Chapter 39

1.7K 43 0
                                    

Chapter 39

Kinagabihan, limang minuto bago mag alas-dose ay pumasok ng gubat si Tatang Pedro. Sa gitna ng masukal na lugar na iyun siya'y huminto sa harap ng isang higanteng Puno ng Balete. Hindi pangkaraniwan ang laki nito, napakaraming ugat na rin ang nakalambitin sa napakatandang puno sa pusod ng gubat. Eksaktong alas-dose nang gumawa ng ritwal ang matanda. Iniangat niya ang dala niyang manok at ginilitan ng leeg. Kinalat niya ang dugo nito sa paligid ng puno. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang palayok na may nag-aapoy na uling, isang pulbura ang nilagay niya rito na siyang nagpalakas ng usok at iniangat ito sa ere. Bilang huli niyang hakbang ay kinuha niyang muli ang patay na manok at binali sa gitna sa pamamagitan lamang ng kanyang mga kamay at ipinatong sa ibabaw ng mainit na palayok at muli itong inangat na parang alay.

Tatang Pedro: Asculta-ma dragii mei prieteni. Am nevoie de ajutorul tau, acceptadarulmeu. ( Dinggin niyo ako aking mga kaibigan. Kailangan ko ang inyong tulong, tanggapin niyo ang aking alay )

Pagkalipas ng ilang segundo pagkatapos makiusap ni Tatang Pedro ay biglang may kung anong bumaba mula sa ibabaw ng puno. Isang napakahabang puting buhok ang bumaba na sa sobrang haba ay umabot na ito sa lupa sa kabila ng pagiging matangkad ng Balete.

Tumayo ang matanda sa kanyang pagkakaluhod at nagbigay pugay sa nilalang mula sa Puno ng Balete.

Tatang Pedro: Dra-ukma, hari ng mga maligno salamat at dininig mo ang aking tawag.

Isang hindi taga-mundo ng mga mortal ang binisita ng matanda. May katawang tao ito na may balat na kasing puti ng mga ulap sa kalangitan, mga kuko na kasing haba ng lapis, buhok na may haba na sampung metro, mga ngipin na kasing tulis ng mga buto ng isda at mga paa na siyang ginagamit niyang panghawak sa mga sanga.

Dra-ukma: Pedro, kay tagal na rin ang lumipas nang huli tayong nag-usap. Binigyan na kita ng kakayahan at kapangyarihan na hindi pangkaraniwan at nakakaangat sa lahat. Ano pa ba ang kailangan mo?

Tatang Pedro: Kailangan kong muli ang iyong tulong Mahal na Dra-ukma. May pumaslang sa aking nag-iisang anak na siyang dahilan rin sa pagtitiwakal ng aking asawa. Tulungan mo akong makapaghigante.

Dra-ukma: Hindi pa ba sapat ang aking ibinigay sa iyo at hindi mo magawa-gawa ang iyong ninanais?

Tatang Pedro: Naisip ko Mahal na Dra-ukma na pwede silang kumuha ng manggagamot at albularyo na kasing galing ko. At pwede nilang labanan ang aking gagawin sa kanila, pero kapag ikaw mismo ang gumawa nakakasiguro akong wala silang takas na maging ang manggagamot o albularyo na kukunin nila ay aatras at hindi sila tutulungan pa.

Dra-ukma: Ganun ba? Sige, payag ako. Pero gaya ng dati, ano ang kapalit?

Tatang Pedro: Ang aking kakayahang makakita. Ang aking paningin.

Dra-ukama: Hhhhmmmm... masusunod ang iyong kahilingan.

Biglang lumapit ang hari ng mga maligno sa matanda. Biglang humaba ang mga binti nito at sa pamamagitan ng kanyang mga mahahabang kuko ay kinuha niya ang mga mata ni Tatang Pedro.

At isang napakalakas na sigaw ang naghari sa katahimikan ng gabi sa gitna ng kagubatan.

Tatang Pedro: Aaaaaaaahhhhhhhhhh.....!!!!!!!!

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon