0029xxxx

599 20 1
                                    

0029xxxx


"So, let me get this straight," simula niya nang matapos niyang bigyan ng instructions ang isa sa mga guards na nakabantay dito pati sa bahay. "Mas nauna mo pa silang makilala that day?"

Sinubo ko sa kanya ang huling piraso ng orange na binalatan ko bago ako sumagot. Yes, pinapakain ko siya dahil kung hindi ko gagawin 'yun, makakaligtaan na naman niyang kumain sa dami ng tinatawagan at kinakausap.

"Oo nga. Sa dinami-dami naman ng mapupuntahan nila, kila Dad pa. It's amazing how fate interconnects things, 'no?"

Naging busy ang nakalipas na dalawang araw. We ended up helping all throughout lalo na si Storm. Ang dami kong natutunan tungkol sa foundation nila sa loob lang ng dalawa't kalating araw. Karamihan ng volunteers na nandito ay mga dati at kasalukuyang scholar ng foundation. All of them taking up a course related to the medical health field.

Malawak ang sakop nila at marami-rami na rin ang napagtapos na mga doktor.

"Yeah. Now you make me believe in fate," I made a face upon hearing what he said.

"Akala ko ba..."

"I know what I said. No one should rely their life on fate and serendipity. Whatever you want, you should work for it." He smiled at me and downed a glass of water before bracing himself over me. "But you're different. Felt it the first time I saw you."

"Yung totoo? Binabasa mo ba mga libro ko?! Is it rubbing off on you?"

Ikinulong ko ang kwelyo niya sa kamay ko at saka siya hinila palapit. I always want him to be this way. Playful, walang iniisip. Nakatulong rin siguro na sa loob ng tatlong araw, everything has been in order at maayos na may nagbabantay.

Sa totoo lang, hindi ko sigurado kung sino ang sibilyan at sa hindi. Magaling na nagkukubli ang mga ito. May iilan akong nakikitang halatadong bodyguard pero sabi ni Storm, marami pa raw ang mga ito.

"It's a secret I'll never tell. Effective naman, hindi ba?"

Hinawi ko siya which made him sit back on his chair. "You're cute when you're relaxed. Anyway, alam mo kung ano mas effective? Kapag natapos na tayo rito. Masaya and for a good cause itong medical mission but I know you're tired..."

"You should stay here and rest. Pagod ka na rin."

"Nope. Last day na. Isa o dalawang oras na lang tapos na kaya." Tumayo ako at nagsimulang magligpit ng pinagkainan namin para i-dispose since paper plates lang ang gamit namin. Tumulong na rin si Storm nang makitang hindi ako susunod sa sinabi niya. Sanay ako sa trabaho. Walang wala ito sa trabaho mismo sa hospital so, I'm good.

"You're amazing, Lacy. I know you know that, but I wanted to remind you." He suddenly tells me as we step off the room.

"You are, too, Storm." I melt against his embrace. Palagi naman niya akong binibigyan ng compliment but it always gives me the same reaction. Palagi pa rin akong kinikilig. "I love you, doc."

Mataimtim ko siyang tinitigan. Letting him know that I meant every meaning of the word. And as I gaze through the depths of his eyes, just like the first time, I know. I know he feels the same way.

This is the second time I said it to him. Hindi naman sa binibilang ko, but I'm testing how it would feel saying it like this. Alam kong mali. Pinaparusahan ko lang ang sarili. But these past three days, ibang side na naman niya ang bakita ko. I appreciate his efforts and his good heart. I had the urge to say it to him. To let him know that he is loved kahit iba ang paniniwala niya.

After a few more seconds, I joyfully smiled at him as I tug on his arms. "Halika na, doc. Everyone's waiting. May pa-program yata para sa closing?"

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon