CHAPTER 23

8K 24 1
                                        

Chapter 23:



Mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay second year college na kami. Sobrang saya ng journey ko sa college dahil bukod sa marami akong natutunang bago ay may nakakasalamuha pa ako na bagong kakilala.

Naging kasa kasama namin ni Jury si Ythan sa lahat ng mga lakad namin at naging mas close namin sya na to the point na may mga plano na kaming gagawin pag maka graduate na kami kaso mukang hindi yun mangyayari.

"Hindi kana talaga mapipigilan?" Nalulungkot na tanong ni Jury kay Ythan na nakaupo sa harap namin.

"Halos isang buwan ko rin 'tong pinag isipan, Jury at talagang ito ang naging desisyon ko." Kahit nakangiti ay nakikita kong malungkot ang mga mata ni Ythan.

"Kung ganun ay susupurtahan ka nalang namin sa naging desisyon mo, Ythan." Ngumiti ito sa sinabi ko.

Aalis si Ythan sa probinsya at luluwas ng maynila at ibig sabihin nun ay titigil na sya sa pag aaral ng nursing dahil kukunin nya ang kursong nais nya talaga.

May opportunity daw na dumating sa kanya na magiging way para matupad ang pangarap nya kaya ang magagawa nalang namin na kaibigan nya ay suportahan sya.

"Kailan alis mo kung ganun?"

"Tatapusin ko muna ang buwan na'to, Jury then aalis na ako." Napatango tango kami.

Kakatapos lang ng enrollment para sa second year at hito kami ngayon sa isang coffee shop dahil inaya kami ni Ythan. Sinamahan nya lang kami sa pagpapaenroll at kinuha naman nya ang mga papeles na ipinasa nya sa registrar dahil gagamitin nya sa pagpapaenroll sa manila.

"Chat chat nalang sa gc kung ganun."

Inubos namin ang oras sa pagkukwentohan hanggang nagpasya na kaming umuwi.

"Sabihin mo kung kailan ang flight mo at anong oras para maihatid ka namin." Bago makasakay si Ythan sa sasakyan ay may ibinibilin pa si Jury na para bang aalis na ito ngayon.

"Oo, Jury." Inabot ni Ythan ang buhok ni Jury at ginulo ito.

"Kita nalang ulit tayo bago ka umalis, Ythan." Sambit ko naman na tinanguan nya tsaka din ginulo ang buhok ko.

"Libre ko kayo bago ako umalis." Nag paalam na ito at sumakay na ng jeep habang kami ni Jury ay nag hiwalay na dahil ako susunduin ni Raf habang sya ay may ibang lakad.

Hindi nagtagal ang paghihintay ko dahil agad na dumating si Raf. Inihatid nya agad ako sa bahay dahil may aasikasohin pa sya at umalis lang ng opisina nya dahil susunduin ako. Sinabi ko na sa kanya na hwag na lang pero mapilit at gusto nya rin akong makita.

"Bye, baby." Humalik ako sa labi nya bago bumaba ng kanyang sasakyan.

Nagbihis na ako agad at nagluto ng hapunan. Ginawa ko narin ang mga assignment na ibinigay ng instructor namin para hindi ako tambakan.

Kinagabihan ay nag usap kami ni Raf at nagkwentohan ng kung ano ano.

"Sabi ni Raila ikinuwento nya daw sa mga kaibigan nya na may mommy na daw sya." Natatawang sambit nya.

"Talaga?"

"Oo, tuwang tuwa daw ang mga kaibigan nya dahil masaya sila para sa kanya." Napangiti naman ako.

Sobrang saya ko na may naikukwento si Raila sa mga kaklase nya na ako ang nagiging dahilan, gusto kong makita nya ako bilang mommy na masaya nyang maikukwento sa kanyang mga kaibigan.

Hindi rin nagtagal ang pag uusap namin dahil pinatulog na nya ako baka daw kasi mapuyat ako kinabukasan e may pasok ako.

Kinaumagahan ay naabutan ko pa ang mga magulang ko na nasa kusina may pinag uusapan sila pero ng makitang pumasok ako ay tumigil sila at parang nag uusap ang mga mata kung mag tinginan.

"May pasok ka ngayon, Lory?" Nagtaka ako sa tanong ni mama e alam naman nila ang schedule ko.

"Opo." Umupo na ako sa harap ni mama at nagsimula ng kumain ng agahan. "Kayo po di kayo pupunta ng trabaho?" Balik tanong ko naman. Nagtinginan muna sila bago ako sinagot ni mama.

"Alas 9 kami papasok." Tumango nalang ako kay mama kahit nagtataka sa kinikilos nila.

"Pumupunta ka parin sa bahay nya?" Napatigil ako sa pagnguya sa tanong ni papa.

"Po?"

"Sa bahay ni Raf, ang ninong mo." Hindi ko alam kong sa pandinig ko lang ba yun na maririnig ang pagdiin nya sa salitang ninong.

Kinabahan ako at hindi mapakali ang mata. May alam na ba sila?

"Paminsan minsan po." Pinilit kong hindi mautal para hindi malamang nagsisinungaling ako.

Akala ko may tanong pa si papa dahil nakatingin sya sakin ng ilang segundo pero naalis lang ito ng hawakan ni mama ang kamay nyang nasa ibabaw ng mesa.

"Kumain kana, Rine at tayo'y papasok na sa trabaho." Nagpatuloy kami ng kain ng walang ingay.

Nauna silang umalis bago ako dahil hinintay ko pang sunduin ako ni ninong. Nginitian ko sya pagkapasok ko sa kanyang kotse at hindi ipinahalatang may malalim akong iniisip.

"Sunduin kita mamaya, mahal." Lumapit sya sakin at kinabig ang batok ko para mahalikan ako ng malalim.

"Sige hihintayin kita." Sagot ko ng maghiwalay na ang mga labi namin.

Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong si Jury na naghihintay sa kin sa labas ng gate. Tiningnan nya ako ng nanunuksong tingin at lumihis sa likod ko.

"Spoil na spoil ang babaeta." Sinundot nya pa ang gilid ko kaya napalayo ako sa kanya.

"H'wag nga, Jury." Natatawa syang kumapit sa braso ko at naglakad kami papasok sa univ.

Buong araw ay hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga at hindi ko mawari kung bakit ako hindi mapakali.


Rafael Castro ♡
Baby pasensya na hindi kita masusundo ngayon dahil may lakad akong pupuntahan. Take care, Lory.


Nireplyan ko muna sya bago ko isinilid sa bulsa ang cellphone at niligpit ang mga gamit sa bag.

"Susunduin ka ba agad, Lory? Gala muna tayo." Nangungusap na pahayag ni Jury.

Napaisip ako, pwedi namang sumama muna ako kay Jury since maaga pa naman.

"Sige gala tayo." Agad nagliwanag ang muka nya at agad akong kinaladkad palabas ng room.

Nagjeep nalang kami papuntang mall since hindi naman ganun kalayo. Una naming pinuntahan ay mga shop at bumili si Jury pag may natitipuhan sya.

Halos isang oras din kaming naglibot bago nagpasyang umuwi na. Huminto kami sa gilid ng mall malapit sa parking para dun maghintay ng jeep na masasakyan namin pauwi.

"Girl parang pamilyar ang kotse na yun?" Agad akong napatingin kay Jury sa sinabi nya at sinundan kung saan sya nakatingin.

Kumunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na sasakyan. Sa halos araw araw na paghatid sundo nya sakin ay alam ko na ang hitsura ng sasakyan nya.

Ilang sandali ng paninitig namin ay lumabas dun ang iniisip kong may ari ng sasakyan. Si Rafael, akala ko ba may lakad sya? Dito ba yun?

Bago pa ako may maisip na iba ay may sasakyan na dumating at lumabas dun ang lalaking kilalang kilala ko at padabog na lumapit kay Rafael at sinuntok ito na nagpahiga sa kanya sa sahig agad akong kumilos at tumakbo papalapit sa kanila.

"Papa!"


*****
alter

Pheww! Pheww! Pheww! Lagot!

THIRSTWhere stories live. Discover now