0025xxxx

637 25 1
                                    

0025xxxx
Please

Nakahiga kami sa sofa at nanonood ng isang action-filled movie. We randomly stumbled upon it while browsing the channels.

It was a lazy day earlier at the hospital. Sa unang pagkakataon, nagkasabay kaming matapos sa trabaho namin.

The only downer is that masama ang pakiramdam niya. Pero para sa akin, wala siyang sakit. Mukhang wala siyang tulog at nangangarag sa mga demands ng tatay niya.

Alam ko rin na ilang beses na silang nakakapagkita ni Louella. He tells me these things, yes, but the senator provides the visuals. He sends it to me through my personal e-mail na hindi ko alam kung paano niya nakuha.

"Asher Storm," banggit ko sa buong pangalan niya.

Ayaw na ayaw niya na ginagawa ko 'yun kaya nang hindi siya mag-react, I know he's not with me. Lumilipad na naman ang isipan niya.

Umisod ako nang kaunti at saka umikot para humarap sa kanya. He didn't mind the change, he instead helped me settle. Matapos nu'n, hindi na naman niya ako pinansin at nakatingin lang sa screen.

Hindi ako sanay na ganito siya. He may be tired but not distracted. Malamang ay kung anu-ano na naman ang ipinapagawa ni Senator.

Hindi ko alam kung paano siya tutulungan sa totoo lang. He's my first boyfriend and see where I got myself into? Alam ko komplikado ang koneksyon nila lalo na't political connections.

Hinalik-halikan ko ang dibdib niya, nagbabakasakali na makuha ko ang atensyon niya. Feeling my lips on his naked skin, he tangled our limbs together and snuggled closer.

"What do you want me to do to help you?"

"I'm feeling fine, Lacy. Your hugs are the best medicine." Pambobola niya, pero uubra sa akin 'yan ngayon.

"Napakadistracted mo, lately. And it's not like you. Sabi mo pa masakit ang ulo mo, bakit nakatulala ka? You should've been sleeping!"

Humiwalay ako sa yakap niya para matingnan siya ng masama. Alam niya kung ano ang tinatanong ko dahil pareho namin alam na wala siyang sakit. He always does this. Kapag nagtatanong na ako tungkol sa kasalukuyang ganap ng pamilya niya, ayaw na niyang nagsasalita. He's sheltering me like a damn kitten.

"Wala 'to. Baka dahil naulanan ako nu'ng isang araw," he dismissed my concern at yumakap lang nang mahigpit.

Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. Siguro dahil nasa dalawang linggo na siyang ganito at  ganu'n na rin katagal ang palagian na pagkikita nila ni Louella.

"You know what? Bakit hindi mo na lang ituloy 'yung pagpapakasal kay Louella? Tutal mukhang pinaplano niyo na, e." Itinulak ko siya at saka ako tumayo.

He looked so confused kaya iniwan ko siya doon at nagpunta sa kusina. Nandito na naman ako uli sa unit niya. Napapadalas na nga ako dito nang hindi ko namamalayan.

Habang umiinom ako, nakita ko sa may tabi ng microwave ang kanina ko pa hinahanap na ballpen. Naalala kong may idinagdag ako sa listahan ng grocery na kahapon pa niya ipinapagawa sa akin.

Ang iniinuman kong baso ay exclusively para sa akin lang. Storm bought two different-colorednones para kung may bisita daw, we'd give them the clear glass ones.

There are... bits and pieces of myself here.

May sariling espasyo na ako sa closet niya. May iilang sapatos na rin akong kasamang nakahilera ng kanya. Nahati na rin sa dalawa ang puwesto sa lababo niya. Naiurong na ang nga gamit siya sa kaliwa, ang akin ay nasa kanan.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon