0017xxxx

1.7K 57 17
                                    

0017xxxx
Fiancée

Lunes ngayon. Ibig sabihin PM Shift na ako. It was both a blessing and a curse dahil 2pm to 10pm ang oras.

Alanganin. Ni hindi ka makakagala unless magbukas ang mall ng alas-sais.

Pagkalabas ko, saktong nag-ring ang cellphone ko. It was Mommy calling on Skype.

I answered it while brushing my hair and the screen displayed my Mom sniffing some roses. Kumunot naman ang noo ko since alas-sais pa lang ng umaga doon, may bagong roses na?

"So how was your date? Balita ko kilala daw 'yung lalaki?" tanong niya in a singsong voice na naging dahilan para mapatigil ako sa pag-aayos ng buhok ko.

Napatitig ako sa kanya and seeing her smile, it dawned on me. Mukhang tinotoo ng kapatid ko ang banta niya na i-send niya ang stolen picture namin ni Storm. Pinndot ko ang mute button sa app.

"KARL AMADEUS!" sigaw ko ang buong pangalan niya with all my might.

This kid really will get it. Ako mismo magta-tattoo sa noo niya ng katagang chismoso. Tutal gusto niyang magpatattoo, hindi ba?

"Magpapatattoo ka, hindi ba?! Pinapayagan na kita!"

"Talaga?!" rinig sa tono niya ang excitement.

"OO! Ako gagawa gamit 'yung needles ng syringes. Hihingi ako sa ate Anne mo. Maghintay ka. Decorative pa yung mga salitang chismoso sa
noo mo!"

"Sorry, ate!"

Sinilip niya ako sa kwarto at nakangiti ng malaking-malaki, "I love you."

Sinipat niya ang phone ko na nakapatong sa unan, "Mommy, help!"

Tinawanan ko siya at sinabing naka-mute. Hindi siya maririnig. "I'll send an sos," he huffed and stuck his tongue at me playfully before isara ang pinto.

"C'mon, tell mommy what happened."

"'My! Ano ba 'yan? It's just a date. Saka, hello! 26 na ako. I need to up my groove, hindi ba?"

"Gwapo ba?" excited niyang tanong sa akin.

"Kilala mo si Sen. Noguiera?" sinagot ko ng tanong yung tanong niya.

Nagulat ako ng halos bumaliktad siya pagkakatayo dahil bigla siyang napaatras at tinawag si Daddy at natataranta, "Paul! Itong anak mo!"

I heard Dad's heavy footsteps at agad na lumabas sa screen ng phone ko na nakayakap na kay Mommy na nakahawak ngayon sa dibdib niya. Pati tuloy ako ay kinabahan dahil kulang na lang ay mahimatay siya sa putla niya. May nasabi ba
ako? May nararamdaman ba si Mommy?

"My, okay ka lang? May nasabi ba ako?"

"Ano bang problema, Nory?" nag-alalang tanong ni Dad sa kanya. Jusko po! Ano ba ito?!

Napahawak ako sa leeg ko at hinintay na kumalma siya. Makaraan ang ilang segundo ay tumingin siya sa akin pero ang kinakausap niya si Dad.

"Yung anak mo, dine-date si Senator Noguiera!!! Do you know what that means?! Kabit ang anak natin? Saan ba kami nagkamali, anak? Wala bang kasing-edaran o nasa age-bracket mo ang nakaabot sa standards mo? Anak! Bakit sa isang 60 year old pa? He's old enough to be your dad!"

"Nory, wala pa akong 60," Dad deadpanned nang marinig niya ang pahayag ni Mommy.

OH MY GOD! Akala nila si Sen. Noguiera ang kasama ko? Ang date ko kagabi?

"Mommy," pagsisimula ko pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Paano daw sila magkakaapo
kung matanda yung magiging ama nito? Paano na lang daw ang magandang lahi niya.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon