Chapter 21

1.8K 40 0
                                    

Chapter 21

Sa isang mahabang daan mula sa bahay ay kumaripas sa pagtakbo ang lima patungong gate. Una si RJ sunod si Mimi pagkatapos ay si Chris panghuli ang magkapatid na sina Val at Adrian. Sa kasamaang palad ay nadapa si Val sa kalagitnaan ng kanilang pagtakas.

Val: Kuya!

Adrian: Val!

Babalikan pa sana ni Adrian ang kapatid pero biglang dumating ang amaranhig na si Lando at tumayo sa likuran ng dalaga.

Val: Aaaaaahhhhhhh.....!!!!

Nakuha ng sigaw ni Val ang atensyon ng mga kaibigan. Napatigil sila at napalingon sa kinaroroonan ng ingay. Kitang-kita nilang lahat sa ilalim ng maliwanag na buwan ang nabubulok na katawan ni Lando na nakatingin rin sa kanila. Nang biglang nilapak ng bangkay ang kawawang si Val sa harap mismo ng kanyang mga kasamahan.

Adrian: Val.... !!!!!!!!

Val: Aaaaaaahhhhhh....!!!!!! Uuuuuggghhhhh....!!!!!! Kuy......aaaaaaa............ Aaaaaaauuuuggggghhhhhh...

Sa unang pagkakataon ay naging kuya si Adrian. Sa sobrang galit ay binalikan niya ang kapatid at pilit na nililigtas mula sa kamay ng halimaw.

Chris: Adrian!

RJ: Pare hayaan mo na siya hali na kayo!

Sigaw ng binata sabay takbo.

Masakit man sa kanilang kalooban ay iniwan nilang nililigtas ng magkapatid ang buhay ng isa't isa

Pilit na pinapantayan ni Adrian ang lakas ng amaranhig pero hindi ito umubra at siya mismo ay kinain nito.

Malapit na nilang marating ang gate. Napansin ito ng amaranhig kaya kumaripas din ito sa pagtakbo at iniwang wala ng buhay sa lupa ang magkapatid.

Nang narating na nga nang tuluyan ng tatlo ang gate palabas, una si RJ pagkatapos ay si Mimi panghuli si Chris ay bigla na lang lumagpas ang kamay ng halimaw sa rehas ng gate na gawa sa bakal at nahuli ang ulo ni Chris.

Mimi: Chris! Chris!

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon