0030xxxx
"Kailan ako lalabas?" Tanong ko kay Strom para basagin ang katahimikan.
Kanina pa ako gising. Alam kong alam ni Storm 'yun pero mas pinili niyang hindi ako kausapin. Tanging koneksyon lang namin ay ang magkasalop namin na mga kamay.
Mag-da-dalawang araw na akong nandito sa hospital. Ayaw matinag ni Storm na umuwi na lang ako. He insisted for me to stay here because I had a concussion.
"Until everything is clear, Kiel," masungit niyang sagot.
That's the other thing, hindi na niya ako tinatawag na Lacy. Puro Kiel this, Kiel that. Hindi ko alam kung anong problema niya. Kung kailan naman naging okay na ang lahat saka siya ganito.
Parang ewan kasi. Malamang talagang malakas ang pagkakauntog ko. Naaalala kong binanggit niya na pareho siya ng nararamdaman para sa akin. Salungat naman doon ang ipinapakita niya.
Dalawa lang sila ni Maliyah na pupuwedeng pumasok sa kwarto ko. At this point, I'd prefer Maliyah as company kasi kinakausap niya ako. Itong naturingan kong boyfriend, naputulan yata ng dila.
Binawi ko ang kamay ko at umayos ng higa. Alas-tres na ng hapon ay buryong-buryo na ako sa buhay. Medyo hindi pa ako nakakanood ng TV at nakakapag-cellphone dahil umiikot oa ang oaningin ko kapag nagtatagal na nakatutok.
"Kiel..."
"Tuloy mo lang 'yung hindi pagkausap sa akin. Doon ka naman magaling." Tinapik ko ang kamay niyang lumalandas sa bewang ko ngayon.
Naiinis ako at naiiyak at the same time. Naninikip ang dibdib ko dahil sa pagpipigil na umiyak.
Nag-iyakan naman na kami nila Maliyah, Tita Mila at mga magulang ko while on videochat. Umiyak ako kasi umiiyak sila. At paliramdam ko pangatlong buhay ko na 'to. Hindi ko alam mung may mala-pusa kaming lahi, but I'm thankful.
Hindi ako sigurado, but I guess Loislane's doing his magic up there. Ayaw pa niya na samahan namin siya. It's good kasi marami pa.kaming pangarap, but what the hell? I miss Loislane the most. Loislane, pakibatukan naman 'tong jowa ko. Medyo naiinis na ako. Hihiwalayan ko 'to!
Wala namang ibang nasaktan na malubha maliban sa dalawang body guards. At ako, na nabali-balibag.
Hindi ko naman pinagsisisihan ang ginawa ko. I had the ability to hurt the guy para matulungan makaalis si Maliyah. Malay ko bang mainitin ulo nu'ng lalaki.
The first few hours, nagkahalo-halo ang mga naalala ko. Parang nag-jumble sila sa isip ko. Lahat naman ng puwedeng gawing tests ginawa sa akin with Storm's insistence. Bubulong-bulong pa 'yan na sana pala mag-neuro rin siya.
He's a neuro alright! Neurotic!
Sinubukan niya uli na kuhain ang atensyon ko pero nag-ring ang cellphone niya. Kasabay nu'n ang tatlong beses na katok at pagtawag ni Maliyah sa amin.
"Hi, Ate and Kuya." Storm only sighed before greeting his sister. Hinabilin pa nga ako sa mas bata. I rolled my eyes in annoyance.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, humarap ako sa kinaroroonan ni Maliyah. She's now sipping on her milktea at ngingiti-ngiti sa frustration ng kapatid niya.
She knows how I feel. Siya lang naman nakakausap ko. I can call my friends pero sira ang cellphone ko at ayaw kong humiram kay Storm.
Nginitian ko si Maliyah nang ilagay niya sa news channel ang TV. Tinapik ko ang space sa tabi ko para doon siya umupo. We stayed silent while watching yet another news on what happened. Nang mai-flash ang mukha nang lalaking nambalibag sa amin, agad na uminit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
I've Got You (SPG Girls #5)
Romansa|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August 18, 2019 / Continued: June 21, 2020 Finished: September 30, 2020