Chapter 42

1.7K 44 0
                                    

Chapter 42

Biglang nagising si Hector na naliligo sa pawis. Nagtaka siya kung paano siya nakarating sa sofa sa may sala.

Hector: Panaginip lang ba ang lahat?

Agad na pumuntang banyo si Hector at naghilamos. Pagkatapos ay tiningnan niya ang kaniyang sarili sa salamin at napalingon sa lababo na kanyang pinaghugasan ng kaniyang mukha nang maalala niya bigla ang nangyari kagabi. Agad siyang napaatras at tinitigan ito panandalian pero wala namang lumabas. Lumabas ng bahay ang binata at sumalubong sa kanya ang pagkaganda-gandang panahon.

Hector: Panaginip man lahat ng yun, pakiramdam ko may nangyayaring hindi maganda.

Araw ng Sabado bumyahe si Hector at pumunta sa mga maliliit na probinsya hindi malayo sa Maynila. Nagtanong-tanong siya kung meron ba silang kilalang manggagamot, espiritista o albularyo. Hanggang sa may nagturo sa kanya kay Lolo Isko.

Pagkatok niya pa lang sa pinto ng matanda ay agad na siyang pinaalis na wala man lang sinabing dahilan.

Sa pangalawang manggagamot na si Ka Maring siya'y dinala ng isang kaibigan. Pagkatok nila sa munti nitong kubo ay pinagbuksan naman sila ng ginang.

Kaibigan 1: Ka Maring magandang hapon mo, kaibigan ko po si Hector nangangailangan po ng tulong ninyo.

Hector: Magandang hapon po.

Nagtaka ang dalawa kung bakit hindi sila sinasagot o pinapansin ng matanda. Nakadilat lamang ang mga mata nito habang nakatingin sa kanilang likuran kung saan sila nakatayo.

Kaibigan 1: Okay lang po ba kayo?

Nanginginig ang buong katawan ng matanda dahil kitang-kita niya ang malignong si Dra-ukma na nakatayo sa likuran ni Hector. Nakatitig at nakangiti sa kanya habang nanlilisik ang mga mata.

Ka Maring: Pasensya ka na iho pero hindi kita matutulungan.

Hector: Po? Pero bakit....

Hindi na nakatanggap pa ng sagot ang binate nang tuluyan silang binagsakan ng pintuan.

Susuko na sana si Hector nang may nakapagsabi sa kanya tungkol sa isang espiritista na si Dr. Chao. Kilala si Dr. Chao lalong-lalo na ng mga mayayamang negosyante. Marami ang nagpapatulong sa kanya pagdating sa pag-ibig, kulam, pampaswerte at payo. Mahal kung maningil ng bayad ang kilalang espiritista dahil na rin sa angkin niyang galing. Sa kanyang condo si Hector ay nakipagkita sa kanya. Sa pangatlong pagkakataon ay sa wakas ay tinanggap rin siya at pinatuloy.

Dr. Chao: Maupo ka.

Hector: Salamat po.

Dr. Chao: Ano ang maitutulong sa iyo iho?

Hector: May nangyayari po sa akin na hindi maganda. Hindi po siya kayang ipaliwanag ng aking isipan o kahit ng siyensiya. May gumagambala po sa akin.

Agad na nakita ni Dr. Chao ang maligno sa likuran ni Hector na nakatitig at nakangiti rin sa kanya habang nanlilisik ang mga mata. Pero hindi kinabahan ang mayamang espiritista, ni hindi siya nakitaan ni Hector ng takot sa kanyang mukha.

Dr. Chao: Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at wala akong planong alamin pa kung ano man 'yun. Pero gusto kong magpakatotoo sa'yo. Masakit man ito para sa akin pero kailangan ko itong sabihin sa'yo bilang payo at babala na rin.

Hector: Ano po 'yun?

Dr. Chao: Nanganganib ang 'yung buhay at hindi ako ang kailangan mo.

Hector: Po?

Dr. Chao: Pulis ka hindi ba?

Hector: Opo.

Dr. Chao: Dahan-dahan ka sa mga binabangga mo iho. Hindi dahil maliit ang tingin mo sa isang tao, mahina at walang kalaban-laban ay hindi na kayang maghigante. Tandaan mo hindi siya nag-iisa sa mundo, may mga pamilya siyang maghahanap ng hustisya para sa kanya. May kilala ako na tiyak na makakatulong sa iyo. Nakakasigurado akong hindi ka niya bibiguin.

Hector: Sino po? Kahit malayo pupuntahan ko.

Dr. Chao: Siya ang kakumpitensya ko sa negosyong 'to. Dahil nga kalaban ay binisita ko siya minsan at pinagmasdan. Walang duda magaling nga siya. Tatang Pedro ang kanyang pangalan.

Hector: Saan ko po siya makikita?

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon