0020xxxx

718 24 0
                                    

0020xxxx
Lacy

Lumipas ang dalawang linggo and we fell into a routine. Isang beses pa lang yata kaming nakalabas since my birthday. Madalas naman kami magkita sa hospital and that's more than fine.

Ever since that night, I know something has shifted between us. Parang mag malapit kami sa isa't isa at hindi ko alam kung dahil 'yun sa ginawa niya sa akin. O dahil parang nag-confess na ako sa kanya nang harapan? I don't even know if I'm getting there or if I really love him.

He didn't say anything the next day or the next. We suddenly have this deeper mutual understanding and I'm enjoying it.

"What do you think?" tanong niya nang lumabas siya mula sa fitting room.

Nasa mall kasi kami ngayon. Nagpasama siya bumili ng bago polo shirt at dress shirt bago daw ako ihatid sa bahay.

"Bagay pala sa'yo pink, babe." Nakapangalumbaba ako na nakatingin sa kanya, checking him out from head to toe.

"I'm not used to wearing light-colored shirts. It stands out against my tattoos."

Natawa ako sa kanya dahil naaasiwa siya sa pagkaka-light ng kulay. Kahit wala naman pinagkaiba kung white ang kulay ng suot niya.

"'Yun ang goal! To stand out." Tinaasan niya ako ng kilay as if telling me na hindi na niya kailangan pa gumawa ng paraan para mag-stand out. He's doing it right now.

"Pero saan ba pupuntahan mo? Why do you need new colored ones? Saka light din naman ang white, ha?" I stood up and went to him.

Bakit, sa tingin niyo? Nararamdaman ko ang kanina pang pabalik-balik na saleslady at tinitingnan siya. Kahit nga mga napapadaan lang sa fitting area na 'to, napapa-double look.

Nagkunwari akong inaayos ang pagkakasuot niya ng sinukat. Inilapat-lapat ko rin ang mga kamay ko sa iba't ubang parte upper body niya habang nakatitig  sa mga repleksiyon sa malaking salamin na nasa likod ngayon ni Storm.

Hindi yata nila na-realize na kitang-kita ko silang kinikilig-kilig pa. Ilang segundo pa bago tumama ang paningin nila sa akin at sabay-aabay yumuko.

"Wedding and christening," sagot niya nang nakabusangot.

"Oh. Nakalukot mukha mo? Ayaw mo ba makita friends mo?"

Pumasok uli siya sa loob pero hinarang ko ang kamay ko bago niya maisara nang may pumasok na ideya sa akin.

"O, ayaw mo akong makilala ng friends mo?" I told him suspiciously.

Kilala ko ang mga colleagues niya sa hospital kung saan ako nagta-trabaho, pero 'yung iba niyang kaibigan? Friends ng high school at college. Med school?

Hinila niya ako bigla papasok sa maliit na space ng fitting room. Isinandal niya ako sa pader. "Why would you think that?"

"Wala. Naisip ko lang. And I was teasing you. I know you're busy, so are your friends."

Kinurot ko ang pisngi niya at inumpisahan tanggalin ang pagkakabutones ng suot niya. Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko para pigilan ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Hinuhubaran ka?" Balik ko sa kanya habang pinipigilan ang sarili ko na tumawa.

Binawi ko ang kamay ko at tinuloy ang pang-aasar sa kanya. Hinapit ko ang katawan niya papalapit sa akin at niyakap ang bewang niya.

"Lacy," bigkas niya sa pangalan ko na tila hirap na hirap.

"Why do you call me Lacy, anyway?"

Hindi siya kaagad sumagot kaya humigpit pa ang yakap ko sa kanya at nagsimulang halikan ang dibdib niya. I smiled against his skin when I felt his chest rise and fall harshly. Ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso niya.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon