Chapter 11

2.1K 43 0
                                    

Chapter 11        

Pagputok ng haring araw at pagpasok ng liwanag nito sa kwarto ni Ellie ay agad na nagising ang binata. Nag-unat siya ng katawan at lumabas sa balkunahe para lumanghap ng sariwang hangin na nagmumula sa inang kalikasan. Napakaganda ng araw na kumakalat ang kulay nitong dilaw na may pagkadalandan at humalo sa bughaw na medyo berdeng karagatan. Napapikit na lamang si Ellie sa sobrang ganda ng kanyang paligid at napakasarap na gising. Nang biglang may narinig siya na sumisitsit sa kanya.

Ppssssssttttt.....!

Bigla siyang napalingon at tiningnan kung sino. Wala siyang makita kaya binale-wala na lang niya ito. Nang biglang....

Ppssssssttttt.....!

Rinig na rinig niya ito pero hindi niya muna ito nilingon, pero sa pangatlong pagkakataon.

Ppsssssstttt.....!

Mabilis at biglaan niyang nilingon ang kung sino man ang sumisitsit sa kanya. Pero wala pa rin siyang nahuli.

Ellie: Pwede ba... ang aga-aga eh.

Parinig ng binata.

Andres: Sir? Good morning. Okay lang po ba kayo?

Ellie: Ha? Ah, kanina ka lang ba sa baba?

Andres: Hindi po sir, kakarating ko lang. Bakit ho?

Ellie: Ah wala naman.

Andres: Ready na po ba kayo sa island hopping?

Ellie: Ay oo nga pala, maghahanda lang po ako.

Hindi nagtagal ay pumunta na ang dalawa sa isang pump boat na naghihintay sa may dalampasigan. Inalalayan ni Andres ang kanyang hindi sanay na bisita sa pag-akyat rito. Kumuha rin sila ng sarili nilang driver habang si Andres naman ang tour guide.

Tunay na napakaganda talaga ng panahon, mahangin, tamang-tama lang ang init na nanggagaling sa sikat ng araw at hindi maalon. Nang umalis na ang sinasakyan nila ay nagsimula nang magturo si Andres sa mga islang madadaanan nila. Tuwang -tuwa naman ang turistang binata sa kanyang mga nalaman at nadiskubre.

Sa bawat isla na kanilang madadaanan ay humihinto sila panandalian para makakuha man lang ng mga larawan si Ellie at pwede niyang ishare sa kanyang Facebook. Hanggang sa dumaan sila sa isang hindi kalakihan at hindi naiibang isla. Excited nang bumaba si Ellie sa susunod na isla na kanilang nakita at magkwento ng panibagong kaalaman si Andres sa kanya. Pero sa byaheng 'yun ay nanatiling tahimik ang kanyang tour guide. Hanggang sa hindi na nga siya nakatiis.

Ellie: Ahm Andres may isang isla ata tayong nilampasan.

Hindi sumagot ang kanyang kausap.

Ellie: Andres? Andres? Andres!

Andres: Ha? Ah, pasensya na po. Ang lakas po kasi ng hangin at makina ng sasakyan. Aaahhhh... pareho lang po 'yan ng mga napuntahan na nating isla kaya huwag na lang po natin 'yan puntahan. Sa kabilang isla po eh may ipapakita ako sa inyong bago at tiyak na magugustuhan niyo.

Ellie: Ah okay.

Nang naipaliwanag na lahat kay Ellie kung bakit hindi na nila kailangang bumaba sa nilampasan nilang isla ay parang kung anong puwersa ang humihila sa kanya para pumunta sa naturang lugar. Ibinaling ulit ni Ellie ang kanyang mga mata rito at laking gulat niya nang may nakita siyang pitong kaluluwa na nakatayo sa dalampasigan. Sa itsura nila ay parang hindi maganda ang dahilan ng pagpanaw nila. Putlang-putla, basang-basa ang buong katawan, marumi, gusot-gusot at butas-butas ang mga damit. Ang iba sa kanila ay may mga pasa at sugat pa sa katawan. Apat na lalaki at tatlong babae ang nagpakita sa kanya na mga nasa edad 17 - 20 taong gulang. Nakatitig lang sila sa binata, hindi kumukurap at walang emosyon. Lahat sila ay dilat na dilat ang mga mata.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon