CHAPTER 28

6.7K 33 2
                                        

Chapter 28:


 
"Rafael pakipalitan nga muna ang diaper ni Railey." Napasapo ako sa noo ko ng ibalik ang tingin sa laptop ko.


Gumagawa ako ng part ko sa thesis namin. Kahit modular ako dahil sa panganganak isang buwan na ang nakalilipas ay kailangan ko parin gawin ang part ko.



Nanganak na ako sa isang malusog na batang babae na si Railey Vien. Sobrang thankful ko na kasama ko si Raf dahil hindi ko maramdaman ang pagod lalo nat may hinahabol akong requirements.



Work from home sya para sya ang mag alaga kay baby habang busy ako sa pag aaral kaya napakaswerte ko sa asawa ko.



Yes, asawa dahil nagpa civil wedding kami nung seven months na ang tyan ko at plano naming magpa church wedding pagkatapos kong mag aral.



Si Raila naman ay paminsan minsan lang na nasa amin dahil kung hindi nasa magulang ni Raf ay nasa parents ko naman nagistay. Siguro tsaka sya mananatili ng tuluyan dito samin pag nakagraduate na ako para maalagaan ko rin ang panganay namin.



Napaangat ang tingin ko ng may maramdamang humalik sa ulo ko. Nakangiting muka ni Rafael ang bumungad sakin habang karga karga ang natutulog na si Railey.

"Pagod kana?" Masuyo nyang tanong.



"Kaya pa, Raf." Humalik sya ulit sa ulo ko bago nagpaalam na ihihiga na sa crib si Railey.



Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtapik nya sa balikat ko kaya tiningala ko sya.



"Bakit?"



"Tayo ka." Kahit Nagugulahan sa utos nya ay sumunod parin ako.



Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng maupo sya sa inuupuan ko saka ako pinaupo sa kandungan nya. Pinasandal nya ako sa dibdib nya habang nakayakap sa bewang ko ang dalawang braso nya.



"Comfortable?" Tumango ako bago ko sya bigyan ng mabilis na halik sa labi.



Hindi nga makakaila na mas komportable ako sa pwesto ngayon dahil bukod sa nakasandal ako sa dibdib nya ay ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan ni Raf.



Isang buwan nalang bago ang graduation namin at sobrang excited ako hindi lang sa tapos na ako ng pag aaral kundi dahil narin na maibibigay ko na ang buong atensyon sa pamilya ko.



Alam ko kahit hindi sabihin ni Raf ay naghahanap sya ng lambing at kailangan nya ng atensyon pero pinipigilan nya lang isatinig dahil alam nyang busy pa ako sa pag aaral.



"Kailan natin susundan si Railey?" Nanlaki ang mata kong napalingon kay Raf.



"Mahal! Kakapanganak ko palang tapos nasa isip mo ng sundan ang baby natin." Nangingiti ang kanyang labi ng marinig ang unang salita na binigkas ko at parang yun lang ang pinagtuunan nya ng pansin.



Naiiling ako humarap sa kanya at yumakap sa batok nya. Pinatakan ko ng halik ang leeg nya kaya ramdam ko ang higpit ng pagkakapit nya sa bewang ko.



Nakahiga na kami ngayon sa kama at parehong walang saplot pero walang nangyari samin dahil dipa pwedi sadyang nasanay nalang kaming hubot hubad na natutulog.



"Siguro pag kaya na ni Railey kumain mag isa." Bumaba ang paningin nya sa akin.



"Hm?" Parang hindi pa bumalik sa utak nya ang naging pag uusap namin.



"Bago natin sundan si Railey." Napatango tango sya. "Ayaw ko kasing maramdaman ni Railey na hindi ko na sya maalagaan pag hindi pa sya marunong sa mga maliliit na bagay kung may bagong anak na tayo Raf." Tumango tango sya hudyat na naiintindihan nya ang pinupunto ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THIRSTWhere stories live. Discover now