Chapter 28

1.7K 39 0
                                    

Chapter 28         

Sa kalagitnaan ng pagtitigan ng dalawa ay bigla na lamang bumuhos ang emosyon ng dalaga na siyang nagputol ng kanilang madramang eksena.

Rafael: Ako nga pala si Rafael. Nag-away na naman kayo?

Faye: Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa kanya. Medyo nasasakal na ako. Parating siya na lang ang tama, parating siya na lang nasusunod. Paano naman ako?

Rafael: Kung nasasakal ka na bakit ayaw mo siyang hiwalayan na nang tuluyan?

Napatingin bigla ang dalaga sa kausap.

Faye: Magdadalawang taon na kami. Marami na kaming pinagsamahan. Parang hindi ko ata kayang makipaghiwalay sa kanya.

Rafael: Dahil lang sa mga alaala? Kahit hindi ka na masaya? Ganun ba?

Napatingin ulit si Faye sa bagong kakilala.

Rafael: Marami pang mga lalaki diyan na karapat-dapat sayo at paliligayahin ka nang tunay.

At unti-unting lumapit si Rafael kay Faye at unti-unting nagkakalapit ang kanilang mukha, pagkatapos ang kanilang mga labi hanggang sa naglapat na nga ang mga ito at nagtapos sa isang matamis na halik.

Nang biglang....

Kenneth: Faye!

Tawag ng binata sa kasintahan mula sa veranda ng kanilang munting kubo. Biglang nagulat si Faye at sa kanyang pagmulat ay wala na si Rafael.

Kenneth: Faye! Ano ba?!

Sa pangalawang tawag ni Kenneth ay tsaka lang tuluyang bumalik sa kanyang sarili ang dalaga. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa mga nangyayari, naguguluhan siya. Kaya bumalik na lamang siya sa kanilang kwarto na puno ng kaba, tanong at pangamba habang sa malayo ay pinagmamasdan lamang siya nang nagbagong anyo na lalaki nakatayo sa madilim na sulok ng naturang lugar.

Pag-akyat ni Faye ay agad siyang tinanong ng nobyo.

Kenneth: Ano bang ginagawa mo dun? Nakatayo kang mag-isa at parang wala sa sarili. Okay ka lang ba?

Faye: Yah I'm fine....

Sabay pasok sa loob ng kwarto,

Ang binata naman ay napabuntong hininga na lamang na naiwan sa veranda.

Habang mag-isang naninigarilyo si Kenneth sa labas ng kanilang kwarto ay bigla niyang naaninag ang isang lalaki na nakatayo malapit sa puno na medyo malayo sa kubo nila. Tinitigan niya ito at nagmatyag nang biglang may kung anong nakakasulasok na amoy ang pumasok sa kanyang ilong. Para itong nabubulok na mga gulay na may kasamang patay na daga. Halos masuka ang binata rito, nang tiningnan niyang muli ang puno ay wala na ang lalaki. Pero biglang meron siyang narinig.

Pppsssssttttt...

Nanlaki ang mga mata ni Kenneth nang lumingon siya sa kanyang likod at wala siyang makita.

Ppsssssstttt....

Kenneth: Sinong nandyan ha? Magpakita ka, duwag!

Nang biglang may bumato sa kanya ng parang putik na galing sa kanal. Nang dumapo ito sa kanya at nahulog sa sahig ay napansin niyang may kasama itong mga ipis na maliliit, bulate at langgam. Biglang nandiri ang binata at nagsisitalon siya sa sobrang gulat. Nagdesisyon siyang pumasok na lamang sa kwarto pero sa kasamaang-palad ay nakalock ito.

Kenneth: Faye? Faye?! Buksan mo 'tong pinto! Faye!

Sa kalagitnaan ng pagsisigaw ni Kenneth ay may kung anong usok na nanggagaling sa loob ng kwarto ang lumabas sa paanan ng pintuan na mas lalong nagpataas sa kaba ng binata baka kung ano na ang nagyayari sa kanyang pinakamamahal.

Kenneth: Faye! Faye! Please, buksan mo 'to! Faye!

Dahil sa wala nang matanggap na sagot ang binata ay hindi na siya nagdalawang-isip na humingi ng tulong sa mga taong bayan.

Kenneth: Tulong! Tulong....! Tulong...! Tulungan ninyo kami! Tulong...!

Rinig na rinig ito ng lahat, kabilang na si Andres.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon