Chapter 24:
Ang plano namin ni Raf ay pagpapataposin nya muna ako sa pag aaral saka namin ipapaalam ang relasyon namin sa parents ko pero hindi naman namin inaakala na mapapaaga pala.
Umiiyak ako habang nasa harap ko ang mga magulang ko, nakayuko ako dahil ayaw kong makita ang disappoinment sa kanilang mga mata.
Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay dahil sapilitan akong iniuwi ni papa at hindi ko manlang nalapitan si Raf at masigurong ayos lang sya.
Ramdam ko ang galit ni papa kay Raf na kahit wala pa syang sinasabi ay alam ko na alam na nila kung anong meron samin ni ninong.
"Kailan kapa tinatarantado ni Rafael, Lory?" Mas umagos ang luha ko sa naging tanong ni papa.
Halata ang galit sa tono nya.
"Ano pinilit kaba nya?" Agad akong napailing sa tanong nya. "Sabihin mo ang totoo dahil ipapadakip ko sa mga pulis ang gagong yun." Napahagulgol ako sa narinig at pinilit na tingnan sila.
Naluluha si mama habang hawak ang braso ni papa at nakatingin sakin habang si papa ay masama akong tiningnan.
"Ano pagtatakpan mo ang ginawa ng hayop nayun? Pinagbantaan kaba ha? Sumagot ka, Lory!" Napapitlag ako ng hampasin nya ang lamesa sa harap nya.
"Pa....h-hindi po." Nauutal kong pahayag dahil sa labis na pag iyak.
"Anong hindi?! Sabihin mo ang totoo, Lory."
"Hindi...h-hindi po a-ako...pinilit." Umiling iling pa ako habang lumuluha para paniwalaan nya ang sinasabi ko.
"Anong ibig mong sabihin, Lory? May relasyon kayo ni Rafael?" Si mama naman.
"O-opo.."
"Jusko naman, Lory!" Bulalas ni mama. "Doble ang edad nya sayo at para mo naring ama!" Umiyak si mama.
"Matapos ko syang tinuring pamilya ganito ang igaganti nya!" Si papa. "Magpakita pa syang hayop sya mapapatay ko sya." Padabog na tumayo si papa at pumasok sa kanilang kwarto.
Tuloy tuloy lang ang iyak ko at halos hindi na ako makahinga.
"Akala ko matalino ka, Lory." Nasa harap ko parin si mama. "Sobrang nadissappoint ako sa ginawa mo, nakakahiya." Labis na umagos ang luha ko ng pati si mama ay iniwan ako sa sala.
Iyak ako ng iyak sa sala at inubos ang lakas. Nang mahimasmasan ay nagtungo na ako sa kwarto at nahiga sa kama kahit na hindi pa ako nakapagbihis.
Gusto kong kumustahin si Raf pero wala akong magagawa dahil kinuha ni papa ang cellphone ko kaya wala akong magagamit para alamin ang kalagayan nya.
Kinabukasan ay kita ang resulta ng kakaiyak ko, namamaga ang mga mata pero pagkatapos kong maghilamos ay medyo humupa ang pamamaga.
Nasa kusina kaming tatlo at sabay sabay na nag aagahan pero parang hindi nila ako kasama dahil hindi nila ako pinapansin at tanging si mama at papa lang ang naguusap.
"Ako ang maghahatid sayo sa eskwelahan." Napatigil ako sa pagpasok ng kwarto ng marinig ang sinabi ni papa.
Sa wakas kinausap nya rin ako pero hindi tulad ng dati na may lambing dahil ngayon ay seryoso nya akong tinitingnan.
"Kaya ko na pa.."
"Ako ang magdedesisyon, Lory. Magbihis kana at ihahatid kita para hindi kung sino sino ang naghahatid sayo." Pahayag nya at tinalikuran ako.
Alam kong si Raf ang tinutukoy nya, gusto kong sumagot sa sinasabi nya pero ayaw kong madagdagan ang galit nila sakin. Papahupain ko muna ang galit nila bago ko sila kausapin.
Tahimik akong nakaupo sa backseat habang nakatingin sa bintana. Si papa ang driver habang si mama ang nasa passenger seat.
"Ako ang susundo sayo mamaya kaya hwag mong subukan na sumakay sa sasakyan ng kung sino sino." Hindi na nya ako binigyan ng pagkakataon na umalma dahil pinaandar na nya ang sasakyan.
Tulala akong nakatingin sa papalayong sasakyan ng mga magulang ko. Gusto kong umiyak sa nangyayari sa akin ngayon pero pigil na pigil ako.
"Lory." Napalingon ako sa gate ng marinig ang pamilyar na boses. Lumapit ito sakin at kita sa muka nya ang pag aalala. "Kumusta? Anong nangyari pag uwi mo? Sinaktan ka ba ng magulang mo?" Sunod sunod nyang tanong.
"Okay lang ako, Jury." Pilit akong ngumiti at naunang maglakad papasok ng univ.
Lumulutang ang isip ko habang may nagtuturong instructor sa harap, mabuti nalang at hindi ako napansin at natawag dahil wala talaga akong maisasagot sa sitwasyon ko ngayon.
Kita ko ang panaka nakang tingin sakin ni Jury pero hindi na nagtanong ulit.
"Okay lang talaga ako, Jury. Sige na mauna kana."
"Hihintayin nalang kitang makasakay." Umupo pa sya sa tabi ko at talagang hindi umuwi kahit anong pilit ko.
Nasa labas na kami ng univ at nakaupo sa waiting shed na nasa gilid ng gate. Patingin tingin ako sa palaging pinaparkingan ni Raf pag hinihintay ako. Umaasa akong magpapakita sya sakin at kukumustahin ako. Pero dumating nalang si papa ay walang Raf na nagpakita.
******
alter
Short update huhu.
