Chapter 10

2K 56 2
                                    

Chapter 10

Pagdating sa front desk ay agad na lumapit si Andres sa babae na naka-assign sa naturang lugar at may binulong. Napansin naman ito ng binata.

Ellie: Aaahhhh... may problema po ba?

Andrea: Ah wala naman po sir. Kasi lang po sa totoo lang bawal na po kasing magpalit ng kwarto sa parehong araw na magchecheck-in ang bisita.

Ellie: Bakit?

Nagtinginan lang ang dalawa.

Andrea: Pero of course sir dahil first time niyo dito eh pagbibigyan po namin kayo at may discount pa na 25%.

Ellie: Wow! Eh 'di mabuti.

Andrea: Ah siyanga po pala sir ako nga po pala si Andrea.

Ellie: Nice to meet you.

Andrea: Single.

Ellie: I'm sorry.

Andrea: Ai wala po sir, hehehe. Ang ibig kong sabihin eh single lang 'yung bed sa room na iyon at dahil mag-isa lang kayo eh perfect na perfect po 'yung kwarto niyo.

Ellie: Ah okay.

Andrea: Sige Andres samahan mo na si sir. Heto 'yung susi. Sige po sir, enjoy your stay here.

Ellie: Salamat.

Andrea: And for sure I will enjoy while you're staying here. Hehehe....

Bulong ng dalaga sa sarili.

Kailangan pang umakyat ng dalawa sa hangdanang paikot-ikot bago makarating sa itaas ng kwarto sa ibabaw ng puno.

Andres: Heto na po sir ang susi niyo. Iwan ko na po kayo. Kita na lang po tayo bukas sa Island Hopping.

Ellie: Sige salamat.

At tuluyan na ngang binuksan ng binata ang pinto at pumasok sa kwarto. Nang biglang may kung anong anino ang sumama sa kanya sa loob.

Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog ang binata ay biglang may nalanghap siyang amoy na nakakasulasok sa ilong. Amoy imburnal na hindi niya maintindihan. Napatayo siya sa kanyang hinihigaan at lumabas ng kwarto. Tiningnan niya ang paligid pero wala naman siyang makita. Malinis naman lahat, kaya naman ay binale wala na lang niya ito at pumasok muli sa loob ng kanyang silid. Pagkapasok niya at pagkasara niya ng pinto ay biglang may aninong dumaan sa kanyang pintuan sabay ang iilang yapak na parang mga takong ng sapatos na tumatama sa kawayan kung saan yari ang naturang bahay sa ibabaw ng puno.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon