0016xxxx

3.9K 80 15
                                    

0016xxxx
Everything

"Bakit na kay Storm yung phone mo?" tanong niya kaagad sa akin ni Pao pagkasagot ko sa tawag niya.

I just got home from a morning duty. Mabuti na lang napunta ako sa shift na ito. It's Valentine's at saktong nagkatugma ang schedule namin ni Storm.

Well, you could say na nag-request ako na kahit morning shift na lang ako to get ready. I am really looking forward to this date dahil wala pa kaming proper na labas ni Storm.

Mas marami pa nga yata akong date noon with men I've met through parties noong college. If I tell Storm that, he'd surely be pissed of.

Speaking of phone, oo nga, ano? Laging nawawala sa isip ko ang phone na 'yun since spare lang 'yun para kung naka-commute ako, mailalabas ko sa jeep.

"Hindi ko pa nakuha ulit," tumawa ako nang bahagya. "Hinablot niya 'yun sa akin tapos nakalimutan ko na."

"Dahil may nangyari na sa inyo, 'no?! Tapos naiwan phone mo sa bahay niya. Oh my god!" Nagtititili na siya sa kabilang linya. Nailayo ko na lang sa tenga ko ang phone dahil sa ingay niya.

"Hindi ah! Tigilan mo ako. He's just… so distracting most of the time. Naiinis na nga ako."

"Bakit naman distracting? Sinagot mo na ba, giiiirl?!?!" pang-aasar niya pa sa akin.

"Oo. At sasabihin ko sa'yo, the reason is so absurd!"

"Oh, bakit? E talaga naman sasagutin mo at gustong maging boyfriend. Bakit patatagalin pa?"

"I wanted him to grovel. Pero ako ang nabwisit, girl." I took a deep breath before continuing everything else.

Tawa siya nang tawa habang kinukwento ko ang nangyari doon sa isang bantay ng lasyente at kila Frances. She was wheezing at natakot na baka biglang mapaanak.

"Tawa ka nang tawa! 'Yung anak mo baka mailuwal mo nang wala sa oras."

"Gaga ka kasi. I can't even imagine you losing your shit over something like that. Wait! Such event hasn't happened before. Ikaw ang pinakawalang pakialam sa mga ganyan, e," she laughed again before asking Gage kung puwede niya iabot ang iPad sa kanya.

Sunud-sunod naman ang tunog ng notifications sa laptop ko telling me she has sent a message to our group chat.

Paoline: It's offficial, Si Kiel may love life na. Hi, baby sis @Teyah, happy anniversary! ❤

"Nakakaimbyerna kaya?! But at least boyfriend ko na. He's like a dream come true," I happily sighed. Tahimik lang kaming dalawa. Siguro ay nag-iisip din siya because Gage is her dream man.

"I know, right?! Hindi ko alam paano o ano ang ginawa natin, tingnan mo naman ako. Engaged and pregnant,"  mahina niyang banggit.

Narinig ko sa boses niya ang pagsisimula ng hikbi. Nanlaki mga mata ko at agad siyang kinontra, "Oy! Oy! 'Wag kang iiyak. Baka isipin ni Gage may ginawa na naman ako sa'yo!"

Hearing my statement made her sniff even louder. Narinig ko ang nag-aalalang pagtatanong ni Gage mula sa background.

"Girl, I love you, pero bye na," mabikis kong habol nang tuluyan na siyang umiyak.

"Sorry. Hindi ko mapigilan. Itong anak ni Gage ginagawa akong iyakin," she emphasized the last part earning him a growl from her fiance.

I can hear that they're talking, but it was so low I think I get it. "Jusko kayong dalawa, ha! Nasa phone pa ako. Bye na nga! Happy Valentine's Day!"

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon