CHAPTER 1

1K 4 0
                                    

Chapter 1:

"Anak nandito na ang ninong mo." Agad akong napalingon sa aking likod ng marinig ang boses ni papa. "May regalo sayo ang ninong Raf mo." Mula kay papa ay tumagos ang tingin ko sa taong nasa tabi nya.

Ninong Raf, nasa malayong lugar nakatira at nakikita ko lang isang beses sa isang taon at yun ang kada birthday ko. Mula ng magka isip ako ay palagi kong nakikita si ninong pag kaarawan ko at agad itong ipapakilala sa akin ni papa na para bang nakalimutan ko ito, well isang beses sa isang taon lang ba naman kung makita, kung siguro sa iba ay makakalimutan talaga.

"Hi Lory, happy birthday." Napatitig ako sa muka nya.

Hindi mo aakalain na nasa 35 years old na ito dahil sa angking gandang lalaki. Base sa kwento ni papa ay wala itong asawa pero may isang anak na nakatira sa mga magulang nito. Namatay daw ang nobya nito ng ipinapanganak ang anak nya kaya ngayon ay wala itong asawa.

"Hello po." Ngumiti ako, kita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi nya. Inabot nya sakin ang paper bag na sa tingin ko ay regalo nya sakin. "Thank you po." Tumango ito.

Tumingin naman ako kay papa ng tapikin nya ang balikat ni ninong bago nagpaalam na umalis at pupunta sa ibang bisita. Nasa kusina kasi ako at dito ako naabutan ni papa at dito nya rin dinala si ninong. Naiwan akong kasama si ninong kaya nailang ako ng konte pero dahil ibinilin sya ni papa sakin ay kailangan ko syang asikasuhin.

"Ah ninong, kumain na po kayo." Aya ko.

Naiilang ako dahil hindi nya ako nilulubayan ng tingin na para bang gusto nya akong kainin. Nangilabot naman ako sa naisip ko.

"You're beautiful." Napatingin ako sa kanya at nag init ang muka sa narinig. "18 kana diba pero bakit hindi ka nagpa cotillion?" Kita sa muka ang kakuryuso nya.

"Masyadong mahal." Nagkibit balikat ako at nagsimula ng maghain sa maliit na mesa.

May pakain naman sa labas pero tutal nasa kusina na sya ay dito ko nalang sya pakainin at baka wala syang kakilala sa mga bisita maliban kay papa at mama.

Nang umupo na sya ay nilagyan ko ng kanin at ulam ang kanyang plato at sinalinan ko din ng tubig ang baso nya, habang ginagawa ko yun ay ramdam ko ang paninitig nya na hindi pa naaalis mula kanina.

"Samahan mo rin ako." Aya nito.

"Ay hindi pa po ako gutom." Umupo ako sa isang kabisira.

"Hindi ako sanay ng may nanunuod sakin habang kumakain." Gusto ko pa sanang umangal pero tumango nalang ako. Tatayo na sana ako ng pigilan nya ako. "Isang plato nalang ang gamitin natin." Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Po?"

"Wala akong sakit kaya isang plato tayo kumain para bawas hugasan." Dahan dahan akong tumango, hindi ko alam kong namamalikmata lang ako pero nakita kong tumaas ang sulok ng labi nya.

Ilang na ilang ako habang kumain dahil talaga sa isang plato lang tapos isang kutsara lang ang gamit namin at ang malala pa ay sinusubuan nya ako kaya ramdam na ramdam ko ang pagiinit ng muka ko pero parang hindi naman pansin ni ninong dahil kaswal lang itong kumakain at nakikipag usap sa akin.

"So grade 12 kana?" Tumango ako. "Anong balak mong kunin sa college?" Napaisip naman ako sa tanong nya. Ngumuya muna ako bago ako sumagot.

"Balak kong mag nurse." Kita ko ang pagka amaze sa mata nya kaya naging confident ako sa napili kong kurso.

"Wow, it's hot." Medyo naguluhan ako sa sinabi nya pero ngumiti nalang ako.

Nang matapos ako ay hindi nagtagal ay dumating si papa sa kusina at niyaya si ninong na maginom sa labas kasama ang kumpari nya kaya ako naiwan sa kusina at naghugas.

Ganyan talaga sa bahay na kahit anong okasyon ay ako ang maglilinis ng kusina dahil hindi naman ako mahilig makihalubilo kaya mas pinili kong sa kusina tumatambay.

Wala akong best friend kaya wala akong inimbitahan pero may mga kaibigan naman ako pero hindi ko matatawag na close kaya pag may okasyon sa bahay ay walang may pumupunta lalo nat hindi naman ako nag iimbita.

Maghahating gabi ng magsiuwian ang mga bisita kaya tinulungan ko si mama sa paglilinis. Si papa at ninong nalang ang natira at nagiinoman sa loob ng bahay, sa sala.

"Anak mauna na akong matulog ha ikaw na ang bahala sa pinag inoman ng papa at ninong mo." Tumango ako kay mama since kitang kita ko ang pagod nya.

"Hindi po uuwi si ninong?" Bago sya tumalikod ay natanong ko iyon.

"Malayo ang lugar nya mukang dito sya matutulog, sa sofa mukang kakasya naman sya." Dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay, isa kila mama at isa sa akin.

Itong unang beses na matutulog dito si ninong dahil sa mga nagdaang taon ay umaalis sya ng maaga.

Nagdesisyon akong sa kwarto nalang magpaubos ng oras habang hinihintay sila papa matapos. Napadaan ako sa sala at nagtagpo ang mata namin ni ninong, andyan na naman ang tingin nyang parang kakainin ako. Ngumiti ako sa kanya kahit na nag init ang pakiramdam sa tingin nya, ngumisi naman sya sakin na ikinanguso ko.

Since may cr sa kwarto ko ay naging madali sakin para maligo. Nagsuot ako ng pajama at t-shirt, hindi na ako nagsuot ng bra since matutulog naman na ako maya maya.

Nag cellphone ako pampa lipas oras.

*******
alter

Ang unang tagpo, ems

THIRSTWhere stories live. Discover now