Chapter 25:
Halos tatlong linggo na pero hindi parin ako pinapansin ng mga magulang ko. Kinakausap lang ako ni papa kung ano oras ang uwi ko at pagkatapos nun ay wala nang sasabihin pa.
Si Jury lang ang nakakausap ko at mabuti nalang at hindi na nya binalikan pa ang nangyari nung nakaraang linggo pero napapansin ko ang nakaw nyang tingin pag tumatahimik ako pero hindi naman sya nagtatanong.
"Si Ythan kahit anong gawin ay isesend nya talaga sa gc, seneryoso nya masyado ang pagaupdate baka hindi na yun nakakapag trabaho ng matino kaka cellphone." Rant nya sa kaibigan namin.
"Baka kasi pag hindi sya mag update ay magalit ka."
"Para namang jowa nya ako. I understand naman no." Natawa ako.
Nandito kami ngayon sa labas ng univ at nagkukwentohan hanggang sa dumating na ang sundo ni Jury. Nagpaalam na sya sakin na agad kong tinanguan.
Nakayuko ako sa aking sapatos habang naghihintay kay papa. Palagi na akong sinusundo ni papa magmula ng mangyari ang confrontation. May tampo ako sa kanila pero alam kong ganun rin ang nararamdaman nila sakin kaya pinapabayaan ko nalang sila sa gusto nila.
Ilang minuto akong ganun ang pwesto ng may marinig akong nagbosena sa di kalayuan at nang tingnan ko ay isang pamilyar na sasakyan ito at lumabas duon ang taong gustong gusto kong makita sa lumipas na linggo.
"R-Raf.." Naiiyak kong pahayag at patakbong lumapit sa kanya na agad nya akong sinalo ng yakap.
"Mahal...namiss kita." Ramdam ko ang paghalik nya sa ulo ko kaya napahigpit ang yakap ko sa kanya.
Hindi ako takot na may makakita dahil kanina pa uwian kaya alam kong konti nalang ang tao sa univ.
"I missed you, Raf." Ito ang pinakamatagal naming hindi pagkikita.
"I love you." Naluha ako ng marinig ang sinabi nya.
"I love you too, Rafael." Sumubsob ang muka ko sa dibdib nya at dinama ang mainit nyang yakap.
Ilang minuto kaming ganun ang posisyon hanggang sa marinig ko ang seryosong boses ni papa na agad akong napakalas sa bisig ni ninong.
"Uwi na tayo, Lory." Kita ko sa muka nya ang pagpipigil ng galit.
"P-pa.."
"Pumasok ka sa sasakyan." Napatingin ako kay ninong ng hawakan nya ang kamay ko.
"Sumunod ka sa papa mo, Lory." Masuyo nyang sabi.
"P-pero.."
"Shh. Gagawa ako ng paraan, hm?" Tumango ako sa sinabi nya at lumapit kay papa, bago ko masara ang pinto ng kotse ay narinig ko ang sinabi ni papa kay Raf.
"Sumunod ka sa bahay, Rafael. Maguusap tayo." Tinalikuran ni papa si Raf at sya na ang nagsara ng pinto ng sasakyan.
Tahimik kaming pareho sa byahe kaya mas lalo akong kinabahan. Ano kaya ang paguusapan nila? Kakabahan naba ako?
"Pumasok ka sa kwarto mo, Lory." Gusto kong umangal sa sinabi ni papa dahil nag aalala ako sa gagawin nya kay Raf pero seryoso nya lang akong tiningnan kaya wala akong nagawa kundi sumunod.
Kahit nanghihina ang katawan ay nagawa ko pang mag half bath. Nagsuot ako ng pajama saka nahiga sa kama. Gusto kong lumabas pero baga madagdagan lang ang galit ni papa sa hindi ko pagsunod.
Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at naalimpungatan lang nang may maramdamang may tumabi sakin.
Papikit pikit pa ang mata ng tingnan ko kung sino at nagising ang diwa ko ng makitang si ninong ito.
