Chapter 23

1.8K 44 2
                                    

Chapter 23

Pagkatapos maligo ni Ellie ay agad siyang nagbihis dahil sa sobrang lamig ng hangin na nagmumula sa dagat na pumapasok sa loob ng kanyang munting kubo. Pero habang nagbibihis ang binata ay bigla na lamang may dumaan sa kanyang likod. Naramdaman niya ito kaya bigla siyang napalingon pero wala siyang nakita. Hindi takot ang nararamdaman ni Ellie kundi pagkainis dahil malalim na ang gabi ay ginagambala pa rin siya ng kung anong hindi niya makita-kita ng kanyang hubad na mga mata.

Ellie: Ano ba?! Alam kung nandyan ka! Pwede ba, matutulog na ako kung hindi mo mamasamain, ha?!

Pagkatapos na mailabas ng binata ang kanyang galit ay nakiramdam siyang muli, nang wala na siyang naramdaman ay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Nang matapos na siya ay umupo muna siya sa kanyang kama nang biglang narinig na naman niya ang mga yapak na parang mga makakapal na takong sa mga kawayan sa loob ng kanyang kwarto sa harap niya mismo. Hindi na makapagtimpi ang binata. Sa sobrang galit ay napabuntong hininga na lamang siya sabay pikit ng kanyang mga mata.

Ellie: Mag...pa...ki...ta... ka....!!!!!!

Wika ng binata habang dahan-dahan niyang binubuksan ang kanyang mga mata at habang ginagawa niya ito ay dahan-dahan ring lumabalabas ang isang guhit sa kanyang noo. Unti-unti itong bumubukas na parang sugat pero wala namang dugong lumalabas at nang bumukas na nga ito nang tuluyan ay nagbago ang anyo nito at naging isang mata. Nang tuluyan na itong nakabukas ay bigla na lamang gumulantang sa harapan ng binata ang malaking lalaki na walang kasing dungis ang katawan na parang galing sa imburnal na nakasuot ng maitim na tela sa kanyang beywang na siyang nakatakip sa maselang bahagi nito at ang ulo ay hindi ulo ng isang tao kundi ulo ng... kabayo.

Bigla itong humiyaw na siyang nagpatalon sa binata sa dulo ng kanyang higaan.

Ellie: Aaaahhhhh....!!!!!

Hindi nakaramdam ng takot ang binata sa kanyang nakita, sadyang nagulat lang talaga siya.

Ellie: Ano ba kailangan mo?

Tanong ng binata na unti-unti na ring bumabalik ang boses sa normal nitong lakas at taas.

At tsaka sumagot ang kausap niyang nilalang.

Tikbalang: Nakakamangha ang angkin mong kakayahan binata.

Napakalaki ng boses ng kausap ni Ellie, pinaghalong boses binata at matanda na nakakakilabot sa pandinig na kung isang pangkarinawang tao ang makakarinig nito tiyak ay nahimatay na sa sobrang takot at kaba.

Ellie: Ano ang ibig mong sabihin?

Tikbalang: Nandito ka lang naman sa puno kung saan ako nakatira.

Elllie: Pasensya nagbakasyon lang naman ako dito malay ko ba na may nakatira rito.

Tikbalang: Bukas ang iyong diwa pero hindi mo naramdamang may kakaiba sa lugar na ito?

Ellie: Pilit kung hindi pinapagana ang aking kakayahan na makakita at makaramdam ng kakaiba sa isang lugar kapag nagbabakasyon ako dahil ayaw kong madisturbo.

Tikbalang: Saan mo nakuha ang pangatlo mong mata binata? Tanging mga makakapangyarihang engkanto lamang o albularyo ang nakakapagbigay ng ganyang kalakas na kakayahan.

Ellie: Oo isang engkanto nga ang nagbigay nito sa akin bata pa lang ako noon.

Tikbalang: Kung hindi ako nagkakamali isa kang manunulat hindi ba?

Ellie: Oo bakit?

Tikbalang: Maari ko bang ibahagi ang aking kwento at isulat mo rin sa isa sa mga aklat mo?

Ellie: May kwento kang ibabahagi?

Tikbalang: Sa loob ng isang daan ko sa mundong ito, dalawa lang kayo ang pinakitaan ko nang ganito kalapit at katagal at nakausap ko nang seryoso. Ikaw at ang babaeng tanging nagpahulog sa loob ko, si Faye sampung taon na ang nakakaraan.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon