang nagpapakita sa kanya. Ang hindi matahimik na kaluluwa ni Grace ay minumulto siya.

Bakit?

Napaatras siya, nawalan ng balanse at natumba. Paglingon niya sa kanyang likuran ay bumulaga na naman sa kanya ang kaluluwa ng babae.

Bakit?

Sa bawat direksyon na kanyang tinitingnan ay nagpapakita sa kanya ang kaluluwa at ang tanging naririnig niya rito ay....

Bakit?! Bakit?! Bakit?!

Hanggang sa tinakpan na lang ng dalaga ang kanyang tenga at umiyak.

Angelica: Patawarin mo ako. Hindi ko alam. Promise, akala ko biro lang ang lahat. Patawarin mo ako.

Hindi na nagpakitang muli ang kaluluwa sa halip ay boses na lang ang sumagot sa kanya.

Ang aking katawan ay hindi pa nalilibing. Sa pagkakataong ito ay hihingi ako ulit ng tulong mo at sana ay huwag mo akong biguin. Ang katawang lupa ko ay nasa mundong ibabaw pa. Matatahimik lamang ako kung maililibing ito nang tama.

Nang biglang... bumukas ang mga ilaw.

Guwardiya: Ma'am, okay lang po ba kayo?

Nang bumalik na ang liwanag at nang nakita na ni Angelica ang guwardiya ay agad siyang tumakbo palabas ng opisina papunta sa kanyang locker. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag sa pulisya.

Police Headquarters: Hello.

Angelica: Hello po, may irereport po ako.

Sumbong ni Angelica habang dinetalye ang lahat sa kausap.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon