Chapter 3

2.6K 68 1
                                    

Chapter 3

Pagdating ni Ellie sa kanyang apartment na halos magdadapit-hapon na. Pagkabukas niya ng ilaw ay nakita niyang muli si Aling Grace na nakatayo pa rin sa harap ng kanyang computer.

Ellie: O Aling Grace nandyan pa rin po kayo? Si Mang Rafael nagpakita na po ba?

Aling Grace: Hindi pa.

Ellie: Ah okay. Sige po, maiwan ko po muna kayo.

Pumasok na si Ellie sa master's bedroom at nagbihis. Pumunta siyang banyo at nagshower saglit. Paglabas niya ay preskong-presko na siya ulit.

Pagbalik niya sa living room ay hindi pa rin umaalis si Aling Grace sa kanyang kinatatayuan.

Ellie: Aling Grace okay lang po ba kayo?

Aling Grace: Ano 'yung ginawa mo kanina at bakit mo hinahanap si Mang Rafael?

Ellie: Ah kwento po 'yon ni Mang Rafael sa akin tungkol sa magbabarkada na pumunta sa gusaling dating pinagtratrabahuan niya noong nabubuhay pa siya. Eh sumang-ayon naman siya na isulat ko, actually excited nga po siya eh, kaya sinulat ko at yun ang bagong pinasa ko sa publishing house. Bakit po?

Sa pagkakataong ito ay nilingon na ni Aling Grace ang kausap niya.

Aling Grace: Pwede mo rin bang isulat ang karanasan ko at ibahagi sa ibang tao?

Ellie: Oo naman po. Sandali lang po, kukuha lang po ako ng lapis at notebook.

Agad na tumayo ang binata sa kanyang kinauupuan at kumuha ng mga kakailanganin niya para hindi niya makalimutan ang mga detalye.

Ellie: Salamat po sa paghihintay. Hindi po ba kayo uupo?

Aling Grace: Huwag mo akong isipin.

Ellie: Ah sige po, maari na po kayong magsimula.

Aling Grace: Nangyari ang lahat sampung taon na ang nakakalipas.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon