008xxxx

3.6K 83 31
                                    

008xxxx
Badtrip

Alas-tres na ng hapon. Kaka-out ko lang pero masyadong pang maaga para sa napag-usapang oras na pagkikita  Puwede pa akong umuwi at mag-shower bago dumiretso sa daycare. I'm really looking forward to this. It's a welcomed distraction para hindi kung saan-saan napapadpad ang isipan ko.

Gusto ko rin tulungan at bisitahin si Paoline since the daycare's her main focus right now. Kukumustahin ko din since buntis si gaga.

Nabanggit niya sa amin noong simula kaming nagpa-plano para sa kasal ng bunso niyang kapatid na si Thea. Inaasar namin kasi na bakit hindi na lang sila mag-double wedding. Sa totoo lang, siya ang inaakala namin na mauuna dahil bukambibig niya. Also, dahil na rin sa sa nangyari kay Breeze at Thea pero, aba! Talagang tinupad nila ang birthday wish ni Dalli na kapatid.

Kung ako rin naman ang tatanungin, wala rin akong napapansin na kakaiba sa kanya. Unlike kila Loislane and Teyah na may cravings at moodu. 'Yung pagkain ng marami? No worries, matagal nang normal sa kanya 'yun. She can eat like an elephant but can never be big as one.

Nakarating ako sa daycare at naabutan ko si Paoline na nakaupo sa isa sa mga plush sofas sa tabi ng reception. It's where the parents or guardians stay for awhile after bringing the kids here or before picking them up.

Lumapit ako sa kanya para hagkan at i-beso.

"Kumusta check-up niyo kanina?" bungad ko sa kanya pagkaupo.

"Okay naman. Pangatlong beses na punta pa lang namin sa doctor pero mas madami pa yatang alam si Gage sa akin pagdating sa pagbubuntis," napangiti siya sa naalala niya.

"Hulaan ko pati lahat ng maternity books nabasa na niya? Pati hanggang sa trabaho nagtatanong 'yan, ano?"

"Sino nagtatanong?" singit ni Amelle pagkapasok niya.

Pareho kaming natawa ni Pao sa itsura niya. Gulo-gulo kasi ang buhok niya na alam namin na maayos at tamed 'pag aalis siya ng university. Tiningnan niya kami ng masama dahil doon.

"Bakit kayo tumatawa? Mainit at mahangin, try niyo kaya maglakad sa init?" subok niya bago tuluyan magpunta sa banyo para makapag-ayos.

"No, thanks!" sabay namin na sagot ni Pao.

I slump back onto the sofa and sighed.

Iba talaga kapag positive energy ang nakapaligid. Lalo pa't enerhiya ng mga batang walang kapaguran ang naririnig mo sa lugar na ito. Malayo sa mabigat na aura ng hospital. It's the energy of sickness and death.

It's draining especially if you witness death yourself. 'Pag nakikita mo na unti-unti nang nawawalan ng pag-asa 'yung pamilya ng isang pasyente. Either sa diagnosis, progress, or bills na patong-patong na.

Idagdag pa na lahat ginagawa ko para lang makaiwas sa presensya ni Storm. I know he's around at abot-abot langit ang dasal ko na may ginagawa ako kapag may pasyente siya sa ward.

Sinipat ko ang play area sa kabilang side ng room at napansin kong may mga tatlo pang bata na tila magkakakilala. Magkakamukha sila, actually.

"How's the daycare? May mga nadagdag bang bata?"

Inginuso niya ang mga batang tinitingnan ko.

"Mga pamangkin ni Gray," replied Pao while still browsing on her phone.

"Talaga ba? Ibig sabihin nandito na sa Pilipinas lahat ng kapatid niya? Hindi ba they're staying in the US? Doon nag-stay si Gray, hindi ba?"

Tumango si Pao at binaba ang phone niya, "Hmm, sinamahan sila kahapon ni Gray dito. Two weeks ago yata sila dumating? I think."

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon