004xxxx

4.9K 89 4
                                    

004xxxx
No Space

"Hoy, baklang Kiel," bungad ni Mae sa akin nang makapasok ako sa station.

Nagtataka ko lang siyang tiningnan bago dumiretso sa locker area kung saan ilalagay ang mga gamit namin, even our phones.

Siyempre, sa simula lang 'yun. Kalaunan, bitbit na rin namin ang mga smartphones namin in case kailangan namin tawagan ang mga doktor. Lalo na kapag ready for delivery na ang pasyente.

Double shift ako ngayon kaya ready ako hanggang mamayang P.M. shift kaya medyo madami akong dala.

Nang matapos ang endorsement, agad akong naghanda para unangbshift ko ngayon araw. Lumapit si Mae sa akin at agad muli akong kinulit.

"Alam mo, mukhang happy pill ka ni Dr. Noguiera," mangha niyang sabi sa akin habang sinusundan-sundan ako.

"Ano ba 'yan, Mae. Baka may makarinig sa'yo, mapahamak tayong lahat."

Sinamaan ko siya ng tingin at sumilip kung may ibang tao na puwedeng makarinig. Ayoko mawalan ng trabaho, 'no! Kahit pa ba kumukuha lang ako ng experience, e, ayoko magka-bad record.

"Shungek," hinampas niya ako sa braso at bumulong na lamang. Natakot rin siguro mapagalitan kami at buti na lang favorite ako ni Madam kung hindi, lagot na talaga

"Alam mo, 'pag hindi ka duty, napakaseryoso niyan. Ang tipid ngumiti. Dalawang araw kang wala 'di ba? Hindi siya halos naglalagi dito kumpara 'pag nandito ka," pagsinghal niya. Masamang-masama ang loob dahil crush niya si Dr. Noguiera.

"At saka alam mo?" Sinundan niya ako hanggang sa pinakaloob-loob ng station para lang dikitan ako at makabulong. "Sinasabi namin sa'yo, siya nagbigay nu'ng stuffed toy sa'yo!  Ang mahal kaya nu'n saka pagka-post ko ng wishlist mo, nakasuksok agad sa loob?"

Dalawang linggo ko na ring iniisip ang posibilidad na 'yan. December na kasi, kaliwa't kanan na talaga ang christmas parties. I recently seen the movie at napagtripan kong ilagay na gusto ko ng big Olaf stuffed toy which was a freaking joke! Ang gusto ko lang talaga doon ay ang isang box ng ballpen dahil ubusan lahi dito sa amin ang ballpen.

I like Dr. Noguiera. Crush ko nga yata siya. Hindi lang dahil guwapo siya at may dating, pero I have seen him work and care for his patients for how many weeks now.

Parang napaka-rare niyang nilalang. Almost perfect ba kung tutuusin. Maliban sa isa siyang lalaki sa specialization na karamihan ay babae ang nangunguna, isa siya sa mga doktor na tunay na may paki at malasakit sa tao.

Baguhan lang siya kung tutuusin pero marami na kaagad ang may mataas na kumpiyansa sa kanya. Kahit pa ang ilang kilala at established nang espesyalista.

"Ay, Mae, minsan alam mo? Nakakapahamak 'yung pagiging assumera. Sabi niyo 'di ba may girlfriend 'yun?"

Hinarap ko siya habang nasa beywang ko ang dalawang kamay ko, challenging her.

"Totoo ba?" Nagtataka niyang tanong habang tinitingnan ako.

Sinamaan niya ako ng tingin at pumadyak, "Hindi ako ang nagsabi nu'n! 'Yung galing sa lab department ang nag-chika nu'n!"

Inilingan ko lang siya to dismiss our topic. Wala naman magagawa kung may karelasyon siya o wala.

Ako na rin mismo ang umiiwas dahil as I've said, ayoko ng issue. Gusto ko lang umalis sa hospital na ito with the experience I need to go abroad.

He makes me feel alot of different things all at the same time na ngayon ko lang naramdaman. Let's don't forget what I felt against my ass that night when I bent over. Hindi ko naman talaga sinadya 'yun, nagmamadali lang ako na matanggal ang suot kong heels para mas mapadali ang paglalakad ko

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon