0033xxxx
Pamilyar ang tinatahak daan na tinatahak namin. Nang makita ko ang malalaking letra ng salitang memorial, agad akong kinabahan.
Pinisil ko ang kamay ni Storm, silently asking if what I'm thinking is correct. Nanlalamig ang mga kamay ko at malamang ay ramdam niya ito. Sumulyap siya nang mabilis at binigyan ako ng maliit na ngiti.
Alam na alam ko ang lugar na ito. I've been here more times than I can count. Dito rin sa lugar na ito huli naming inihatid ang pinakamamahal namin na kaibigan, si Loislane.
Wala pa rin naman pagbabago. Mayayabong ang mga puno at matitingkad ang berdeng kulay ng mga damo. Sa t'wing napupunta ako dito, ganito ang itsura niya. Presko ang simoy ng hangin at tila pinasasayaw nito ang mga puno.
Parang binibigyang buhay ng mga namayapa ang lugar kung saan sila huing inilagak. It's a contrasting thought, but one that would somehow makes sense.
"Bakit kabadong-kabado ka, Lacy?"
"Really, Storm? Itatanong mo sa akin 'yan?" Tumango siya habang tumatawa-tawa.
Nakatigil na ang sasakyan pero hindi pa kami bumababa.
"Nanay mo pa rin 'to...Siyempre kakabahan ako!"
He shakes his head in confusion. Pinili na lang niya na maunang bumaba para kuhain ang dalawang arrangement ng flowers na ako ang nagpagawa. Kinontra pa nga niya ito dahil simple at maliit na bouquet raw ay sapat na.
Nang makita kong pabalik na siya, gumalaw na ako para tumulong.
Mag-se-set up kasi kami ng picnic. Dito kasi namin naisipan na mag-date.
Ang date na ito ay na-plano matapos namin na mapaanak si Paoline nang maayos. It was a week ago at fresh pa rin sa isipan ko ang nangyari. Nakakakaba lalo na't kaibigan namin ang nasa sitwasyon na iyon.
Natawa pa nga kami nang sabihin ni Storm na kay Gage na trabaho lang walang personalan. Naalala kasi ni Storm ang mariing pagtutol ni Gage noong nagpa-ultrasound si Pao. Oo nga naman. Ultrasound pa lang
Sa totoo lang, hindi ako agad pumayag. Ang gusto ko lang sana ay bibisita lang kami dahil... in a way, ito ang unang beses na pagkikita namin ng nanay niya tapos kakain ako agad sa harapan ng kinalalagakan niya? Talk about disrespect.
Hawak ko na ang pang-sapin at dalawang manipis na unan habang hinihintay si Storm. Nang makuha niya ang mga pagkain na dala namin, inilahad niya ang mga kamay niya para sabay kaming maglakad patungo doon.
"Relax, Lacy. Hindi naman babangon si Mommy from her grave," biro niya sa akin nang makalapit kami.
Well, 'yun talaga ang iniisip ko. Baka kapag hindi niya ako nagustuhan, mapabangon siya bigla. Kinuha ni Storm ang hawak ko na blanket. Lumayo ako para mailatag niya ng ayos.
When it was done, Storm lowered himself to light some candles and to fix the flowers. Hindi ako agad lumapit dahil gusto ko siyang bigyan ng oras para makausap ang nanay niya in private.
"Lacy, come here," tawag niya sa akin habang tinatapik ang space sa tabi niya.
Napalunok ako at nag-aalangang tumapak palapit.
Lois, malapit ka ba kay doktora? Pa-build up naman ako, friend!
Astraoria Milanez-Noguiera
June 30, 1956 – May 20, 1996
To follow your dream is to fulfill your heart with purpose.
"Ma, we're here. Natagalan man pero I'm here to stay true to my promise," sumulyap siya sa akin at kita sa mata niya ang saya. "She's here. I've brought the woman I love, Ma."
BINABASA MO ANG
I've Got You (SPG Girls #5)
Romance|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August 18, 2019 / Continued: June 21, 2020 Finished: September 30, 2020