Chapter 40

1.7K 34 0
                                    

Chapter 40

Sa parehong gabi ay kakalabas lang ng pulis na si Hector mula sa kanyang opisina. Nagpaalam siya sa kanyang mga kasamahan at sumakay na sa kanyang dalang Jeep.

Tahimik na nagmamaneho ang kilalang kilabot na pulis sa isang tulog na daan. Tanging ang bilog na buwan lamang ang kanyang tanging kasama nang biglang meron siyang narinig.

Psssttt...!!!!

Napakunot noo na lamang si Hector at pilit na hindi pinapansin ang sumitsit sa kanya kanina.

Hector: Naman o, ang tahimik naman kasi ng kalsadang 'to kahit ano na tuloy ang naririnig ko.

Wika ng binata sa kanyang sarili habang nag-iisang tinatahak ang daan na walang kailaw-ilaw.

Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos niyang marinig ang unang sitsit ay may narinig na naman siya ulit.

Psssttt...!!!!

Sa pagkakataong ito ay nakaramdam na ng hindi maganda si Hector. Para mawala ang kaba sa kanyang dibdib ay kumuha siya ng isang stick ng yosi at inilabas ang lahat sa pamamagitan ng napakalakas na pagbuga. Patuloy pa rin ang kanyang pagmamaneho.

Nang biglang....

Psssssssssssssttttttttttttt...!!!!

Napabitaw si Hector sa kanyang hinahawakang minibela at may kung anong binubugaw sa kanyang batok dahil ramdam niya na parang nasa likuran niya lang ang sumisitsit sa kanya malapit sa leeg niya dahil naramdaman niya pa ang hininga nito.

Halos mabangga ang binata buti na lang ay natapakan niya kaagad ang break. Napahinto siya sa gilid ng daan at tiningnan ang likuran ng kanyang sasakyan pero wala naman siyang nakita.

Hector: Ano ba yan? Nababaliw na ata ako or baka sobrang antok lang ako. Hoo..!!!

Pilit na inaalis ni Hector ang kilabot na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng paghagod niya ng kanyang mga palad sa mga braso niya.

Hector: Makauwi na nga!

Sabi ng binata ng may dalang sigaw.

At muli pinaandar niya ang kanyang sasakyan at nagpatuloy sa kanyang byahe pauwi sa kanila. Sa pagkakataong ito ay medyo mabilis na ang kanyang pagpapatakbo.

Pagkatapos ng 30 minutong byahe ay nakauwi rin sa wakas na buhay at ligtas si Hector, nang biglang....

Hector....

May tumawag sa kanyang pangalan na pabulong pero alam niyang nanggagaling sa malayo.

Napalingon si Hector sa paligid pero wala siyang nakita. Pawis na pawis na ang tigasing pulis at medyo hinahabol na niya ang kanyang hininga. Hindi na niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Napasandal na lamang siya sa kanyang kinauupuan nang biglang katabi na niya ang malignong si Dra-ukma na nakaupo sa kabilang upuan nakatitig at nakangiti sa kanya.

Napatalon si Hector sa kanyang kinauupuan at napatakbo papasok ng kanyang bahay.

Hector: Aaahhh...!!!!

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon