0027xxxx

596 16 0
                                    


0027xxxx


Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang maramdamang parang nahuhulog ako. Halos masubsob pa ako sa kagustuhang makatayo kaagad.

"Whoa there, Lacy." Isinukbit ni Storm ang braso niya sa bewang ko para mapigilan ang paghalik ko sa sahig.

Napatingin ako sa kanya. Napaupo ako sa gilid ng kama samantalang siya ay nakahiga na ngayon sa puwesto ko kanina. Pakiramdam ko ay para akong hinabol sa bilis ng kabog ng puso ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang nasa panaginip ko o kung nanaginip nga ba ako.

Napataas ang kilay ko sa pagtataka nang tumama ang paningin ko kay Storm na maiksi ang buhok. I feel so groggy. Mukhang nasobrahan ako sa tulog? Naisuklay ko tuloy ang kamay ko sa ulo niya para malaman kung nasa panaginip pa rin ba ako o gising na talaga.

"Storm?" Napaikot ang tingin ko sa paligid. Nasa isang kwarto na kami. And everything suddenly made sense. Nakarating na kami sa pupuntahan namin.

"Sandali. Nandito na tayo? How did I get here?"

Tumango siya sa akin at ngumiti nang bahagya. "You were knocked out. Binuhat na lang kita papasok."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at inilibot na lang ito sa kwarto muli. Madilim at nakasara ang makakapal na kurtina. Hindi ako sigurado kung anong oras na.

Bigla kong naaalala ko na kung bakit tila wala akong maalala. Nararamdaman ko ang mukha ko na uminit dahil sa hiya. I was hyperventilating earlier at parang bata akong nakahawak sa kamay niya buong biyahe.

Kinusot ko ang mata ko para maibsan ang hapdi mula sa pagakakatulog. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa biyahe dahil huling pansin ko bago makatulog, may mga parte na mabagal ang daloy ng sasakyan.

"I'm sorry. Nakadagdag pa ako sa intindihin mo," pahayag ko bago siya pasimpleng tingnan.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong isama. Sana hindi siya nabahala kanina habang bumibiyahe kami.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Bahagya siyang humiwalay sa akin. Nang magka-espasyo sa pagitan namin, agad niya akong hinila para itabi sa kanya.

"Matulog ka pa. It's just past 1 in the morning," bulong niya sa buhok ko bago ito bigyan ng halik.

Umikot ako para makaharap siya. Ngayon ko lang napansin na may pang-itaas pa siya. An indicator that he isn't comfortable. I held his face and looked at him. Ala-una na pero bakit gising pa rin siya. Siya ang mas pagod sa aming dalawa dahil from duty at clinic, nagmaneho pa siya.

"Bakit gising ka pa?"

Nagkibit-balikat lang siya at tumitig sa akin. Parang bawat sulok ng mukha ko ay kinakabisa niya. Bahagya ko siyang hinampas sa dibdib dahil kinabahan ako bigla.

"Magsalita ka naman, Storm. Stop staring at me," saway ko. Naiyukos ko ang mga palad ko sa damit niya.

"I...I was looking at you sleeping," malumanay niyang bigkas habang hindi pa rin inaalis ang mga titig sa akin. "Gustung-gusto kitang tinitigan habang tulog. You looked so relaxed and at ease. It must've been hard being with me, no?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nagising ang diwa ko sa tono niya. He just sounded so defeated. Alerto akong tumagilid at itinukod ang braso ko para umangat ako ng kaunti. Sa ganitong posisyon, maayos kong nakikita ang reaksyon niya.

"May nangyari ba? Nasaan sila Tita Mila? Maliyah? Si Senator?"

"Wala naman." Hinila niya ako muli and this time, halos ipulupot na niya ako sa kanya. "I just remembered what you told me. Unang beses na kinuwento 'yung aksidente. And I saw how it still affects you at some degree still. And then I remember all the shit going on with my family and dragging you in it."

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon