0028xxxx

614 19 3
                                    

0028xxxx


"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng isang pamilyar na high-pitched voice.

Napalingon ako at hindi nga ako nagkamali. Si Louella.

Nakapameywang siya sa hambana papasok ng kusina. Nakapantulog pa at mukhang bagong gising. Pero bakit ganu'n? Hindi ba nagtanggal ng make up 'to bago matulog o talagang naglalagay siya ng kolorete first thing in the morning?

Tsk. That would be bad for her skin.

"Wala. Trip ko lang magpunta dito, Ms. Louella. Kain ka na. May hinanda si Manang Maye." Itinuro ko sa kanya ang nakahain sa likuran niya.

Nakakain na kami ni Storm. Oras na kasi para magtungo sa lugar kung saan gagawin ang medical mission. Siguro ay bumaba siya nang panandalian akong gumamit ng powder room sa kabila.

Pinipigilan kong matawa sa mukha niya. Akala niya kasi ay papatulan ko siya. Sorry siya dahil medyo kinakabahan pa ako dahil mukhang ngayong umaga ko makikilala ang natitirang pamilya ni Storm. Hindi ko kailangan pagtuunan ng pansin si Louella.

"Lacy," tawag ni Storm habang pababa. Napako ang atensyon ko sa kanya nang makitang nakasimangot siya at tila nagmamadali.

"Bakit? Tulog pa sila?"

"No. Nasa kapitolyo na raw sila." Hinagod ko ang likod niya para kahit papano ay pakalmahin siya.

"Ah, yes. Sabi ni Tita they were needed there?"

Mabilis na naihilig ni Storm ang ulo niya sa ngayon ay kinauupuan ni Louella. She wiggled her fingers in hello nang magtama ang paningin nila ni Storm. It only made him groan in frustration.

"I don't want to ask why you're here, Louella." Tumalikod siya mula sa direksyon ng kusina bago hawakan ang magkabila kong pisngi.

"I didn't know she was here, too."

I reach up to pat his cheek. "Okay lang. I'm good. Halika na? Malayo ba 'yung kapitolyo? Bakit kapitolyo? Parang napakalaki naman ng mission na 'to?"

Iniba ko na lang ang topic para hindi na siya mag-alala. Isa-isa lang dapat ang intindihin na problema. Wala naman matatapos kung pagsasabay-sabayin ang mga bagay-bagay. I'll follow Storm's lead in this.

Nang makasakay kami, nagsimula akong magtanong. Ngayon ko lang malalaman na tatlong araw pala gaganapin 'to. We're somewhere in Tarlac at ang bahay tinutuluyan namin ay sa pamilya ni Tita Mila. Now, that explains why Louella was there. Besides the fact na kailangan rin niya ng proteksyon dahil parte ng Almariego ang puntirya.

"So... will we anticipate 'yung pagdating ng mga tatay niyo? Since nandito si Louella?"

Naalala ko kasi na kaya nandito ang mag-ina, in the first place, ay dahil ayaw nilang kausapin si Senator Javier. Secondary na lang ang threat kay Maliyah and any female body na malapit sa Noguiera – another shocker for me.

Pasimple akong napalunok dahil sa kaba. It was a specific threat. What the hell...

"I can't answer that. We'll talk to them tapos papauwiin ko. Ihahatid natin pabalik."

Humawak ako sa braso niya to stop him from talking. "No. Maiiwan ako doon tapos ihatid mo sila. Parang ang suspicious naman kung kasama mo pa ako. I'm here to volunteer and help out, right?"

"What? No." Padabog niyang binitawan ang manibela nang makapag-park.

"Look. Kaya ko sarili ko. May... guards naman doon, hindi ba? Or ewan? Authorities since malakihang medmission 'to, e. Convince them. If they don't want to go...let's just hope for the best?" I ended it in a question. Hindi ko kasi alam kung makukumbinsi no'n si Storm.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon