Chapter 27

1.7K 36 0
                                    

Chapter 27

Kinagabihan ay nilalambing ni Kenneth ang kasintahan sa kama sa pamamagitan ng pagroromansa nito. Hinalikan niya ang dalaga sa balikat patungong leeg.

Faye: Ano ba Ken, kita mong nagpapahinga ako eh.

Kenneth: Oh come on Faye, sige na please. Kaya nga tayo nandito 'di ba, to enjoy.

Paliwanag ng lalake na may halong pang-aakit.

Nagpatuloy siya kanyang ginagawa na may kasamang hagod na ng kanyang isang kamay sa braso ng kasintahan.

Faye: Ken naman eh.

Reklamo ng dalaga sabay takwil sa kamay ni Kenneth.

Kenneth: Oh Faye please not now.

Hindi pa rin tumigil ang binata sa halip ay naging mas tumindi pa ang paghalik niya sa makinis at mabangong katawan at balat ni Faye.

Hanggang sa hindi na makatiis ang dalaga at napatayo siya sa sobrang inis.

Faye: Can't you understand? Ikaw na lang ba talaga ang dapat na parating masusunod, ha?!

Kenneth: Eh ano bang problema mo? Bakit ka ba nag-iinarte? Pa as if ka pa na hindi mo nagugustuhan eh parati ka namang gutom pagdating rito.

Hindi napigilan ni Faye ang palad niya na dumapo sa pisngi ng kasinatahan sa sobrang sakit ng mga salita na nabitawan nito tungkol sa kanya.

Faye: You're hopeless.

Sabay alis at labas ng kwarto.

Napasuntok na lamang si Kenneth sa sobrang galit sa kanilang hinihigaan.

Paglabas ni Faye ay doon niya nilabas lahat ng kanyang saloobin. Umiyak siya nang matindi at walang pagdadalawang isip. Sa sobrang lamig ng paligid at suot niya lang ang manipis at maikling pantulog niya ay kitang-kita sa bibig ng dalaga ang usok. Habang binubuhos niya ang kanyang saloobin ay pinapainit naman niya ang sarili sa pamamagitan ng pagkuskos niya ng kanyang mga palad sa kanyang balikat.

Hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay may lalaking nakatayo at nakaharap malapit sa dagat. Ang parehong lalaking nakita niya kaninang umaga. Napakabilog ng buwan, napakadilaw na parang barya at ang repleksyon nito ay kitang-kita sa tahimik na alon ng karagatan.

Nang nahimasmasan na si Faye ay nagdesisyon siyang bumalik sa kanilang kwarto nang sa pagtalikod niya ay napahinto siya bigla nang may kung anong naramdaman siya sa kanyang likod.

Sa kanyang paglingon ay laking gulat niya nang nakaharap na sa kanya ang lalaki, nakangiti na tila nangtutukso.

Hindi alam ng dalaga kung ano ang pumasok sa kanyang isipan pero bigla siyang naglakad at lumapit papunta sa lalaking hindi niya man lang kakilala o kaano-ano. Habang walang tigil siyang tinitingnan nito ay patuloy lamang siya sa paglalakad. May kung anong puwersa ang humila sa kanya at pumipigil sa kanyang mag-isip ng tama.

Nang tuluyan na niya itong nalapitan ay dito na niya naaninag nang husto ang mukha ng misteryosong binata. Pinapakita ng liwanag ng buwan ang pagiging magandang lalaki nito. Napakaganda ng ngiti, napakaamo ng mata, medyo matangos ang ilong, masarap na labi at napakalinis na mukha. Ni walang maaninag na mali ang dalaga sa mukha ng bagong kakilala.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon