007xxxx

4K 86 11
                                    

007xxxx
Better

“Malapit ka na mag-out. Tulog ka muna do'n?” bati ni Geean nang makarating siya sa loob at naabutan akong nagsusulat at inaayos ang mga endorsements.

Kinusot ko ang aking mga mata habang humihikab. Sinulyapan ko ang isang pahabang upuan kung nasa'n ang mga locker. Gusto ko na rin naman matulog pero ayaw kong manatili dito.

“Hindi na. May lakad din kasi ako. Baka mapasarap naman ang tulog ko dito,” sagot ko habang nag-uunat.

“Sigurado ka? Alas dos ka pa ng hapon kahapon duty…” pag-aalala niyang tanong muli.

Nagpakita lang ako ng thumbs up bago ipasa sa kanya ang responsibilidad sa mga pasyente. Pagod na rin ako pero mapapasarap lang tulog ko dito at baka mahuli pa ako sa meeting kuno kasama nga kaibigan ko.

Ang tanging pag-uusapan lang naman namin ay kung paano i-pull off ang magiging secret wedding ni Thea without Breeze knowing anything.

Magpapaalam na ako nang biglang sumulpot ang humahangos na si Lorren. Alam ko ay duty rin siya pero sa OB Ward. Nasa regular ward na ako, maga kahut sino pwede kong maging pasyente.

Simula nang makabalik ako matapos maka-recover sa aksidente, dito na ako nakaduty sa 4th floor. Sa 2nd kasi ang OB ward dahil doon located ang NICU/DR/LR.

Napatingin lang si Drew at Geean sa amin. Naka-dantay siya kasi sa akin habang hinahabol ang hininga. Kumaway siya sa dalawa bago ako hilahin sa dulo ng

“Problema mo, girl?” nagtataka kong tanong sa kanya. Na-miss ko rin naman ang kalokohan nito pero imbes na umuwi na lang kami, pinuntahan pa talaga ako dito.

“Bumalik na si Dr. Noguiera…”

Tumango lang ako dahil hindi na ito bago. Isa siya sa dahilan kung bakit gusto kong mailipat din ng ward. Para kung sakaling bumalik siya, hindi kami masyadong magkikita.

Isang buwan pa lang naman mula noong bumalik siya mula sa pinanggalingan niyang lupalop. Hindi na ako nagulat dahil naisip ko na 'yun.

“Oo, hindi ba? May mga pasyente siya dito pero hindi ba't sa government hospital na siya nakapirmi?”

“Girl, hindi. Dito na siya ulit mag-clinic starting Monday. Narinig ko sila Madam na nag-uusap,” paimpit niyang sigaw sa akin.

“Ano?! Sigurado ka?”

Hinawakan ko siya sa niyugyog. Tumango lang siya bago kumawala sa akin para sumandal sa pader.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kasabay ng labing-anim na oras na duty, unti-unting binabalot ng sama ng loob at galit ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan 'yung reaksyon ko dahil alam ko nai-kondisyon ko na 'yung isip ko, e.

Hindi kawalan si Storm. Bakit bumabalik na naman lahat?

“Uy…” bulong ni Lorren. Tiningnan ko siya at at nakatingin siya sa akin na nag-aalangan. “Tama bang sinabi ko? Ano, kasi… di naman sa pakialamera ako pero siyempre, chismosa lang talaga ako. Sorry! Matapos kasi ng lahat…uhm, huhu, sorry talaga. Okay ka lang ba?”

Napatawa ako ng kaunti sa ekspresyon niya. Alam ko naman na alam halos ng lahat sa hospital ang nangyari. Storm's well-known at idagdag pa na gwapo siya at ibang-iba ang dating laban sa ibang doktor.

He has this certain finesse and air of sophistication. Na sobrang malayo sa malaki niyang katawan at mahabang buhok. Kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya kaya maraming nagkakagusto sa kanya.

Huminga ako ng malalim at umiling, “Ayos lang ako, Lorren. Salamat sinabi mo. Mas magiging maingat ako at baka makalbo ko 'yung isang 'yun.”

Nakita ko namang napabuga ng pinigil na hininga si Lorren. Hinawakan ko ang kamay niya para pisilin. Inaya ko na siyang mag-out dahil oras na para magpahinga.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon