0010xxxx

4.6K 93 22
                                    

0010xxxx
Finally

Pangalawang araw pa lang ng bagong taon, pero nag-uumapaw na muli an gaming mga emosyon. Kasal nila Thea and Breeze – finally!

Hindi naman gan’un kahaba ang hinintay nila para sa araw na ‘to. Nang pumayag siya sa pagpapakasal kay Breeze, nabanggit niya noon na baka ilang taon pa ang bilangin bago ito mangyari. Napakarami kasing nangyari sa kanila sa loob lang ng maiksing panahon and he understood it.

Doon pa lang, alam na namin na sila talagang dalawa ang para sa isa’t isa. Masaya ako at kaming magkakaibigan na masaya at thriving si Thea.

Halos masira ko ang hawak kong bulaklak dahil sa pagpapakalma sa sarili ko. Magkakatabi kaming bridesmaids dito and we are all doing the same. Well, Anne’s almost bawling and Amelle’s sniffling her nose out.

We're all sisters from another mother and nothing can separate us. Kaya ganito na lang ang nararamdaman namin sa tagpong ito.

Minsang napabaling ang atensyon ni Thea sa amin na mga kaibigan niya bago matapos ang seremonya. She smiled softly at us, mouthing her thanks. Napatawa siya ng kaunti nang halos sabay-sabay kaming nagpunas ng mata dahil sa napipintong luha.

Nakaupo ako sa table naming magkakaibigan habang nasa gitna sila ng area for their first dance as Mr.&Mrs. Araujo. Kanya-kanya kaming picture ng mga nangyayari dahil minsan lang naman talaga ikasal ang isa sa amin at minsan lang may ma-surprise.

The whole area's bursting with positive energy. Lahat nakangiti at kitang-kita na masaya sila. Most of them never expected to witness a one-of-a-kind surprise wedding. My friend does deserve happiness after everything that has happened. They deserve the happiness.

Nang matapos ang pormal na parte ng reception at ang pagkain, tinawag at kinayag kami ni Thea na sumayaw. Iniwan kamini Breeze nang makalapit kami sa kanyang asawa.

Bago pa makalayo si Breeze, tumirada naman ng biro si Amelle, “Magkaka-sexy time na din sila ulit!"

Lumingon si Breeze saglit at nagtaas-baba ang kilat. Napa-fist pump pa siya in victory na nagpatawa sa aming lahat habang nasa gitna ng dance floor.

"Ready ka na ba ulit para sa aksyon matapos ang araw na ito?" tanong ng kambal niya.

Sabay-sabay kaming tumawa nang mapakunot ang noo ni Thea. Ilang segundo pa ang bumilang bago niya ma-realize ang ibig sabihin ng kapatid. Agad siyang namula habang hinampas naman niya ang braso nito.

Nasa gitna lang kami, nakapaikot na parang maglalaro lang. May kasama kami na iilang bisita na bibong sumasayaw lalo na ang mga bata. Nakikipaglaro si Dalli kay Saskia habang ni CK sa may bandang gilid at isinasayaw. Ang mga partner naman ng mga kaibigan ko ay naka-abang sa tabi habang nagkukuwentuhan at umiinom.

“Kailangan mo yata i-ready soldier ni Breeze. Medyo matagal din ang limang buwan, ha?” pahayag ko na siyang nagpatawa kay Pao.

“More than ever, baka mas energized ‘yun ngayon! Aba, limang buwan ba naman. Baka hindi na lumabas ng kwarto ‘yan sa honeymoon nila,” bumunghalit ng tawa ang nakakatandang kapatid nila sa sarili nitong joke.

Umiling na lang ako bago siya tulungan na isuot ang high heels na hinubad niya habang sumasaway kanina. Kahit ilang beses na namin sinabi na magpalit na lang ng sandals o kahit tsinelas dahil mahaba naman ang mga suot namin.

“Ba’t ba ayaw mo kuhain ang in-offer ni Gage na sandals?”

“This makes me feel sexy. Kahit isang araw lang kahit pa mamaga paa ko,” pahayag niya nang makatayo ng ayos.

Mabilis pa sa pinakamabilis na superhero, nasa likod na niya kaagad si Gage at umaalalay. “Napakapasaway ng fiancé mo, Gage. Iuwi mo na nga.”

Napatawa si Gage at umiling, “Parang hindi mo naman kilala kaibigan mo. Hindi ko ba alam bakit kailangan pa naka-heels. For me, she’s sexy every day. Especially now.”

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon