0014xxxx

3.5K 83 16
                                    

0014xxxx
Missed

"Ate, pahiram ng sasakyan mo ah," tinapik ako ni Karl sa balikat habang nakatambay ako sa sala.

Kakagising ko lang uli dahil from night duty ako. Parang nabugbog katawan ko nitong nakaraang araw. And no, not from work and not from other things either. Nabugbog lang ako dahil toxic ang workload.

At ang constant presence ni Storm at every corner of the workplace is making my body stiff. He's making me froze at every turn and he knows it. It has been going on for a week already after ng nakakatindig balahibo na encounter na namin sa office niya during lunch.

Ibinukas ko ang isang mata ko at tiningnan ang kapatid ko.

"Saan ka na naman ba pupunta?"

Nagkibit lang siya ng balikat bago sumagot, "Malayo kasi bahay nung groupmate ko. I need a
car."

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso at panay ang pagpapalipat-lipat ng kamay niya sa
bulsa niya, sign na mayroon siyang hindi sinasabi.

"Karl Amadeus Grande," banta ko. He groaned in annoyance at saka tumingala. "Stop saying my full name, ate."

"Tigilan mo din ako sa alibi mo. Baka nakakalimutan mong umuwi kang lasing nu'ngnnakaraang kinggo at may gasgas ang sasakyan?"

Hindi ko sinabi sa parents namin dahil ako ang in-charge sa kapatid ko. Hindi na nila kailangan pa na ma-stress sa kalokohan ng bunso namin. Kinausap ko nanlang din si Tita Lucy.

"Hindi ko naman sinasadya. Nasobrahan lang ako nun. Saka…"

Bago pa niya ipagpatuloy, ako na ang nagdugtong, "Saka 'yun 'yung mga oras na kakatapos niyo lang sa group project at na-stress kaya kailan
mong mag-unwind at magsaya?"

Tumayo ako at pumameywang sa harap niya.

"Excuse ko din 'yan pero naging responsable naman ako, Karl! Oo, kotse lang yun, maipapagawa o mapapalitan 'yun. Paano ba nagasgas 'yun? Sumadsad sa barrier? Sa ibang sasakyan? Sa poste? Saan, Karl?"

I'm feeling hysterical, the panic slowly crawling through my  spine. Hindi ako nag-react nakaraan, but re-hashing whatever happened to him last week
brings back memories – memories I never want to remember. Things I never want to even imagine happening again to any of my family or friends.

Hindi ko namalayan na nahihirapan na pala akong huminga kung hindi ko pa naramdaman ang yakap
ng kapatid ko. Narinig ko ang ilang sorry at ang pagsasabing kumalma ako.

Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik sa nornal ang aking paghinga. Ramdam ko pa din ang pag-alo ng kapatid ko sa akin. Nang makasigurado siyang ayos na ako, bahagya niya akong itinulak at kumawala sa yakap.

Napaka-unusual kasi para sa kanya ang maging touchy at ang mangyakap. He hates doing it, but he does know it can calm and comfort me.

"Sorry, ate," bigkas niya bago yumuko at humawak sa batok. "Uhm, sige. Mag-commute na lang ako."

Lumapit ako ulit sa kanya at tumingala. Mas matanda ako sa kanya pero hanggang bibig niya lang 'yung ulo ko kaya pahirapan kausapin 'to, e. Nabagyuhan ng tangkad 'to. Nu'ng ipinanganak siguro ako, e, maaraw kaya walang tabgkad na napunta sa akin.

"Alam ko namang mag-ha-happy Thursday ka lang, but please be responsible? I want you to have fun but I want you to come back home alive," sumamo ko sa kanya.

"Ang OA mo, ate." he scoffed in an annoyed tone. Balik demanding at sungit na naman ang isang ito but  I can see understanding flash in his eyes.

"Hindi ako iinom..." tinaasan ko siya ng kilay.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon