001xxxx

11.4K 159 13
                                    

001xxx
Wingwoman

It's the weekend and I am rewatching some episodes of Big Bang Theory because why not. This is my only day off and I intend to enjoy it. I think my legs will start to fall off if I try to get up.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha. May notification mula sa messenger.

Amelle: Nag-text ba sa inyo si Jett?

Kiel: Kagabi pa. Hindi ako makakapunta.

Teyah: KJ.

Paoline: Anong KJ, Teyah? Kasama ka ba?

Teyah: Isa ka pa, ate. I'm legal.

Paoline: So? 21 pa pwede. At bakit ka nagch-chat? May klase ka ah.

Anne: Ingay niyo ah. Nagtext din sa akin, invited tayo sa party???

Teyah: May klase din naman kayo ah? Si Ate Kiel at Ate Amelle lang working girls ditooooo!

Kiel: As usual. Si Jett 'yan. What do u expect? Punta ba kayo? Pasabi na lang sa kanya.

Paoline: Changed woman?

Loislane: Changed alien, 'yan.

Kiel: Bakit ako? Pagod lang talaga ako sa work. Saka mag-aral nga kayo, puro kayo party.

Thea: Hala! Nilalahat??? Nananahimik ako dito ah. Baka si Ate Loislane ang mahilig ng pumarty. Nasa US, eh.

Anne: Nagsalita ka. Eh nung college ka nga madalas ka din mag-night life. Echosera.

Loislane: Bakit sa akin napasa? Ano 'to, tirahan?

Teyah: Ate Anne, ikaw lang naman ang ayaw mag-night life. Hindi ka pinapayagan.

Anne: OY!!

Paoline: Pinapayagan ka din ba ha, Teyah? Gusto mo kurutin kita pagkauwi mo?

At tuluyan na silang nagbangayan. Tawa na lang ako nang tawa habang binabasa ang mga chats nila. Kahit kailanman, palagi kaming parang nasa giyera. Puro kalokohan lang naman ang pinag-uusapan namin. Mga mga times na seryoso pero kadalasan talaga puro tawa at hagikgikan ang maririnig sa amin o maraming HAHAHAHA ang mababasa sa group chat.

We really miss Loislane though. After what happened, agad siyang lumipad pa-Amerika. We didn't have the power to convince her to stay and think logically. Lalo na't involved ang pagkakasakit ng kanyang ama.

To tell you the truth, we were all surprised. Nang ikuwento niya sa amin ang nangyari, hindi namin inakala na gagawin ni CK 'yon. I think everybody knew how CK felt for Loislane and vice versa. But we can't blame her, can we? We tried talking to her, believe me, pero desidido siyang umalis kaya hinayaan namin siya sa desisyon niya.

Sa buhay kasi kailangang hinahayaan ang isang indibidwal na magdesisyon ng mag-isa. No peer pressure, no influence of others outside. It's one way of learning and growing as an individual.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pakikipag-chat sa mga kaibigab ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang alas nueve na pala ng gabi. Malamang nagsisimula na ang night life ng mga taong bampira.

Pabangon na ako mula sa sofa nang biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang kapatid kong si Karl. Nagulat pa siya ng makitang nasa salas ako.

"At saan ka galing?" Tiningnan kong muli ang oras at nakitang mag-alas diyes na. Dapat kanina pa siyang alas-sais nakauwi.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon