0031xxxx
Ang sabi niya, mag-uusap kami. Patapos na kami kumain pero nakatingin lang siya sa akin.Sa t'wing titigil ako kumain dahil nawawalan ako ng gana sa nangyayari, itutulak niya lang pabalik sa akin.
"Alam mo, mas maganda kausap 'yung kapatid mo. Siya kasi nagsasalita."
Hindi siya umimik. He was not eating either. Nakatitig lang siya sa akin. Ewan ko kung anong gustong mangyari nitong isang 'to.
Iniangat ko ang ulo ko para tingnan siya ng masama pero napawi 'yun nang makita kung gaano kalaki ang eyebags niya. Parang lumubog din ng kaunti ang pisngi niya. Kumakain pa ba 'to?
"What the hell are you doing, Storm?" Galit kong tanong sa kanya. Bine-baby niya ako tapos siya oinapabayaan niya sarili niya.
"Akala ko ba tapos na? Bakit mas miserable ka ngayon?"
Padabog kong binuksan ang isa pang food container na dapat ay kanya. As usual, healthy food na naman ang kinuha niya pero mukhang hindi naman siya healthy ngayon.
"Ano? Tatahimik ka lang? Naiinis na ako sa'yo. Hindi, galit pala ako. Pakiramdam ko ang layo mo. Mabuti pa si Maliyah naging malapit sa akin. Ikaw milya-milya ang layo mo."
I stabbed a few strips of chicken and dipped it on a white sauce para isubo sa kanya. Unlike the other times I did this, hindi niya ito kinuha. Nakatingin lang siya. When I took a glimpse of him, parang gusto ko na lang din tuluyang umiyak with how sad and confused his eyes were.
I can't understand any of this!
"Okay, fine."
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Inilapag ko ang tinidor at nagsimulang magligpit para ma-distract. Siguro makikipaghiwalay na siya. Baka 'yun nga. What else is the reason? Hinihintay lang niya siguro na maging okay ako and then he'll drop me home para less guilt and shit.
"Makikipag-break ka na ba? Ok lang din naman para hindi ako nangangapa dito. Alam mo 'yun? Pangatlong buhay ko na 'to kung tutuusin–"
Napatahimik ako nang hawiin niya ang lamesa. Mabuti na lang ay hindinito natumba at hindi tumapon ang mga niligpit ko.
I tried my best to give him the nastiest and angriest stare I can muster. Napakahirap gawin dahil maling irap ko lang, tutulo na ang luha ko.
Ayoko na ng ganitong pakiramdam.
'Yung parang nahuhulog 'yung puso ko sa kawalan. For me, that's what hurts the most. Parang wala ka nang makitang pag-asa. It just means you gave up on it lalo na sa nakikita mo. Wala kang ibang makita emosyon kundi kalungkutan.
Hindi ko alam kung anong ginawa ng panahon, but it did not made me stronger. Kung ako ang tatanungin, I became vulnerable. And damn do I hate that.
"I love you, Kiel."
Nanuyot ang lalamunan ko sa narinig ko. 'Yu ang tatlong salita na matagal ko nang gustong marinig sa mula sa kanya and it rendered me speechless. Matagal ko nang alam, but words hit you differently especially for the first time.
"I love you so damn much that I wanted to kill people. Do you understand that, Kiel? I wanted to shoot anyone who hurt you that day."
Nagulat ako sa sumunod niyang pahayag. Bawat bitaw niya ay puno ng galit at pagsisisi.
"Ayaw ko sa baril or any use of weaponry. Pero nu'ng araw na 'yun, I wanted to keep that gun. I wanted to shoot every single piece of shit that came running after you. Maiiwasan sana na masaktan ka if not for my greed. Kung natiis ko lang sana na hindi ka muna makasama uli, we wouldn't be here..."
I can feel his frustrations in waves.
He's a dedicated doctor who delivers life to this world. Ginawa niya rin ang lahat para hindi mabahiran ng politika ang ginagawa niya. Kaya ganu'n na lang ang nararamdaman niya.
Hindi ko na napigilan. I can't let him do this on his own. Inilahad ko ang aking mga palad. Ipinatong ko iyon sa aking hita, hinihintay na kuhain niya – just like how he did to me the night I hyperventilated.
Iniurong niya ang upuan palapit sa akin. Nag-alangan pa siyang hawakan ako at tanggapin ang kamay ko, but he still held my hand tightly. Makailang ulit niyang pinisil ang kamay ko. Tila kumukuha ng lakas sa tanging koneksyon namin.
"Thank you for saving my sister," mahina niyang bigkas, namamaos ang boses. "She's the best thing that has happened to me before you, Kiel. And both of you got hurt kahit pa ginawa ko na ang lahat..."
Ipinatong niya ang ulo niyakung saan nakalapat ang mga kamay niya. Nabalot kami ng katahimikan maliban sa palitan namin ng paghikbi.
Honestly? Hindi ko namalayan na umiiyak na ako dahil lang naka-focus ako sa hikbi niya. I've seen his vulnerability a few times, but not like this.
"Babe... Storm... don't c-cry." Pag-aalo ko sa kanya na naging dahilan para mas lalo akong mapaiyak.
My sobs caught his attention. Napatayo siya at agad na kinulong ang mga pisngi ko sa palad niya. My vision's blurry, but I can somehow see his red-rimmed eyes and blotchy face. Napakaguwapo niya pa rin kahit na mukha siyang zombie.
"I'm sorry for not talking to you. Ang daming nangyari, matatapos lang ng ganu'n? It was a lot to take in. Taon ang binilang ng paghahanap ko, paghahanap namin. It ended in minutes."
"Alam ko kung anong iniisip mo, Storm. Nobody would've known! Lalo na't sa side ng mga Almariego ang problema. Doktor ka, hindi imbestigador. Spare yourself with the guilt."
Nakakabigla naman talaga na malaman na ang kapatid mismo ni Tita Mila ang may gawa nito. He was an estranged brother. Itinakwil ng buong Almariego dahil sa kagustuhan nitong mapalago ang pera nila sa iligal na paraan.
Gumamit ng alyas pero nang matunugan na may chance si Senator Nogueira bilang presidente, he proceeded to act as a changed man. Lumapit siya muli sa mga kapatid at nakipag-close kay Senator.
Both General Ernesto Almariego and Senato Javier Noguiera were manipulated to think that he's intentions were pure. John Almariego, the youngest Almariego, also known as Victor Teopaco is one of the biggest gun smuggler in the country.
Siya rin ang nagtanim sa utak ng dalawa na makakatulong sa kanila kung ipapakasal si Storm at Louella.
"Ang mahalaga, tapos na. Puwede ka nang makahinga ng maluwag. If you're thinking about your sister, I know you know how she loves you. Kapag magkasama kami rito, marami siyang kuwento tungkol sa'yo na never nakita ng ibang tao. Sa tingin ko nga ay gusto niya ring maging doktor tulad mo..."
Nang marinig niya 'yun, para siyang batang binigyan ng candy. He's Storm. He's a Noguiera, yet he inly cares about what his sister thinks about him.
"See? We've got you, babe." Yumakap ako sa kanya, sinusubukan ko na iparamdam sa kanya ang mga bagay na hindi niya na-re-realize.
"I've got love for you always, Storm. Dahil sa marami pero hindi maipaliwanag na dahilan, mahal kita," putol-putol kong bigkas dahil sa maliliit na hikbing pinapakawalan ko.
Parang may naputol na tali at hindi na tumigil ang luha ko.
This is our turning point and I hope there's no more turning back.
"Mahal na mahal rin kita, Lacy."
Napapikit ako at ninamnam ang mga salitang iyon mula sa kanya. Nanatiling nakapikitpa rin ang mga mata ko nang lumapat sa bibig ko ang isa sa pinakamatamis na halik na nakuha ko mula kanino.
And he's calling me Lacy again. Everything is right in the world, indeed.
BINABASA MO ANG
I've Got You (SPG Girls #5)
Romance|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August 18, 2019 / Continued: June 21, 2020 Finished: September 30, 2020