Chapter 1

5.2K 90 3
                                    

Chapter 1

Sa isang apartment building sa pusod ng Maynila na kulay puti ang buong gusali sa 10th floor ay nakatira ang isang binata na nagngangalang Ellie. Apartment 10B ang number ng kanyang kwarto. Sa tingin pa lang ay masasabi mo na na pangmayaman ang naturang lugar. Wala pang girlfriend si Ellie. Gwapo din naman siya, pero hindi yung gwapo na mapapalingon ka nang ilang ulit pag makakasalubong mo siya sa daan. Yung bagang simple lang. Magaling din siya pagdating sa pananamit, tama lang ang pangangatawan. Maskulado na may konting mga taba. Maputi, mabango sa paningin, makinis ang kutis, napakaitim ng buhok, tama lang ang tangos ng ilong, kayumanggi ang kulay ng mata sa tuwing natatamaan ng araw, mamula-mula ang mga labi, pantay ang mga ngipin at hindi maugat ang mga kamay. Sa unang kita mo sa kanya ay agad mong masasabi sa sarili mo na chickboy siya, anak mayaman at laki sa layaw. Pero mali, lahat ng iyon ay kabaliktaran sa totoong si Ellie. Lumaking mahirap si Ellie, meron siyang mga kapatid na mga babae at mahal na mahal niya ang kanyang ina na mag-isang nagtaguyod sa kanila kaya ganyan na lang kataas ang respeto niya sa mga kababaihan at masyadong matipid sa pera dahil na rin sa kinalakihan niya. Pero paano nakaahon sa hirap ang binata?

Sa loob ng kanyang apartment sa may sala ay may ginagawa ang binata sa kanyang desktop computer. May tinatype siya. Tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa. Tirik na tirik ang araw sa labas pero napakadilim ng kwarto niya. Sinara niya ang pintuan sa balkunahe ng kanyang apartment at tinakpan niya pa ng napakakapal na kurtina. Tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa kanyang computer ang nakabukas sa loob. Malapit na siyang matapos sa kanyang ginagawa.

Nang tapos na ang mga photographer, nang nakunan na nila ang dapat nilang kunan ay hinayaan na nila ang mga taga-ospital na ligpitin ang bangkay. Ipinasok muna nilang muli ang mga bitukang nakalabas sa loob ng katawan ng biktima saka tuluyang ipinasok sa loob ng bag.

Pagkatapos ay isinakay na nila ito sa stretcher at inakyat sa loob ng ambulansya at itinakbo sa ospital ang wala ng buhay na katawan ni...

Manong Rafael.

WAKAS

Ellie: Hay... salamat at natapos rin.

Wika ng binata sabay unat ng kanyang katawan.

Matagal-tagal rin siyang nakaupo sa harap ng kanyang computer. Bago siya bumangon ay tinapos niya muna ang natitirang juice sa basong nakalagay malapit sa keyboard niya. Pero sa kanyang pagtayo ay sumalubong sa kanyang mukha ang isang babaeng putlang-putla habang hindi nakatapak sa lupa. Napakaseryoso ng mukha nito habang nakatitig sa binata.

Ellie: O Aling Grace kayo po pala. Si Mang Rafael nakita niyo?

Grace: Hindi eh. Bakit ba?

Sagot ng babae gamit ang napakamalumanay niyang boses.

Ellie: Tapos ko na kasi ang kwento niya, parati 'yung nangungulit sa akin na tapusin ko na ang istorya niya tapos ngayon wala siya. Saan ba siya nagpunta?

Paliwanag naman ni Ellie sa kausap habang nililigpit ang mga pinagkainan sa mesa.

Grace: Baka bumalik na naman sa gusali.

Ellie: Mang Rafael talaga o.

Pagkatapos magligpit ni Ellie ay binuksan niyang muli ang kurtina at pintuan ng kanyang balkunahe. Isang napakaliwanag na sikat ng araw ang agad na pumasok sa kanyang silid at nang paglingon niya sa likuran niya ay wala na ang babaeng kausap niya kanina.

Agad na pinrint ni Ellie ang kanyang mga ginawa. Naligo siya, nagbihis at kinuha ang katatapos lang na pinrint niya. Nilagay niya ito sa isang folder, pinasok pa ang folder sa isang plastic envelope at pinasok ang plastic envelope nang tuluyan sa dala niyang backpack. Pinatay ng binata lahat ng ilaw sa kanyang apartment at sa paglaho ulit ng liwanag sa loob ay muling nagpakita ang babae, nakatayo pa rin sa kung saan siya huling nakita ni Ellie.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon